Chapter 16

4.1K 123 17
                                        

Napatingin siya sa nagsalita at humawak sa kamay niya at nakita ang isang ginang.

"Oh iha." Sabi nito sabay yakap sa kanya at agad siyang nabahala ng umiyak ito.

"Hala ma'am sandali. Bakit kayo umiiyak?" Tanong niya kaya gulat na umayos ito ng tayo.

"You don't remember me?"

Napakunot noo siya bago umiling. "Kilala ko po ba kayo? Ay sandali ikaw ang babae sa picture." Sabi niya sabay tingin sa portrait. "Ikaw nga. Pasensiya na po ma'am naaksidente po ako at ang dami kong di naaalala na mga tao." Sabi niya.

Natigilan ito bago tumingin sa portrait. "Do you remember him?" Tanong nito habang nakaturo sa lalaking nasa gitna ng portrait.

"H-hon." Mahina niyang sabi bago tumingin sa ginang. "Hindi po ano sure kung ala ala ko po ang naalala ko kanina pero siya po ang kasama ko sa aksidente at tinatawag ko siyang hon."

Tumitig ito sa kanya bago malungkot na ngumiti tsaka siya hinawakan sa kamay.

"He's my son. His name is Callum."

"C-callum?" Usal niya at ganun nalang ang lakas ng tibok nang puso niya at tila pangungulila niya.

"Come here iha, let's go to my office and talk." Sabi nito bago siya inakay patungo sa opisina nito.

Nang makapasok sila ay agad siyang pinaupo ng ginang at nag utos ito kay Lester ng snack para sa kanya.

"What brought you here iha?"

"H-hindi ko po alam. Nung makita ko po kasi ang building nakaramdam ako ng familiarity sa lugar kaya po nagpunta ako dito. Wala naman pong nagbawal sa akin sa lobby kaya po ako umobot dito sa opisina niyo. Sa katunayan anim na buwan na po mula ng magising ako sa pagkacomatose at walang maalala. Kaya lahat ng pamilyar sa akin ay pinupuntahan ko in hope na maka alala ako." Paliwanag niya.

Tumango ito bago tumabi sa kanya at hawak sa kamay niya.

"Girlfriend ka ng anak ko." Sabi nito na ikinagulat niya. "The man in the picture is Callum and he is your boyfriend. At kasama mo siyang naaksidente."

Agad na nanginig ang kamay niya at ang lakas ng tibok ng puso niya. Then she remembered what the doctor said na patay na ang kasama niya sa aksidente.

Isang hikbi ang napakawalan niya ng tumingin siya sa ginang.

"Sorry po." Mahina niyang sabi.

Malungkot itong tumingin sa kanya bago umiling. "Aksidente ang nangyari iha. Walang may gusto non. Yung truck na nakabangga sa inyo ay nawalan ng preno at huli na ng makasalubong niya ang kotse ni Callum. The truck driver died on the spot."

"P-pati po si Callum." She said bago napasapo sa mukha.

"Ha? Buhay naman ang anak ko." Sabi nito kaya napatingin siya sa ginang. "Yes iha, buhay ang anak ko."

Ang lakas ng tibok ng puso niya nang haplusin ng ginang ang pisngi niya at nginitian siya ng mapait.

"But he's different now."

"Ma'am."

"Call me tita iha."

"Asan na po si Callum? Ano pong nangyari sa kanya?"

Huminga ito ng malalim bago pinisil ang kamay niya.

"Nasa bahay, he is now disabled iha. Tinanggal ng aksidente ang kakayahan niyang maglakad. He is now prison in a wheelchair."

"G-gusto ko po siyang makita."

Umiling ito.

"I'm sorry iha. But he doesn't wanna see you."

Walking Green Flag Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon