Amira**
andito ako ngayon sa class C, unang classroom. bakas ang pagkatakot at pagkamangha sa kanilang mga mukha
kumalat agad ang chismis, sabagay mga royals pala naka away ko tiyak may mga fans 'to rito
tahimik akong umupo sa dulo, alam kong sinusundan ako nila ng tingin kaya hinayaan ko nalang
discuss**
discuss**
discuss**
kringgg*
tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase, wala manlang ako naintindihan dahil tulog ang aking utak
inaantok na ako kaya nagmamadali akong pumunta sa dorm ngunit may nakabangga ako
"sorry"
hindi ko na pinansin nang hingi nalang ako ng paumanhin, ni hindi ko tinignan kung sino ito
nakarating ako sa dorm nagbihis at natulog agad, grabe pagod ko mabilis akong nilamon ng kadiliman.
kinabukasan**
maaga akong nagising at naligo
tulog pa rin ang dalawa nang matapos akong magbihis, sabagay 5 am pa lang, masyado pang maagalumabas muna ako, hindi ko muna sinuot ang coat ko kaya naka longsleeve muna ako na white
paglabas ko ng building may mga elf na naglilinis, may mga gumagamit ng charm para magbuo ng mga nasirang pader, araw-araw sigurong may gulo rito, dinagdagan ko pa
gumala gala muna ako dahil hindi ko pa nakakabisado ang lugar, nakarating ako sa kabilang building, class C basa ko sa isang room dito, binuksan ko ito at nagtagumpay naman ako, isa itong malawak na room at may ngilan ngilan na armas mukha itong training room, may bumabalot na magic barrier dito para hindi lumabas ang charm kung sino man ang mag tetraining dito, malayo ito sa building ng mga classroom
ang kabilang building naman ay para itong hospital, maliwanag na pala, naubos oras ko sa paglalakad, nagteleport ako sa harap ng classroom namin, first sub namin ay p.e, wala ito kahapon dahil nilalagnat daw ang kaniyang misis
andito na rin pala sina Betrice at Ella na nagbabayangan pa rin, tumigil lang sila ng napansin nila ako
"saan ka galing?" takang tanong ni Betrice
"jan lang sa tabi" walang gana kong sagot
nagsimula na rin si sir magklase, pinapunta kami sa field, pinagsuot kami ng p.e uniform.
jogging pants na black at white na t-shirt, may lining lang itong black sa magkabilang gilid at may nakalagay na p.e sa likod, sa harap naman ay ang pangalan ng academy
nag pony tail lang ako ng buhok at okay na ako.
pinatakbo kami sa buong field paikot para lumakas daw kami, sanay naman na ako sa takbuhan
sa 18 na taon ko sa mystical forest, sanay na ako sa takbuhan, i train myself to be strong kasi wala poprotekta sa'kin kundi sarili ko lang
tumakbo ako nang kalmado lang dahil ambabagal ng mga klasmeyt ko, baka sabihin pabida ako kapag binilisan ko
ngunit sa aking pagtakbo ramdam ko ang paglambot ng lupang tinatakbuhan ko, nagmasid ako kung sino ang gumawa non at hindi ako nabigo
si Princess Sofia at Princess Iralyn, patagong binabasa ang aking tinatakbuhan, ramdam ko ang bigat ng putik sa akin sapatos
ramdam ko rin ang bitak sa tinatakbuhan ko
ngumisi ako dahil hindi niya ba alam na mas maputik at delikado pa rito kung saan ako lumaki
binilisan ko ang takbo, naka dalawang ikot na ako sa field ang sabi kasi tatlo, isa nalang.
nang mapadaan ako banda sakanila ay nginisihan ko lang ito na lalong nagalit, may mga sumasali na rin sakaniya at hinahayaan lang ni sir?
***********
Betrice**hingal na hingal kami nang mapansin namin na biglang bumulusok nang takbo si Amira, para bang wala itong kapaguran
nagulat nalang kami nang may tumubong sanga papunta sakaniya na agad niya itong naiwasan, tumigil kami sa pagtakbo dahil pinapanood nalang namin siya
kung ano-anong sanga ang humaharang sa kaniyang tinatakbuhan na agad naman niyang nalulusutan, kung anong exhibition ang kaniyang ginagawa
malapit na siya sa finish line at hindi kami mapakali ni Ella kakasigaw dahil nakaka proud
"go Amiraaa! that's my bff whoooooo!" sigaw namin
ngunit nagulat kami sa sumunod na nangyari
"Amira!" sigawan ng mga tao nang may sangang kumapit sakaniyang paa at mapapahatid ito at may paparating na water spikes sa kaniyang ulunan at mga tinik sa lupang babagsakan niya
ngunit mas lalo kaming nagulat nang umikot ito nang mabilis bakas ang dugo sakaniyang paa gawa ng sanga
umikot ito sa ere at dumaan sa gitna at tumambling ito bago pa ito bumagsak sa lupa kaya patayo itong bumaksak at agad itong yumuko
ilang sigundo kaming nakatulala bago mag sigawan at pumalakpak
"impressive ms Sy" rinig naming puri ni sir
agad naming dinaluhan ang aming bff dahil dumudugo ang paa nito gawa ng sanga na kumapit sakaniya
"waaaahh ang galing mo Amiraaa!" tiling sigaw ni Ella na kahit ako rin ay gustong tumili
marami rin bumabati sakaniya may ibang taga class na andito
marami na siyang fans at marami ring haters HAHAHAHA
mga bitter
"tara sa infirmary, dumdug-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil nasa harapan na namin si prince Lukas!