Paulo's POV
Its been a week since the day Rie chated me. Hindi niya na ako kinulit after that.
Hindi ko alam bakit unang bungad sa umaga ay gusto ko siyang makausap. Palagi akong nagoopen ng messenger para lang makita kung nagmessage ba ito, pero palagi akong bigo.
Hanggang ngayon ay ganun pa rin ang ginagawa ko. Naging routine ko na yata ang magbasa ng messages bago pumasok sa trabaho.
Currently, I'm still a call-center agent. Madalas akong matulog sa umaga at babangon sa gabi, since sa night shift ako nakaassign ilang araw nalang rin ang itatagal ko since nagbabalak akong mag-data analyst.
Minsan nga naiisip ko kung bakit hindi ko nalang gawin ang gusto kong gawin? Like, maging involve sa music industry? Maging solo artist?
As usual, nagsscroll lang ako sa mga social medias ko. Walang akong pasok ngayon dahil naka-day off ako kaya buong araw lang akong tutunganga sa bahay.
"Kuya Pau! Kuya Pau!" Malakas na katok ni Alexandra sa pinto ng kwarto ko.
"Bakit? Wala ka bang pasok?" Maya-mayang tanong ko rito.
Ngumisi naman ito ng nakakaloko sa akin kaya binatukan ko siya.
"Aray ko naman Kuya!" Reklamo niya sabay hampas sa braso ko
"Bakit hindi ka pumasok ha? Ikaw Alexandra, sinasabi ko sa'yo! Nagcutting classes ka 'noh?!" Pagsuway ko sakanya.
"Hindi no! Papasok palang ako!" Napatango nalang ko pero hindi parin ako kumbinsido. Baka nga lang pumapasok siya para sa baong pera at hindi talaga nag-aaral!
"Bakit nga? Ano 'yon?"
"Eto na nga Kuya! May nakita ako sa Facebook! 'Di ba gusto mong maging solo artist?" Tumango naman ako ulit
"Eto na 'yon Kuya! Tignan mo oh!" Proud na proud na sabi niya saakin. Ipinakita pa ang audition form ng isang cover group.
Naghahanap sila ng talented singer and dancer na gustong magperform at sanay nang makipagcompete around the world.
"Ano Kuya? Interested ka? Send ko yung audition form sa'yo ah!?"
"Sige pagiisipan ko." Tuwang-tuwa naman si Alex at umalis na sa harapan ko.
Bumalik naman ako sa kwarto ko at napabuntong hininga ng malalim. Eto na ba talaga 'yon? Should I grab this opportunity first?
"Bahala na" I whispered to thin air before dozing off to sleep.
A month passed, I decided to give it a try because why not? I also need new experiences, new challenge in life.
I also resigned and kissed goodbye to my call-center agent life. A week later, natanggap naman ako sa Makati bilang data analyst.
Pinagsabay ko rin ang PHP at work. At first, It was so hard to balance my life but later on, nasanay na rin ako at nakapag-adopt na rin sa new environment.
In PHP we compete every where around the world. Performing is my kind of game. Minsan uuwi kaming talo, but that's okay. Minsan uuwi kaming panalo.
Madalas akong walang pahinga dahil sobrang stress at sobrang daming gawain. Mas lalong nadagdagan ang pasan ko nang malamang I can't compete with my group dahil sa schedule ko!
My boss don't want me to have a 2-day leave! He said we'll have a special event in that specific date so we can't take a leave or day off.
"Bro, my sched can't. Mukhang you'll leave without me this time," I said to our leader.
My other brothers tapped my back amd said, Its okay na hindi ako makasama naiintindihan naman daw nila.
I'm glad they sure did because a day after that, it was supposed our flight to Malaysia for the competition.
Natuloy sila pero naiwan ako at ang tatlo pa naming miyembro. Me, James, Isaac and Limuel. They're still high school students and they have classes.
Pag-uwi ko sa bahay ay ganun parin, walang pinagbago. Si Alex at Denise ang naabutan ko sa sala. Pareho silang gumagawa ng assignments, si Josue naman ay baka nasa kwarto niya na at naglalaro ng computer games.
"Hi Kuya!"
"Oh Kuya!"
Sabay na bati ng dalawa kong kapatid na babae. Natawa nalang ako sa kanila nang tumayo sila at yakapin ako. I patted their heads and smiled at them.
Lumabas naman sa kusina si Mama at nagmano ako
"Oh? Ginabi ka yata ngayon, Pau?" Tanong ni Mama
"Oo nga po, baka ganito ang uwi ko hanggang sa katapusan ng buwan. Busy kasi sa PHP tsaka sa trabaho," tumango-tango naman si Mama.
Inaya pa akong kumain ni Mama pero umiling lang ako. Wala akong ganang kumain ngayon ng kahit ano. Ramdam ko na rin ang pagod na namumutawi sa katawan ko kaya naisipan ko nalang na umakyat at magpahinga.
Kinabukasan, ganoon na naman ang routine ko.
Work. PHP. Bahay. Repeat.
Halos wala akong kapahingahan at pati linggo na para sa Panginoon ay napapabayaan ko na.
May mga oras na tatawagin ako sa grupo o kaya naman sa trabaho. Madalas na rin akong magdoble kayod sa pamilya namin dahil may pinag-iipunan akong bahay at lupa na in the future pagtayuan ko nang sarili naming dream house.
Madalas ko nalang rin makita ang mga kapatid at pamangkin ko. Pati na rin si Mama na palagi ring nasa trabaho ay hindi ko na halos makita pa.
Kaya isang araw habang nasa lunch break ako ay may tumawag na nurse saakin. Sabi ay nakaconfine si Mama sa hospital dahil nahimatay raw ito kanina.
Sa pagmamadali kong puntahan si Mama sa hospital ay hindi na ako nakapagpaalam pa.
Pagkarating ko sa hospital ay bumungad saakin ang mga kapatid kong halos mahimatay na rin sa kakaiyak.
At halos gumuho ang buong mundo ko nang nasa Intensive Care Unit pala si Mama..

YOU ARE READING
My Cruel Alpha
Fanfiction[SoundBreak Series #3] Paulo Nase, a destined to be a star in the music industry along side with his groupmates that joins in different dance competitions. Wherein, Claire was one of the judge. As they collides again, a broken promise will take ove...