Rage***
naligo ako at napagdesisyonan na 'wag pumasok, nag-away pa kami ni Lukas dahil pinigilan niya ako kanina
flasback*
"bitawan mo ako, gaganti ako!" pagwawala ko ngunit ayaw akong bitawan ni lukas na hinihila ako palabas ng cafeteria
"ano ba!" sigaw ko pa sakaniya
"tigilan mo na sabi, babae 'yon" tumaas na rin ang boses niya
"babae ba 'yon?! kayang kaya kang ibalibag non eh!" sigaw ko pa sakaniya
"kahit na, babae pa rin 'yon" paliwanag niya sa'kin
"gaganti ako, hindi pwedeng pahiyain niya ako!" sigaw ko ulit
"ikaw naman nauna eh, kaya tama na Rage, para kang bata!" sigaw niya
"bakit ba? crush mo ba yon? ha?! edi magsama kayo!" sigaw ko sakaniya bago siya iwan
end of the flasback*
papunta ako ngayon sa tambayan ko, ang garden
at naiirita rin ako kay Iralyn, i don't love her, I'll marry her for the sake of my family, my kingdom and this world
nang makarating ako sa garden ganon pa rin, tahimik at maganda. walang naliligi rito dahil minamalas daw, nababaog
hindi naman ako naniniwala sa mga ganiyan, try ko pa eh kaso 'wag na, swerte naman non
ngunit nagtaka ako sa pamilyar na tao na naka upo sa aking upuan
nagkatitigan kami, itim ang mata nito na medyo may kalakihan na parang nanghihigop
ngunit naka isip agad ako ng kalakohan
hinila ko ang paa nito kaya bumulusok siya pababa kaso bigla itong umikot kaya nakasampa siya ngayon sa aking leeg na aking ikinabigla kaya sabay kaming bumagsak
"ano bang problema mo?!" sigaw ko sakaniya mukhang nagulat ito sa aking tanong
"ikaw 'tong nanghila tapos ako tatanungin mo, kung bigwasan kaya kita?" halatang inis na sabi nito
"ikaw bigwasan ko eh, tayong dalawa nalang andito, kayang kaya kitang gawing abo" pananakot ko sakaniya ngunit hindi manlang ito natakot
akmang aalis ito kaya hinila ko sa kamay ngunit ambilis ng pangyayari
*********
Amira**hinila ako nito sa kamay kaya agad ko itong winasiwas na may kasamang water splash kaya agad itong tumalsik
mukhang masama ang bagsak niya dahil tumama ang ulo niya sa fountain
ang kulit kasi
may dugong tumutulo sa ulo niya na agad niyang pinunasan, nanlaki ang mata niya sa pagkabigla, namula ang kaniyang mukha na tila sasabog na, mukhang galit na talaga
mabilis itong bumangon at pinaulanan ako ng apoy, hindi pangkaraniwang apoy ang binabato niya, sobrang pula nito, nagkalat ang apoy dito sa garden
gumawa ako ng water barrier dahil nacorner niya ako
pinagbabato niya ito ng spikes at walang talab dahil hindi niya ito masira ay sinabuyan niya ito ng lava?!
unting unti nasisira ang barrier na ginawa ko, nasusunog na rin ang hoodie na suot ko dahil sa init, nakikita na rin ang bra kong itim na agad niyang ikinatigil
nakagitig siya rito na agad kong tinakpan at sinabuyan ko nang maraming water spike
alam kong namumula na ako ngayon sa inis