Rage**
minulat ko ang aking mata, puting kisame ang aking nakita
"Rage, you're awake, okay ka lang? may masakit ba sa'yo? sino gumawa sa'yo niyan?!" sunod-sunod na tanong ni Ira
andito rin sina Lukas at Sofia
mukhang andito ako ngayon sa infirmary, bwesit na babaeng yon
"kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Lukas
"masakit sobra katawan ko, labas at loob" paliwanag ko habang iniinda tagiliran ko
"ano bang nangyari sa'yo? isang araw kang tulog, natagpuan ka ni Lukas sa garden nag aagaw buhay" nag aalalang sabi ni Ira
"oo nga kung hindi ka siguro agad nakita malamang pinaglalamayan ka na" sabi ni Sofia
biglang bumukas ang pintuan, si Headmaster
"anong nangyari sa'yo?" tanong agad nito
"she's scary and powerful" kwento ko sakanila kung paano nito controlin ang aking katawan at saktan gamit ang salita
agad naman akong nakaramdam ng init sa mukha ng maalala ko ang dibdib nitong maputi
"are you okay? namumula mukha mo" alalang tanong ni Ira na hinawakan pa ang leeg ko para tignan kung may lagnat ako
"are you sure about that?" tanong ni Headmaster
"yes headmaster" sagot ko
"let's talk tomorrow with King and Queen Althan" na agad ko naman pinagtaka
who are you Amira Sy?
*********
Amira**tahimik ang buhay ko dahil walang Rage ang nang gulo, busog ako sa puri dahil pansin ko kapag anjan siya puro pang lalait ang naririnig ko
siguro dahil kung hindi sumang ayon sakaniya ang mga studyante rito ay tinatakot niya
that jerk.
tapos na ang klase kaya kumakain kami
amboring palagi kaming pinapatakbo sa field, limang ikot naman kanina, sa attack and defense naman na subject ay naka piring kami habang inaatake ni sir, na agad ko naman tinapos sanay na ako sa ganiyan, sa gabi kasi ako nag tetraining palagi sa amin.
leveling ko na sasusunod na linggo, isasabay ito sa event kaya maraming manonood
birthday ata ng prinsesa, si Princess Iralyn ata ang may birthday, gusto nito ganapin sa loob ng academy
tss, attention seeker
sina Betrice at Ella lang ang naging kaibigan ko rito, maraming gustong magpakilala ngunit hindi ako interesado
marami rin naglalagay sa locker ko na chocolates, pagkain , flowers, potion na kung ano-ano, may pang pakintab ng buhok, pampabango, pampakinis
kinakain naming tatlo ang mga pagkain at binibigay ko ang mga potion kay Betrice dahil isa siyang witch
"ano kayang susuotin ko next week?" problemadong sabi ni Ella habang kumakain ng crackers
"mag diet kana teh baka hindi magkasiya sa'yo yung gown" pang-aasar sakaniya ni Betrice na agad niya naman itong sinamangutan
"ano bang gaganapin sa sunday?" tanong ko
"birthday ni Princess Iralyn, sinabay ito sa grand masquerade dahil request ito ng prinsesa" paliwanag ni Betrice na ikinatango ko
"imbis na next month pa yon eh, gusto talaga niya palagi siyang bida"
"pero 'di ba leveling mo rin 'yon?"