chapter 5

2 0 0
                                    

Amira**

"tara sa infirmary, dumdug-" hindi na natuloy ang sinasabi ni Betrice nang nasa harapan nanamin ang mga prinsipe

"ang galing mo, here's your towel" nagulat ako ngunit hindi ko pinahalata, hawak ni prince Lukas ang aking panyo na agad ko namang pinag taka

ang mukha ni Rage at Princess Iralyn ay hindi maipinta

tss

pinagtitinginan kami ng mga tao rito kaya kinuha ko nalang ang panyo ko at pinunas ko sa pawis ko sa noo at leeg, tanggal angas ko nito ah

pero agad ko ring binalik sakaniya ang pinunas kong pawis, binawi ko lang angas ko at iniwan silang naka nganga

hindi pa man ako nakakalayo rinig kong sigaw ni Rage

"naka chamba ka lang ang yabang mo na!"

"okay" tugon ko na tiyak kong maririnig niya, malamang mamumula nanaman ang kaniyang mukha sa galit

haha, cute

************
Rage***

nakakainis!

bakit ang galing niya, hindi pwede! chamba lang 'yon, tama chamba lang 'yon.

"at para saan yon, ha?! Lukas?!" singhal ko sakaniya

"ang alin?" patay malisya niyang tanong

"anong ang alin?! 'yang pabigay bigay mo ng panyo?!" sigaw ko sakaniya

kami nalang naiwan dito sa field dahil nauna na ang dalawang prinsesa na halatang badtrip din

"wala 'yon"

"anong wala 'yon, bading ka!" bulyaw ko sakaniya na patawa tawa lang

"ikaw ang bading, napatol sa babae" at iniwan ako

"hoy, gago!" pinagbabato ko ito ng fire ball na agad naman niyang pinag iiwasan

"aarrghhh!" sigaw ko dahil sa gigil, may araw ka rin sa'kin Amira, luluhod ka sa harapan ko!

HAHAHAHAHAHA malakas na tawa ko dahil may namumuong plano nanaman ako

**********
Amira**

naligo muna ako sa shower room nang mabilisan dahil nalalagkitan ako

mabilis kong pinatuyo ang aking buhok at sinuklay

agad ding gumaling ang sugat ko, sabi ng ina may healing ability daw ako dahil sa tuwing nagkakasugat ako gumagaling din ito agad kaya hindi ko na kailangan pumunta sa clinic

dumiretso ako sa cafeteria dahil nagugutom na ako

maraming bumabati sa'kin at marami ring naiinis

hindi ko na sila pinansin at agad akong umorder.

mga pera pala rito ay pilak at ginto

agad akong nagbayad at hinanap sina Ella at Betrice dahil pinauna ko na sila kanina, agad ko rin silang nahanap dahil sa ingay ba naman ni Ella

"hi Amiraaa, tara na rito" bati ni Betrice nang mapansin akong paparating

"ang tagal mo, inaantay ka namin para sabay-sabay tayong kumain" sabay tawa nito na agad naman binatukan ni Betrice

"okay na ba sugat mo?" tanong ni Betrice

"oo" simpleng sagot ko at kumain kami

nag-umpisa nanaman ang dalawa, pero ako ang topic nila

andito lang ako oh

"pero ang galing talaga ni Amira, feel ko mas malakas pa siya sa mga royalties eh, bakla dalhin mo ako sa mystical forest baka sakaling gumaling din ako" sabi ni Ella kay Betrice

"tigilan mo ako, sa garden nga lang takot ka eh, 'yon pa kayang mystical forest na walang nakakalabas kapag may pumapasok" pambabara nito sa kaibigan

agad naman nagbangayan ang dalawa
iniwan ko sila dahil oorder pa ako, grabe gutom ko

habang nakapila ako ay agad naman nagsitilian ang mga tao

"Prince Lukaaaas ang cute moo"

"Prince Rageee, ang gwapo mooooo"

tss

ramdam ko ang pagtingin nito sa'kin ngunit hindi ko pinansin dahil nagugutom ako.

hindi na sila pumila, agad itong pumunta sa counter

at nang matapos nitong umorder ay nagulat ako dahil patungo ito sa'kin

maging ang kasama niya ay nagtataka

malapit na ako sa counter ng magsalita siya

"ito oh, para sa'yo" ano nanaman kayang plano nito, hindi ko siya pinansin

"sige na, walang lason 'to, peace offering hehe" pagpupumilit nito ngunit hindi ko pa rin pinapansin

"Amira, bilis na" akmang kukunin ko na ito para tumigil na ay bigla itong hinagis sa akin, kaya nagkalat sa dibdib ko ang mga pagkain, spaghetti pa man din at may sopas din, mainit!

agad nagsitawanan ang mga andito may mga naririnig pa akong nagsasabing buti nga, assuming daw kasi ako

kingina oh

agad itong tumalikod na tawang tawa pa

yumuko ako at tinipon ko sa styro ang spaghetti at sopas na nagkalat sa lapag tyaka ito binato sakaniya

sapul! gago ka ah

nagkalat ito sa kaniyang batok at likuran, maraming nandiri at natawa, halo-halo may mga naiinis din at pagkagulat sa aking ginawa

akmang babaling pa ito sa'kin nang pinigilan na siya ng kaibigan niya at nilayo

lumapit naman sa'kin sina Betrice at Ella na may mukhang nag-aalala

"nawala ka lang saglit may kaaway ka nanaman, takaw gulo ka talaga" sermon sa akin ni Betrice

"owemji girl, ang dumi mo na" habang pinupunasan ako ni Ella ng panyo kaya lalong nagkalat yung mantsa sa aking dibdib

"laki ng dede mo, pakurot nga" sabay kurot nito sa aking dibdib na agad ko namang tinakpan at ramdam kong pamumula ng aking mukha

pigilan n'yo ako, ibabato ko 'to

"sorry hehe" hinging patawad nito na agad naman binatukan ni Betrice kaya sila naman nag-away

iniwan ko na sila dahil maliligo ako

agad naman silang sumunod nang makitang wala na ako

"teka lang Amiraa" rinig kong sigaw ni Betrice, nag teleport ako patungong dorm at naligo, hindi nalang ako papasok, marami akong abilities na nadidiskobre habang tumatanda ako dahil siguro sa ama ko?

hinihila ako ng aking kama kaya napag desisyonan kong lumabas dahil alanganin na kapag ako'y natulog

pumunta ako sa garder na kinakatakutan ni Ella

hindi na masama, masyado lang madilim dahil nasa dulong bahagi ito ng dormitory

malawak din ito, maraming puno sa paligid na halatang walang naglilinis dahil sa nagkalat na tuyong dahon

may fountain din dito na hindi na walang tubig, may mga fence pero napag desisyunan kong sa puno umupo

pero bago pa man ako makatulog may naramdaman akong paparating at tinitigan ako sa pwesto ko ngunit sa hindi inaasahang hinila ako pababa

fuck.


Poisonous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon