Chapter 25

26 7 0
                                        

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong kaharap ko na si Mama. Kahit gusto ko siyang pagalitan ay hindi ko magawa. Masyadong wrong timing kung ngayon ako makikipag-away sakanya. Isa pa't masaya kami ngayon lalo na ang dalawa kong kapatid na babae.

Kita ang saya sa mga mukha ng mga kapatid ko, habang nagkinokomusta nila si Mama.

Tinatanong ng kung ano-ano. Nang dumating na ang doktor ay siya na ang kumausap kay Mama. Nandoon kaming lahat habang nakikinig sa mga dapat gawin at hindi dapat gawin muna ng pasyente namin.

"You need to rest a lot, Mrs. Nase. Or you might faint again. I suggest that you'll take 1 week bed rest. Masyado mong pinapagod ang iyong sarili, Grace. At hindi ito mabuti sa iyong kalusugan." Marami pang sinabi si Doktora bago ako kausapin ng pribado.

Pinahihinto niya muna si Mama na magtrabaho dahil baka hindi kayanan ng katawan niya't mahimatay na naman siya sa pagod. Kay doktora ko lang rin nalaman na ilang araw nang walang kain at tulog si Mama.

Masyado niyang inaabuso ang katawan niya.

Si Kuya Kevin na ang nag-asikaso sa mga papeles na kakailanganin bago madischarge ni Mama. Habang ang tatlo kong kapatid ang nagbabantay sakanya. Panandalian naman akong umuwi ng bahay para maihanda ko ito bago pa sila umuwi. Ako rin naman ang magsusundo sakanila sa ospital.

Pagpasok ko sa may gate namin ay nadatnan ko roon si Elleri. Parang gulat na gulat pa ito nang makita ako.

"Oh, hi?" Awkward.

"What are you doing?" I asked. Pilit niyang tinatago ang mga bagay na hawak niya. Kinuha ko ang mga 'yon at napansing isa pala iyong banner na may "welcome home" na nakasulat.

Nang tignan ko siya ay bigla siyang yumuko at dahan-dahang naglakad papalabas. Gusto ko siyang pigilan pero naunahan ako ng kaba. Fear crept on my body.

"Ikaw nalang magsabit nyan ha. Don't worry, ngayon lang 'to. Aalis na ako." Bilin pa nito.

I don't understand myself. May parte saakin na nalulungkot dahil sinabi niyang aalis na siya? Eh, saan naman siya pupunta?

Kinabukasan ganon na naman. Work. PHP. Bahay. Day after day after day.

But since then, naging tahimik ang buong paligid ko. Parang may kulang parati sa paligid pero hindi ko alam kung ano 'yon.

That's when I realized that she wasn't here. She left. I guess for good? Pero bakit ang bilis naman? Kung kelan gusto ko palang siyang makilala? Kung kelan ako naging interesado sakanya?

Na bakante ang bahay na katabi ng bahay namin at walang gustong magrenta. Gabi-gabi kong gustong marinig yung pagtugtog niya ng byolin. Gabi-gabi kong inaabayan at hinihiling na sana marinig ko siyang kumanta kahit isang beses man lang. Gabi-gabi kong inaabangan na sana, sana isang araw sabay kaming tutugtog ng sarili naming musika.

Ano bang iniisip ko?! Malabo! Hindi pwede!

Tsk.

Nitong mga nakaraang araw ay halos hindi na maayos ang pakikitungo ko sa ibang tao. Parang hindi na ako ito. Hindi ko na kilala ang sarili ko.

Madalas akong umuuwi ng may pasa at sugat sa kamay. Madalas na rin akong napapaaway.

Imbis na magpahinga si Mama t'wing umuuwi ako ay siya pa ang nag-lilinis at nag-aalaga sakin. Palagi niya akong tinatanong kung hindi ba raw ako nadadala sa pakikipag-away palagi? At mga rason kung bakit ko ginagawa 'to.

Madali kong pinunasan ang dugong nabuo sa gilid ng labi ko. Guess what? Oh yeah.

Napa trouble na naman ako ng wala sa oras. Ayoko munang umuwi sa bahay dahil baka mapagalitan na naman ako ni Mama. Sa sobrang alala niya minsan sa mga sugat ko ay naginaatake na siya ng vertigo niya.

Madalas na sumakit ang ulo ni Mama at mahilo. Kapag niya inaatake siya ay di na nya makayanan sa sobrang sakit.

"Anong klaseng mukha 'yan? Ba't may pasa ka!?" Napatingin nalang ako sa tagiliran ko nang mabosesan ko ang taong yon.

The one and only reason why I am like this.

Kaagad niyang binitawan ang kanyang maliit na bag at isinakbit ito sa maletang dala-dala niya. Nakakunot ang noo at mukhang seryosong-seryoso.

"Halika! Sumama ka saakin!"

I went along with her without any hesitations. Nor second thoughts. I don't know why but I kinda missed her.

My Cruel AlphaWhere stories live. Discover now