Bitbit ang maleta niya ay naglalakad siya sa madilim na eskineta ng lugar nila. Pinalayas siya nang madrasta niya at lumayas naman siya sa tuwa niya lang. Di nito alam na may inuupahan siyang kwarto sa isang boarding house kaya hindi siya takot mapalayas.
Atleast now she can relax and no one will get her hard earned money. Alam niyang ibinilin ito sa kanya ng ama niya bago ito mamatay pero may hangganan ang pasensiya niya. Sawa na siyang maging mabait sa madrasta niyang bungangera at sa anak nitong feeling mayaman eh batugan naman.
Sa edad na bente singko ay madami nang nangyari sa buhay niya at feeling niya ay ang tanda na siya dahil sa mga sinapit na pagsubok sa buhay.
"O pinalayas kana?" Tanong ng kahera sa boarding house na inuupahan niya.
"Opo. Kaya kung madinig niyo man po akong sumigaw mamaya pasensiya na po in advance. Baka kasi multuhin ako ni papa." Sabi niya na ikinatawa nito.
"Loko kang bata ka. Hala pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga. May pagkain ako diyan sa kusina. Kumain kana rin."
"Opo. Salamat Aleng Lourdes." Sabi niya bago pumasok sa kwartong inuupahan niya.
She is prepared for this situation. At kahit na may lungkot sa puso niya dahil umalis siya sa bahay kung saan ang daming alaala ng mga magulang niya ay pinipilit niyang maging ok. Maiintindihan naman siguro siya ng mama at papa niya.
After putting away her clothes ay kumuha siya ng pagkain sa kusina bago bumalik sa kwarto. Kasama na sa upa ang pagkain at bayad sa kuryente at tubig kaya kahit isang libo ang upa ay ok na siya. Mabait naman si Aleng Lourdes, matandang dalaga ito at apat lang silang nangungupahan sa boarding house nito na puro babae.
Sa kwarto niya naman ay may isang kama, maliit na ref at kabinet. May dalawang bathroom ang bahay kay pag umaga ay di sila nagpapatayan sa pag gamit ng banyo. Isa pa hati naman sila sa oras. Dalawa silang nagtatrabaho sa umaga at yung dalawa naman sa gabi at lahat sila ay call center agents sa iisang kumpanya.
After eating ay hinugasan niya ang pinagkainan dahil ayaw ni Aleng Lourdes na may hugasin sa lababo. Pinagkainan mo ay hugasin mo ang patakaran sa boarding house na to.
While laying down sa kama niya ay naisipan niyang manood ng mga video sa YouTube pampaantok kumbaga. Nahihilig siya ngayon sa mga mukbang video at yun sana ang panonoorin ng may isang balita patungkol sa business world dito sa pinas.
Di na siya nagulat nang nasa balita na naman si Callum. Ayun sa balita ay nakapagsara na naman ang lalaki ng multi million deal at expected na ang mga bagong chain of hotels and malls na maipatatayo sa bansa na under sa kumpanya nito.
Four years ago kakagraduate niya lang sa college ay natanggap siya sa isa sa mga hotel nito bilang receptionist. At sa ilang buwan niyang pagtatrabaho doon ay ni minsan ay di niya ito nakita sa personal at puro pictures lang.
Kaya ang laking gulat niya ng maalala niya kung sino ito sa kalagitnaan ng pagkain nila sa restaurant dalawang linggo na ang nakaraan. The pictures didn't do his personal look justice. Ang gwapo nito at napaka maotoridad ang awra. Pero mas ikinagulat niya kung gaano ito kabait.
Like hello sinong tao ang magbibigay ng wallet sa taong kaharap para lang masigurong may pera siya?
When the news ended ay bumuntong hininga siya bago nanood na ng mukbang na palabas.
Oh well, atleast she can truly say na di niya lang nakadaupang palad ang isa sa pinakamayaman sa pinas na tao, ni libre pa siya ng pagkain at ice cream.
