Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa harap ng building mula sa kinatatayuan niya. Basta niya nalang pinara ang taxi at bumaba ng makita niya ang building ng papalampas na sana sila.
Adamus Corporation
Napakunot noo siya ng biglang mangirot ang utak niya dahil sa nabasa. Napabuntong hininga siya bago tumawid patungo sa building. One way to find out is to be inside the building.
Sa dami ng nakalimutan niya mula nang aksidenteng kinasangkutan niya ay lahat ng pamilyar sa kanya at nilalalapitan o hinahawakan niya.
It's been almost six months mula ng magising siya sa pagkakacomatose. Tila siya bagong panganak na sanggol na walang muwang sa mundo. She doesn't remember anything even her name. Ginamit niya lang ang pangalan na sabi ng nurse na mula daw sa wallet na pagmamay ari niya.
And for six months tagpi tagpi lang ang mga naalala niya. Mga paborito niyang pagkain o gawin pero wala ni kung ano sa kung sino siya at sino ang kasama niya sa aksidente.
The hospital said namatay daw ang kasama niya na ayaw naman ibigay sa kanya ang pangalan. Ni ang gender hindi niya alam.
"Good morning ma'am." Bati sa kanya ng guwardiya ng pumasok siya sa building.
Tipid siyang ngumiti dito bago inilibot sa paligid ang paningin. Familiar. This place is so fcking familiar na tila ba nagpunta na siya doon.
Nahuli niya ang mga gulat na expression ng mga empleyado sa paligid at tatalikod na sana siya ng mapansin niya ang isang tao sa may elevator.
Dali dali siyang lumapit dito bago ito nginitian habang gulat naman ang expression ng lalaki.
"Hi." Bati niya.
Napakurap ito bago nagsalita. "Miss Alex." Mahina nitong sabi.
Ngumiti siya dito bago pumasok sa elevator. For some reason alam niyang kilala niya ito pero di niya maalala ang pangalan ng kaharap.
The guy get inside the elevator at push the top floor.
"Top floor po ma'am?"
"Hmm." Sabi niya kahit di siya sigurado kung anong meron sa top floor at kung bakit siya andito. "Ano ngang pangalan mo?"
"Lester po. Secretary ni Sir." Sagot nito.
Magtatanong pa sana siya ng bumukas ang pinto ng elevator indikasyon na nasa top floor na sila.
Pinauna siya nitong lumabas kaya agad niyang inilibot ang tingin sa paligid. A familiar feeling envelope again to her senses.
A big family portrait caught her eyes kaya lumapit siya doon at agad na tumigil at tumitig ang mga mata niya sa lalaking nasa gitna ng mga magulang nito.
"Hon." Mahina niyang sabi na ikinagulat niya.
Oo at pamilyar ang lalaki pero hindi niya ito maalala. Wait kilala niya ba ang lalaki? At bakit ganito ang nararamdaman niya. Tila pinipiga ang puso niya.
FLASHBACK
Ang lakas ng tawa niya habang pinakikinggan ang nobyo na aliw na aliw sa pag kekwento ng mga nakakatawang nangyari sa kabataan nito.
Pauwi na sila mula sa Zambales at kahit tatlong araw lang silang nagkasama ay naging dahilan naman iyon para makilala nila ang isat isa.
"I swear love, if you have seen me on my younger years. Hindi mo aakalain ang itsura ko ngayon. I was so skinny back then, tila ako isang adik sa kanto na sumisinghot ng bawal na gamot." Sabi nito na ikinahalakhak niya.
"Oh I can't imagine. Ang macho mo kaya ngayon." She said na ikinasulyap nito sa kanya.
"So you found me macho ha." May ngisi sa labi nitong sabi kaya namula siya.
"Sa true lang tayo hon." She said bago hinawakan ang braso nito. "Muscle palang ulam na." She said na ikinamura nito.
"Fuck. So unfair love." He said kaya ngumisi siya bago dumukwang at hinalikan ito sa pisngi.
Kasabay nang pag ayos ng upo niya at pagtingin sa harap ay ang malakas na busina. Tila isang pikit lang ng makita niya ang mabilis na truck na babangga sa kanila.
The moment she scream ay ang mabilis na pagyakap sa kanya ng kasintahan at ang pagmumura nito.
FLASHBACK ENDS
Napasinghap siya at napakurap sa naalala. Ang lalaki sa alaala niya ay kamukha ng lalaking nasa portrait.
Ramdam niya ang panginginig ng kamay at aabutin na sana ang picture nang may kamay na humawak sa pala pulsuhan niya.
"Alexandrea."
