chapter 10

1 0 0
                                    

Amira***

"anong nangyari?" takang tanong ng dalawa ngunit hindi ko sila pinansin

mabilis akong naghubad at tumungo sa bathtub para magbabad

wala na akong pakialam kung makita man ng dalawa katawan ko, nakita naman nila ito

hindi na nagtanong ang dalawa

nag-iinit ang buong katawan ko, uhaw na uhaw ako

lumubog ako sa kahihiyan

ang dumi dumi ko

sumigaw ako sa sobrang pagkainis

hindi naman siguro ako maririnig nila dahil naka loob ako sa tubig

hindi ko alam kung ilang oras akong nakalubog dito dahil nakatulog rin ako

mabilis akong nag banlaw at nagbihis, ayokong lumabas.

kadarating lamang ng dalawa at may dala itong pagkain

marami itong dala dahil kinuha rin daw nila ang mga regalo sa aking locker ay may mga nag papabigay din daw

nilapag nila iyon sa aking table at nanghingi si ella na agad ko naman tinanguan

walang nag sasalita sa amin, tanging naririnig lang ang pag nguya ng crackers na kinakain ni Ella at Betrice

nagpapasalamat naman ako dahil marunong silang makiramdam

***********
Ella**

nagulat kami sa malakas na pag sapak nito sa prinsipe, may ilalakas pa pala ang kaniyang sapak

mabilis namin siyang sinundan sa aming dorm

at naghubad sa aming harapan si Amira na para bang wala ito sa sarili

mabilis itong pumasok sa cr at dali daling lumubog sa bathtub

namumula ang kaniyang mukha, dibdib at likod

ramdam din namin ang malakas na aura na kumakawala sakaniyang katawan

"anong nangyari don?" takang tanong ko

"ewan ko, tara baka gusto niyang mapag isa" aya sa akin ni betrice

nilock namin ang pinto dahil baka may pumasok, hindi pa naman siya mahilig mag lock

tumambay kami sa cafeteria para mag milktea

"grabe yung bagong babae 'no? nakita ko siya kanina pre, sinapak niya si prinsipe Rage, gago bulagta" rinig naming usapan dito sa cafeteria

"ang astig niya, liligawan ko yon pre kaso mailap, nakakatakot baka masapak din ako" sabi pa ng isa

rinig na rinig namin ang usapan nila dahil katabing table lang namin sila

mabilis kumalat ang balita, nadagdagan nanaman ang haters ni amira at marami rin humanga

karamihan sa humahanga sakaniya ay lalake at mga may galit naman sakaniya ay puro babae

hindi ko sila masisisi dahil madalas kasing pagselosan ng mga babae si Amira, sa ganda ba naman ng bff namin ay pantasya ito ng kalalakihan

tanging si Prince Rage lang ang kilala naming may ayaw kay Amira sa kalalakihan

halos hindi na nga kami bumili ng pagkain dahil sapat na samin ang mga regalong natatanggap mula sa mga admirer ni Amira, sobra pa nga

nag ingay ang cafeteria nang dumating ang mga royalties kasama ang mga class S

napadako ang tingin namin kay Prince Rage na nakatingin din sa amin na para bang may hinahanap

wala rito kaaway niya, andon nagmumukmok sa cr

"kelan tayo pupuntang bayan?" tanong ko kay Betrice

dapat kanina kaso lang hindi namin mahanap si Amira, dahil tuwing sabado at linggo lang pwedeng lumabas ng academy

at nang makita namin ito kanina ay hawak ni Prince Rage ang kamay nito at biglang sinapak

hindi nanamin siya inaya dahil mukhang badtrip ito

"sa sabado nalang, linggo naman ang event" sagot ni betrice, busy ito sumipsip ng black pearl

nang matapos kami ay dumaan kami sa locker para ilagay ang mga gamit namin dahil nag experiment kami kanina, dinaanan din namin ang locker ni Amira na punong puno ng pagkain ang ibabaw nito, kinuha nanamin dahil sayang naman baka may ibang kumuha lang nito

pagbalik namin sa dorm ay kabibihis lang ni Amira?!

halos apat na oras kami sa labas tapos siya katatapos lang maligo? kaya siguro ang puti niya, grabe maligo eh

nilagay ko sa table niya ang mga pagkain na dala namin

"Amira penge ako ha, hehe" nahihiyang tawa ko pa na agad naman niyang tinanguan

hindi na ako nagsalita dahil hindi ko na alam sasabihin ko

kumakain lang ako ng hiningi ko kay Amira, si Betrice naman ay pumasok sa cr, maliligo siguro, maya maya na ako maliligo, ubusin ko lang to

kinabukasan*

Amira***

ginigising ako nang dalawa dahil may pasok daw

"hindi ako papasok, masama pakiramdam ko" nakapikit na tugon ko

naramdaman ko namang kinapa ako ni Betrice at Ella

"wala naman eh" pagmamaktol sa'kin ni Ella

"tara na" pagpupumilit ni Betrice

"tinatamad akong pumasok ngayon" sabi ko

"bakit naman?" takang tanong nila

"wala lang, inaantok pa ako" sabi ko sabay talukbong

"papasok ako mamaya after break time" sabi ko, narinig ko nalang ang malalim na paghinga nila

"sige ha, asahan ka namin" pagsuko nito

"hintayin ka namin sa cafeteria mamaya, tara na teh, anong oras na!" sabi ni Ella na sabay hila pa kay Betrice dahil malelate na sila

natulog ulit ako dahil wala akong halos tulog

nagising akong nasa harapan ko ang dalawa

"sabi mo papasok kaaaa" marinig kong sigaw ni Ella

"inantay ka namin ehhh" dugtong niya pa na parang bata

"okay ka lang ba? may problema ba?" nag aalalang tanong ni Betrice

umiling naman ako

"basta ha, andito lang kami, dinalhan ka namin ng pagkain" sabi nito na hinahaplos pa ang aking buhok

nilagay nila sa table ang dalang pagkain na agad ko namang nilantakan

hindi na ako pinansin nang dalawa dahil namatay na ito, nilamon na ng kama

mukha silang pagod na pagod

sorry guys



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poisonous LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon