Chapter 9

27 8 0
                                        

Paulo's POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, out of curiosity ay gustong malaman ng utak ko kung sino ang pinapatamaan ni Rie sa post niya.

Eh halata namang ako? O assuming lang ako masyado? Hays ewan! Napatingin nalang ako sa cellphone kong kanina pa tunog ng tunog!

Si Alexandra pala.

Sunday today kaya nangungulit siyang lumabas. Wala rin naman akong pasok sa trabaho ngayon dahil naka-day off ako.

Kakabalik lang nila Alex galing sa simbahan. Nagsimba silang tatlo nila Mama at dapat kasama ako kaso ay hindi kaagad ako nagising.

Maaga silang umalis kanina at tulog pa ako. Hindi ko lang alam kung maagang natapos ang misa at gumala muna bago umuwi o hindi kaagad natapos ang misa.

Ilang minuto pa ay tumunog na naman ang cellphone ko. Kay Alex na naman galing. Iniispam niya ako ng mga chats niya!

Sa hindi malamang dahilan naman ay nahulog ang isang picture frame na may childhood photo ko, nakasabit ito sa digdig. Nabasag ang salamin nito at nagkalat sa buong kwarto.

Nang muli na namang tumunog ang cellphone ko ay hindi ko muna pinansin ang basag na litrato at nireplyan si Alex. Dinahilan kong nagsusulat ako ng kanta't patapos na pero ang totoo ay nagpupulot ako ng bubog na mula sa nabasag na salamin.

Inilagay ko iyon sa isang plastic cups na pinaglagyan ko nang kwek-kwek kanina. Bumaba ako sa kusina at kinuha ang walis tambo tska na rin duskpan para maalis lahat ng maliliit na bubog.

Nagpahinga lang ako ng kaunti bago magpasyang maglinis muna ng katawan.

Ilang minuto lang ay malakas na kumatok si Alexandra sa pintuan ng kwarto ko.

"Alexandra Faith! 'Wag kang mambulabog!" Inis na giit ko. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang naka-nguso niyang pagmumukha.

Pinigilan kong hindi matawa sa itsura niya ngayon. Sa tabi niya ang bunsong kapatid ko na si Denise Mikaela o Mikmik.

"Kuya antagal mo! Kanina pa kami kumakatok sa pinto ng kwarto mo, walang sumasagot!" Wika ni Mikmik.

Natawa nalang ako nang bahagya ng inisnob niya ako. Ginulo ko naman ang buhok ng dalawang babaeng kapatid ko. Kita sa mga mukha nila ang banas at inis dahil nagulo ang plantiyadong buhok nila.

"Wait for me downstairs, I'll be down in 5 minutes."

Biglang lumiwanag ang nandidilim na mukha ni Alex kaya dali-dali siyang bumaba patungong sala bitbit ang kaniyang maliit na shoulder bag. Sinundan naman ito ng aming kapatid

Sampung-taong gulang pa lang si Mikmik habang Twelve naman si Alex, magtthirteen this year. Parang kahapon lang ay naghahabulan pa kami sa garahe kasama ang si Kuya at Josue.

Paglipas ng limang minuto ay lumabad na rin ako sa kwartong tinutulugan ko. Pirming nakaupo ang dalawa at nagseselfie mag-isa si Mikmik habang nanonood naman ng anime ang Ate Alex niya.

"Tara na! Mik! Alex!" Tawag ko sakanila.

Nagcommute lang kami papunta sa SM Mall of Asia. Medyo malayo-layo ito dahil nanggaling pa kami sa Cavite. Mahigit isang oras kaming nagbbyahe.

Pagkapasok namin sa Mall ay agad na kaming naghiwa-hiwalay para sa check-up ng mga guards kapag papasok sa Mall

Nauna akong makapasok sa dalawang kapatid ko dahil maraming tao ang nasa linya nila. Hindi naman ako makadire-diretso dahil wala pa man sina Alex at Mikaela.

Madalas kaming pumunta dito noon kasama sina Mama. Ngayon kasi ay may trabaho siya at mamaya pang gabi ang uwi niya. Si Kuya Kevin naman ay nasa bahay, kasama ang pamilya niya. Inaya rin namin si Josueng sumama kaso umayaw rin ito.

Summer Break ngayon ng mga estudyante kaya't maraming tao sa Mall. Halos mga teenager ang naririto. Ang ilan naman ay kasama ang mga magulang nila.

"Kuya! Punta tayo sa 3rd floor!" Aya ni Alex saakin. Tumango naman si Denise at hinila ako pasakay sa escalator.

Nang makarating kami sa 3rd floor ay kaagad na nagtakbuhan ang dalawa sa isang milktea shop. Napasapo nalang ako sa noo ng makita silang nasa counter na.

Malalaking ngiti ang ginawad saakin ng mga pilya kong kapatid.

"Ano sa'yo Alexandra? Ikaw Mik?"

"Uhmm kahit ano nalang Kuya." Sasagot na sana ako nang sumabat si Alex sa usapan. "Walang kahit ano sa Macao Imperial, Mik!" Sabay tawa.

Kamot-ulo namang tumingin si Mikaela sa menu at sinabi ang kaniyang gusto. Ganun rin si Alex na nakaupo na ngayon sa isang couch.

Hindi naman nagtagal ay ibinigay na ang mga orders namin at magbayad na rin ako.

Bago kami makalabas sa Macao Imperial ay nagpicture-picture muna ang dalawa sa may neon lights sa gilid. Paniguradong may post 'to mamaya. Tsk.

Napailing nalang ako at hinintay silang matapos.

My Cruel AlphaWhere stories live. Discover now