"akashic academy" basa ko sa gate na nasa harapan ko, at may pader na sobrang taas na satingin ko nag poprotekta sa academy na papasukan ko
tss, boring
"you must be the new student from?" sulpot ng matandang babae na nasa harapan ko
"mystical forest" dugtong ko sakaniya bakas sa mukha niya ang pag kagulat
"i see, follow me"
pag pasok namin sa gate ay isang malaking field ang bumungad sa'kin,
nakapalibot dito ang mga building na satingin ko ay dorm at mga classroomdumaan kami sa gitna ng field na ipinagtataka ko
"shortcut hehe" sabi nito na kinatango ko lang
pumasok kami sa room na nakalagay sa pinto ay "headmaster"
"andito na siya" sabi ng babaeng kasama ko
"welcome to akashic academy, Amira! I'm the headmaster of this academy, Rodeo Martinez" sabi ng lalakeng satingin ko ay nasa 40 plus
"how'd you know my name?" takang tanong ko
"tss, nevermind" pambawi ko
"here's your key to your dorm and locker, expect a dormates, don't worry mabait naman sila at ito rin ang schedule mo, pwede ka nang pumasok bukas" malaking ngiti nito sabay bigay sa'kin ng dalawang susi at papel
"thank you" pormal na tugon ko
"Marissa, tour her" sabi nito sa babaeng kasama ko kanina na nagngangalang marissa
"no need, just lead me to dorm" walang gana kong sabi
"as i expected Amira Sy from mystical forest"
"tss"
"this way Amira"
at sinundan ko si Marissa
"yung kaliwang building ay boys dormitory at yung nasa kanan ay sa babae" paliwanag nito bago ako iwan
dala ko ang maleta ko at pumasok ako sa elevator, pinindot ko ang 6th floor
wala halos tao dahil class hour, may mga ngilan-ngilan na agad naman akong pinag-bulungan
tss
hinahanap ko ang aking kwarto at hindi rin nag tagal nakita ko
"109" basa ko sa numerong nasa brown na pintuan, binuksan ko ito gamit ang susing binigay sa'kin at bumungad sa'kin ang tatlong higaan na may kaniya-kaniyang hindi kalakihang aparador.
may tatlong kulay ang higaan, yellow, blue at white, mukhang 'yung kulay puti ang sa'kin dahil ito lang ang walang gamit.
may isang bintana ang kwarto at isang cr, hindi na masama sa tatlo.
nilagay ko ang mga damit na palagi kong sinusuot sa aparador, may limang pares na rin pa lang uniform naka hanger sa loob na satingin ko ay aking gagamitin.
nilagay ko sa ilalim ng kama ang aking mga sapatos at tsinelas
at ang aking maleta nilagay ko sa paanang bahagi ng aking kama
bumigat na rin ang aking talukap at nilamon na ako ng kadiliman
***************
"omg, mukha siyang manika! gusto kong lamutakin"
"shhh, baka magising"
"ang ganda niya eh, tiyak na pag kakaguluhan 'to bukas!"
nagising ako dahil sa ingay ng dalawang babae na paniguro kong kasama ko ito sa kwarto, bumungad sa'kin ang dalawang babaeng gulat na gulat sa aking mukha
"owemji, gising ka naaa!" sabi ng blonde na maiksing buhok
"sa ingay mo ba naman hindi 'yan magigising" singhal sakaniya ng may kulay blue na kulot ang buhok
"hindi naman eh" pagtatampo nito
"ako nga pala si Betrice Santiago isa akong witch" pakilala nung kulot
"hello! ako naman si magandang Ella Contis, isang fairy" masayang pakilala nito sa'kin akmang yayakapin ako ngunit pinigilan ko
"Amira Sy, water manipulator" maikling pakilala ko
"wow, may elementalist kaming kasamaaaaa" malakas na sigaw nito at agad namang kinurot ni Betrice
"ano ba!! masakit yon ha!" angil nito
"ang ingay mo kasi, bigay mo na 'yung pagkain kay Amira" saway nito
"Amira, dinalhan ka namin ng pagkain dahil hindi ka na namin ginising kanina nung dinner sa hall" sabay bigay nito sa'kin ng styro na may laman na rice, corn at caldereta may juice rin siyang binigay
"salamat" simpleng ngiti ko sakanila
"ang ganda mo, feel ko baliko ako dahil sa'yo" sabi ni Ella na agad naman pinandirihan ni Betrice
"kadiri kaaaa" sabay takip nito sa kaniyang dibdib
"joke lang eh"
hinayaan ko lang silang magbangayan dahil kumakain ako nang matiwasay
"Amira, saan ka pala galing?" takang tanong ni Betrice
"mystical forest"
mukhang nagulat sila sa sagot ko dahil hindi agad nakasagot
"t-talaga? hindi ba delikado ron?" takot na tanong ni Ella
"hindi naman, buhay pa nga ako eh"
"nababasa kasi namin na maraming creatures don na nakakatakot" sabi ni Betrice
"nababasa n'yo lang, hindi nakikita. nakapunta na ba kayo ron?" tanong ko sakanila na sabay na umiling
"hindi kasi kami nagagawi roon, kung lalabas mankami sa bayan kami pupunta" paliwanag ni Betrice
"hayaan n'yo, dadalhin ko kayo ron"
na agad naman lumiwanag ang kanilang mata"t-talagaa? omg excited na ako"
"sige, liligo muna ako" pagtatapos ko sa aming usapin dahil tapos na rin akong kumain
nang natapos akong maligo agad kong pinatuyo ang aking buhok, hindi pa rin sila tapos sa kanilang usapin.
nag suot ako ng manipis lang na tela dahil masarap matulog 'pag presko, hindi na rin ako nag bra dahil hindi ako sanay 'pag suot ko ito matulog
agad akong nilamon ng kadiliman
****