KABANATA 13

76.5K 2.1K 371
                                    

KABANATA 13:

Ysabel Martinez

      ✎ HALOS kalahating oras na rin akong naghintay rito sa loob ng black limousine ni Palermo, naghihintay na lumabas siya sa bahay namin. Mabuti na lang talaga ay nakabukas ang aircon nitong sasakyan kaya kahit nakasara ang mga bintana ay nakakahinga pa rin ako at mas lalong hindi rin mainit.

Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa loob ng bahay namin at kung bakit ang tagal lumabas ni Palermo. Kanina pa ako hindi mapakali rito sa kinauupuan ko.

Natataranta na ako at sobra-sobra rin ang aking kaba habang panay kong tinatanaw sa labas ng bintana 'yung bahay namin. Hindi ko naman makita kung ano ang nangyayari sa loob dahil nakasara ang pintuan at nakaharang pa ang mga kurtina sa bintana.

Paano kung may masama nang nangyari sa loob? Paano kung binaril na ni Palermo 'yung stepmother ko at sina Ryzza pero hindi ko lang narinig dahil nga may silencer 'yung baril ni Palermo?

Paano kong tigok na 'yung tatlo?

Naku po, huwag naman sana! Hindi kakayanin ng konsensya ko kung sakaling patayin sila ni Palermo!

Kagat-kagat ko ang hinlalaking daliri ko sa kamay habang patuloy pa rin sa pangangatog ang buo kong katawan. Kulang na lang ay pigilan ko na ang sarili kong paghinga dahil sa labis na kaba.

Curious na ako sa mga nangyayari sa loob. Ano kayang ginawa ni Palermo sa tatlo? Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napansin ang pagbukas ng pintuan sa bahay namin.

Mabilis akong napaayos ng upo nang makita kong si Palermo ang lumabas doon sa bahay namin at nakita ko rin na may suot-suot siyang puting rubber gloves.

He removed it from his hand and I swallowed hard when I noticed that the gloves were stained with blood! What the? Bakit may bahid ng dugo 'yung gloves na 'yon?

Pagkatanggal niya sa gloves ay ibinigay lang niya iyon sa isa sa mga mala-men in black niyang bodyguards bago siya naglakad palapit dito sa sasakyan.

Para tuloy siyang isang modelo na naglalakad tapos ang gwapo at tangkad pa niya. Kahit na nandito ako sa loob ng kotse ay nagagawa ko pa rin na makita kung gaano siya ka-sexy at ka-maskuladong lalaki.

His shoulder is also broad and he has thick thighs. Dahil sa medyo malaki ng pangangatawan niya ay halos pumutok na sa kanya ang suot niyang puting polo shirt na hapit sa kaniya kaya bumabakat pati ang kaniyang nagtitigasang abs.

Ilang babae na kaya ang napaiyak ng gwapong nilalang na 'to? Ang gwapo eh, hindi siya nakakasawang titigan.

Lumunok pa muna ako at agad akong napailing-iling ng ulo para burahin 'yung mga kalandian na naglalaro sa isipan ko.

Bahagya akong umusog nang buksan na ni Palermo 'yung pinto bago siya sumakay at naupo sa aking tabi.

"A-Anong ginawa mo sa kanila?" agad kong utal na tanong sa kanya.

"B-bakit may dugo 'yung suot mong gloves?" kabado ko pang tanong.

"We are going to Siargao now. Ang mga tauhan ko na ang bahalang humakot sa mga gamit mo." aniya imbes na sagutin 'yung tinanong ko.

"Sandali nga lang. Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba na hindi ako sa 'yo sasama sa Siargao? At saka sagutin mo nga 'yung tanong ko! Anong ginawa mo sa stepmother ko at sa mga anak niya?" wika ko at matalim siyang tinignan.

Huminga pa muna siya ng malalim.

"Umamin na ang stepmother mo.."

"Umamin na ano?"

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon