chapter 3

2 1 0
                                    

"hoy, ang tapang mo" hindi makapaniwalang sabi sa'kin ni Betrice

palabas na kami sa room dahil break time, papunta kami ngayon sa cafeteria, ramdam ko ang samot saring panghuhusga.

"oo nga pero 'wag mo na ulit gagawin 'yon ah" sabi ni Ella

tss, kasalanan ko bang nasa pinto siya? at anong ginagawa niya ron?

ganda ganda ng school, sira naman pintuan

nang makarating kami sa cafeteria ay nagulat ako nang may bumato sa akin ng burger?!

gutom pa naman na ako

agad ko naman itong naiwasan.

pero dahil sa pag-ilag ko ay may sumigaw sa likod namin

"shit, who did that?!" boses pa lang kilala ko na agad

lumingon kami

"you again?!" duro niya sa akin

"hindi po kami Prince, umilag lang po si Amira" paliwanag ni Betrice

"hindi ikaw kausap ko at bakit ka umilag?!" singhal nito sa'kin

"aba malamang dahil kung hindi ako umilag tatamaan ako" sarcastic kong sagot sakaniya

narinig ko naman nagbulong bulongan mga tao rito

"namumuro ka na sa'king babae ka ah!" sigaw niya

may kasama itong lalake na sa tingin ko ay si Prince Lukas, nakatitig lang ito sa'kin na tila ba namamangha

maya maya may dumating na dalawang babae, blue ang buhok at ang isa naman ay green?

"look who's here" maarteng sabi ng blue ang buhok, siya yata ang jowa ni Prince Rage

corny

"kneel." sabi pa nito

marami nang nanonood, papansin

"i said, kneel!" pag-uulit nito

"make me." walang gana kong sagot

bigla itong naglabas ng tubig sa kaniyang kamay at bumulusok papunta sa'kin

nang malapit na itong mapunta sa aking mukha ay bumulong ako sa hangin

"disapear" at agad itong nawala

lahat sila gulat na gulat pati na ang mga prinsipe

tsss.

"tara na, nagugutom na ako" aya ko kina Ella na gulat din na nakanganga pa

"how did you do that?!" patiling sabi ni Princess Iralyn?

masyado silang immature para maging prinsipe at prinsesa

i thought they are train to be prim and proper.

"its for you to find out" at iniwan silang tulala.

************
Ella**

"its for you to find out" ani nito na iniwan kaming tulala ngunit agad namin siyang sinundan ni Betrice

ang astig niya waaAaa

agad kaming sumunod may ngilan-ngilan pa ring nakatulala habang ang iba naman bumalik na sa kanilang ginagawa

tumingin lang kayo sa maganda naming bff mga panget

"ang galing mo, mukhang nakahanap na sila ng katapat" manghang sabi ni Betrice

ngisi lang ang sinukli niya samin at nag order na kami nang makakain, malaki naman 'tong hall kasiyang kasiya lahat ng studyante

naghanap kami ng table at hindi rin nag tagal nakahanap kami

walang umiimik sa'min kahit ako na madaldal hindi alam sasabihin

pinapanood ko lang kumain si Amira, ang ganda niya shet, nababading ako para siyang dyosa

may kuya kaya 'to, kahit tatay niya nalang char

mas matangkad siya sa'min nang unti, siguro nasa 5'8 'to

"stop staring" sabi nito

"sorry teh, ganda mo kasi eh hehe" nahihiyang usal ko sakaniya

pinandilatan ako ng mata ni Betrice at tinutukan pa ng tinidor na agad ko namang inirapan

natapos kaming kumain, ramdam namin at kitang kita namin kung paano kami titigan or should i say si Amira, parang wala lang sakaniya ang mga pantititig, deretso lang itong naglakad habang kami naman ay nakasunod lang

umaalon alon ang mahaba nitong black na buhok, natural ang pag kakulot at pag ka straight nito

bumagay ang aming uniform sa kurba ng kaniyang katawan, ang ganda pala ng uniform namin, sexy din naman kami kaso mapapansin mo ang kalakihan ng kaniyang pang-upo at dibdib at may maliit na bewang, isang malaking sampal sa'min ang kaniyang kagandahan, nakaka proud

tinuro namin ang kaniyang klase at naghiwalay na rin kami.

may apat na section kasi rito, class S andito 'yung may mga silbing charm, andito rin ang mga royals, kalamitan silang pinapadala sa iba't ibang kindom para sa mission

class A, andito naman 'yung mga na master na ang kanilang charm pero hindi gano'n kalakas katulad nung sa class S

Class B, andito naman kami ni Betrice, hindi pa namin masyadong alam ang aming kapangyarihan kaya't andito pa kami, isa akong fairy nangangalaga kami ng mga flowers, vines at kung ano-ano pa na nangangalaga sa nature, ang aking namamanipula ay vines ngunit hindi ko pa masyadong gamay.

at class C naman, ito 'yung hindi macontrol 'yung charm nila at andito rin 'yung mga walang ideya kung ano ang kanilang charm, andito rin si Amira dahil hindi pa siya nag leleveling.

maraming mga classroom dito, hinati hati dahil sa dami ng studyante, ang tanging nag-iisa lamang na room ay 'yung class S, hindi lalagpas sa bente sila ron.

agad kaming pumunta sa aming klase dahil baka malate pa kami

Poisonous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon