"Fuck."
Napabaling siya sa boses ng isang lalaki dahil mukhang inis na inis ito. Kakalabas niya lang sa call center na pinagtatrabahuan.
Kumunot ang noo niya ng makita at makilala ang lalaking nakapamaywang habang nakatingin sa kotse nitong flat ang gulong sa unahan.
Without thinking ay humakbang siya palapit nito bago tinapik ang balikat nito. Kita niya ang gulat sa mukha ng lalaki kaya napangiti siya.
"Hello."
Kumunot ang noo nito bago bumuntong hininga. "Alexandrea."
"Alex nalang. Masyadong mahaba ang Alexandrea." She said at napangiti lalo dahil naalala pala siya nito even after one month. "May problema ka?"
"My tire is flat." Kaswal nitong sabi kaya napatango siya. "What are you doing here?"
"I work there." Sabi niya bago turo sa building kung saan siya nagtatrabaho. "Tas nakita kita kaya nilapitan kita. Ahm tumawag kanaba ng tulong?"
"Yeah. Any moment now ay paparating na ang towing company to get my car and have it fixed."
"Ok. Sige una na ako. Ingat ka nalang."
"Hey wait. You wanna eat dinner with me?" Tanong nito.
"Kaw magbabayad?"
Tumango ito kaya ngumiti siya.
"Sige kain tayo sa labas." Masaya niyang sabi. One thing in life she surely learned is to never say no to free food.
"Wait let me just call someone." Sabi nito bago may tinawagan. Siya naman ay busy sa kakatitig dito.
Gwapo talaga ang lalaking to, base sa nabasa niya ay matanda sa kanya ang lalaki ng eleven years. Pero hindi halata sa itsura nito na nasa mid thirties na. At kahit ilang hakbang sa kanya ay amoy na amoy niya ang pabango nito na lalaking lalaki ang dating. He also got a few days old beard na lalong nagpamacho nito sa paningin.
"Let's go?" Aya nito kaya tumango siya.
Pumara ito ng taxi bago siya pinaunang sumakay. He instructed the taxi to a famous restaurant in the metro bago ito umayos ng upo sa tabi niya.
"I forgot to ask your age." Sabi nito.
"Legal age na ako. Bente singko." Sabi niya bago kumuha ng candy sa bag niya at inabot dito. "Gusto mo?"
He looks at her bago kinuha ang candy sa kamay niya.
"May mga candy ako sa bag pampawala ng antok sa habang nagtatrabaho." Sabi niya bago umayos ng upo. "Kamusta ka na pala? Ang puso mo?"
"You love to talk aren't you?"
Ngumuso siya. "That's my job sir. I'm a call center agent at nakasanayan ko na ang magsalita palagi. But if you found me noisy then I'll shut up."
"No its ok. I'm just stating what I observed." Sabi nito kaya tumango siya at di na nagsalita. "Hey are you mad?"
Umiling siya. "Di naman. Bigla lang akong naubusan nang sasabihin." Sabi niya which is true.
"I'm sorry."
"Di ako galit promise." She said bago ngumiti dito. Magsasalita pa sana siya ng huminto ang taxi. Nasa tapat na sila ng restaurant.
After paying the taxi driver ay bumaba na sila at hinayaan niyang alalayan siya nito sa paglalakad patungo sa pinto ng restaurant. Callum also open the door for her and pull the chair when she was about to sit down. A perfect gentleman if she must say.
Hinayaan niya itong mag order sa pagkain nila dahil baka maloka na naman siya sa presyo. And while waiting for their food ay umorder ito ng wine, which they share while talking about how their days been.
"Callum?" A woman's high pitch voice said kaya napatingin sila dito.
Kinulang sa tela ang suot na damit ng babae at yun agad ang napansin niya. Maganda ito pero di bagay sa mukha nito ang eyeshadow at lipstick color na gamit.
"Tricia." Callum said. "What are you doing here?"
"I'm with my boyfriend." Sabi nito na may bahid na pagyayabang. "You know after last month, I found a guy who can satisfy me."
Napakunot noo siya bago napatingin kay Callum.
"Ah. Ok." Sagot ng lalaki at mukhang may idea na siya kung sino ang babae sa harap nila.
"Yeah. So you see, I don't dwell with the breakup. Hope you are too."
Bingo! Sabi na nga ba niya. Ex girlfriend ito ni Callum.
"Ofcourse. I'm happy actually that you break up with me. Atleast now I can be with my girl without making an excuse." Callum said bago ito tumingin sa kanya. May pakiusap ang mga mata nito na ikinaikot ng mata niya.
Tangina plot to ng wattpad eh.
"Your girl?" Gulat na tanong ng babae na tila ba nagulat na nakahanap ng babae si Callum.
"Yeah. My girl." Callum said sabay turo sa kanya. "Baby meet tricia, an acquaintance. Tricia meet my real girlfriend, Alexandrea." Pagpapakilala ni Callum sa kanya sa babae.
Sinipa niya ang paa ng binata sa ilalim ng mesa na ikinangiwi nito kaya napangiti siya bago bumaling sa babaeng gulat paring nakatingin sa kanya.
"Hi nice to meet you. Thank you for entertaining my boyfriend noong busy ako." She said casually na ikinasinghap nito. "Yes I know you. And his other flings. So this is not a shocker actually."
Imbis na magsalita ang babae ay mabilis itong tumalikod at umalis sa harapan nila.
"That was good." Callum said habang may ngiti sa labi. "Thank you."
Tumango siya bago itinaas ang baso na may wine.
"Maliit na bagay."
