Elleri's POV
Nitong mga nakaraang araw napapaisip ako tungkol sa sinabi ni Marg. Susunod ba siya sakin dito sa Korea? Napaka-impossible naman yata non.
Sobrang impossible. Kilala ko yung babaeng 'yon! Hindi basta-basta aalis yon ng bansa kung hindi kinakailangan! 'Di niya rin gustong mag-travel ng walang kasama.
4 days na noong huling pag-uusap namin. Sa chat pa.
Muli ko nalang ibinaling ang sarili ko sa paglilinis sa condo na tinitirhan ko. I bought a condo at kakalipat ko lang. Wala pa itong masyadong furnitures kaya nagkalat ang sandamakmak na gamit. Hindi pa kasi masyadong maayos ang mga gamit ko na dala ko. At kung saan-saan naka-patong at naka-siksik ang mga damit ko.
Kahit mag-iisang linggo na ako dito sa Korea ay hindi parin nagsisink-in saakin ang lahat. Sa mga unang araw ko ay puro pasyal at pagkain lang ang inatupag ko kaya ayan, imbis na mag-ayos ng gamit ay napunta pa sa mga pasyalan at kainan.
Mag-isa kong nililibot ang mga Tourist spots nila. Kahit minsan ay umuwi akong masakit ang paa, ok lang. Maganda naman ang panahon at ang tanawin.
It has been always my dream to travel the world. Ang kaso ay hindi ako ganon ka financial stable para libutin ang buong mundo. Siguro, sa susunod nalang ako magttravel kapag kasama ko na ang buong pamilya ko. Ngayon kasi ay lumipad ako patungong Korea para maghanap ng Job opportunities.
Kung tatanungin ako bat di ko nalang piniling manatili sa Pilipinas ay maraming rason. Una, masyadong mababa ang pasahod ng mga kompanya sa mga empleyado nila.
Ikalawa, mataas ang inflation rate at mababa ang dolyar na pumapasok sa bansa. Ayoko namang pagkasweldo ko ay mapupunta lahat sa gastusin sa bahay ang lahat.
Ikatlo, para saakin ay mahirap humanap ng trabaho sa Maynila. Wala kang mapapasukan kahit nag-tapos kapa ng pag-aaral.
Ikaapat,
Wala na akong maisip na ikaapat dahil masyado nang marami ang nabanggit ko. Korea was the perfect country na pwede kong applayan.
Mahilig rin kasi ako sa kdrama at kpops kaya dito na ako nag migrate. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto ko dito kesa sa Pilipinas.
—
a/n: [belated] happy new year ! wishing your 2023 be filled with new adventures !! <3
YOU ARE READING
My Cruel Alpha
أدب الهواة[SoundBreak Series #3] | DISCONTINUED Paulo Nase, a destined to be a star in the music industry along side with his groupmates that joins in different dance competitions. Wherein, Claire was one of the judge. As they collides again, a broken promis...
