Rage***
nagising ako sa dorm ko, solo ko ito dahil royalties kami kaya may sari-sarili kaming dorm
ang sakit ng ulo ko, inalala ko ang nangyari kahapon
kingina talaga ng babaeng yon palagi nalang akong pinapatulog ah
sumigaw ako sa sobrang inis
may araw ka rin sa'kin
naligo ako dahil may pasok pa pala, late na nga ako at wala akong pake
nang matapos akong magbihis ay kalmado akong naglalakad ng may kumpulang nagaganap sa labas ng cafeteria, sumilip ako at may kaaway si Amira?
pinapanood ko lang sila, mukhang maganda 'to ah
kaaway niya ang anak ni headmaster na pinsan ni Ira, tatlo sila laban sa isa
si Yuri, Ira at Sofia naka ngisi ko silang pinapanood
hawak ni Amira ang kamay ni Yuri nang biglang sumugod si Sofia ngunit sinalag ni Amira si Yuri kaya si Yuri ang nasapak HAHAHAHA
sakit non, may mga natutuwa sa nanonood pero karamihan pag kamangha
"ahhh! ouch!" sigaw nito na agad naman nanghingi ng tawad
biglang sumugod si Ira sakaniya, naglabas ito ng water spikes papunta kay Amira na agad niyang kinontrol at umikot pa ito, ginawa niya lang na normal na tubig at binasa ang tatlo HAHAHAHA
"at sa tingin mo malakas kana niyan!?" sigaw sakaniya ni Ira
"hindi lang satingin, ramdam ko pa" mayabang na saad nito na ikina hiyaw ng mga tao dahil sa paghanga
tss, papansin
"akala mo kung sino, papansin ka lang naman sa prinsipe" sabi ni Sofia
"tigilan mo ang future asawa ko!" sabi ni Ira na ikinangiwi ko naman
*********
Amira**break time nanamin at papunta na kami sa cafeteria ng may humablot sa buhok ko
napasigaw naman sina ella at betrice dahil sa gulat kaya naagaw namin ang atensyon ng lahat
hinablot ko ang kamay nito at binaliktad, baliin ko 'to eh
"a-aray bitawan mo ako!" agad ko naman itong binitawan ng may paparating sa'kin na suntok, si Princess Sofia
problema nito?!
agad kong tinulak 'tong babaeng hawak ko para pang salag kaya ang ending siya ang nasapak ni Sofia
"ahh!! ouch!" sigaw nito
"omg, sorry Yuri!" hinging patawad nito sa kaibigan habang inaalo ito
biglang sumulpot si Iralyn na bigla itong nag palabas ng water spikes papunta sa'kin, cinontrol ko rin ito gamit ang kamay ko, umikot pa ako para astig tyaka sinaboy papunta sakanila, ginawa ko lang itong tubig pampakalma sa kanila
"at satingin mo malakas ka niyan?" sigaw sa'kin ni Princess Iralyn habang nag pupunas ng mukha
"hindi lang satingin, ramdam ko pa" mayabang na saad ko na ikina cheer ng mga tao lalo na sina Ella at Betrice
"akala mo kung sino, papansin ka lang naman sa prinsipe" sabi ni Princess Sofia
"tigilan mo ang future asawa ko!" sabi ni Princess Iralyn na kinatawa ko naman
"mayabang kang babae ka!" sigaw ng babae, Yuri ata pangalan nito, pansin ko rin na nagyeyelo ang kaniyang kinakatayuan
ice manipulator huh