Chapter 15

34 6 1
                                    

"Mababa ang blood pressure ng pasyente kaya nasa ICU siya ngayon. Pero don't worry, once na naging normal na ang bp niya ay pwede na siyang mailipat sa regular room. Reresetahan ko rin siya ng mga vitamins and supplements na makakatulong sa kanya, so for now, antayin muna natin ang paggising ng pasyente. Excuse me for a while," Wika ni Doc. Hindi na ako nakapagsalita pa at tinanguan nalang siya.

Mag-iisang oras na kaming nandito sa hospital pero hindi pa rin nagigising si Mama. Hapon pa lang naman kaya inaasahang baka magising na ito maya-maya.

Tumahan na rin sa pag-iyak ang dalawa kong kapatid na babae. Pinauwi ko na muna si Josue at Kuya Kevin para naman makapagpahinga sila.

Galing pang school si Joshua kaya isinama na siya pauwi nina Kuya. Ayaw pa naman umuwi ng dalawa kaya sila ang kasama ko ngayon sa pagbabantay kay Mama.

Halos mag-dadalawang oras na kaming nandito sa hospital pero hindi ko pa rin nababalita sa Papa namin ang nangyari kay Mama.

Ayoko lang kasing makadagdag sa problema ni Papa sa trabaho niya. Nasa labas parin kami ng ICU dahil hindi kami pwedeng pumasok sa loob at baka mahawaan raw kami ng sakit.

Gustong-gusto ko mang yakapin si Mama sa loob pero hindi pwede. Maya-maya ay hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.

Rooftop

Naupo ako sa isa sa mga bench na nasa gilid. May gitara akong nakita sa likod niyon kaya kinuha ko ito at nagstrum.

May maliit na signboard naman na pwedeng gamitin ang gitara. Tinugtog ang isa sa mga paboritong kanta ko noong kabataan ko.

~ Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading the text you sent me again Though I memorized it anyway

It was in afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say "Hi" 'cause I looked away

And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night ~

I looked up at the dark sky. Makulimlim ang buong paligid na parang bubuhos na ang ulan ano mang oras.

At hindi nga ako nabigo dahil unti-unting pumatak ang tubig ulan kasama ang mahihinang hangin na humahampas sa mga puno.

Pinanood ko kung paano pumatak at bumagsak ang ulan sa lupa. May kasama pa itong kulog at kidlat.

Ilang minuto lang ang itinagal ng pag-ulan. Parang pahapyaw lang nga dahil hindi naman ako nabasang-nabasa talaga.

Napatingin naman ako sa tumutunog na teleponong hawak ko. Papa is calling kaagad ko iyong sinagot at bumaba na sa establishimento

"Hello, Pau 'nak. Kamusta na ang Mama mo? I'm worried about you and your siblings.. Padaldalhan ko kayo ng kwarta. Magkano ba ang bill niyo sa hospital?" Halata sa boses nito ang kaba at lungkot.

Hindi ko man nakikita si Papa ngayon pero alam kong nalulungkot siya dahil sa nangyari kay Mama.

"Papa, I know you're also worried about Mama's health. Pero kaya na namin 'to ni Kuya Kev. Don't worry too much, okay? Makakasama rin sa'yo 'yan."

"Ted! Bro! Can you please come here for a sec?"

Nainterupt ang paguusap namin ni Papa nang may tumawag sakanya na katrabaho niya.

"Okay. Yeah, I'll call you back later. Don't forget to check your messages. Goodbye, Anak."

Check my messages? Did he flood me messages?

My Cruel AlphaWhere stories live. Discover now