KABANATA 16

80.2K 2K 667
                                    

KABANATA 16:

Ysabel Martinez

      ✎ SA wakas ay naka-landing na ang sinasakyan naming private plane ni Palermo sa lupa at ligtas din kaming nakarating sa Siargao after ng ilang oras naming biyahe.

Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin ako sa matinding galit doon sa babaeng flight attendant dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya kaya naman nasampulan ko tuloy siya. Kung demonyo lang siguro ako baka nasapak ko na siya o 'di kaya'y inihulog ko na siya sa private plane.

Wala rin naman akong pakialam kung gumawa ng kwento 'yung hayop na babaeng 'yon at paniwalaan siya ni Palermo. At saka hindi ko rin naman kailangang magpaliwanag dahil wala naman akong ginagawang masama.

Hindi ko na alam kung nasaan na 'yung flight attendant na 'yon. Paglabas ko kasi kanina sa kwarto dahil tinawag na ako ni Ocampo ay hindi ko na nakita 'yung babaeng iyon. Pilit naman akong kinakausap ni Palermo pero hindi ko siya pinapansin.

Bahala siyang kausapin ang sarili niya.

Kakausapin ko lang siya kapag gusto ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, talagang naiinis ako sa mga nalaman ko. Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko ba 'yung mga sinabi ng flight attendant na 'yun o hindi. Iniisip ko rin kung tama ba na sumama ako kay Palermo sa Siargao.

Kahit hindi naman sa 'kin sabihin ni Palermo ay mahahalata ko naman na playboy siya. Idagdag pa na fuckboy siya. Pero hindi talaga ako makapaniwala na kung sino-sinong babae na lang ang kanyang ikina-kama.

Magiging katulad din ba ako ng mga nagdaaang babae sa buhay niya? Isasama lang din ba niya ako sa toys collection niya? Aba, hindi pu-pwede 'yon! Hindi ako maaaring mag-goodbye kay Bataan!

"Ysabel, tara na."

Agad akong napatingin sa nagsalita, si Palermo lang pala na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko at hinihintay na akong tumayo. Napansin ko rin ang ilan sa mga crew nitong private plane na hinahanda na nilang ibaba 'yung ibang mga gamit ni Palermo.

Si Ocampo naman ay bitbit na agad 'yung ilan sa mga gamit ko. Hindi ko na lang pinansin pa si Palermo, bagkus ay tumayo na ako at sinundan si Ocampo na ngayon ay pababa na sa hagdanan nitong private plane.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Palermo sa likod ko pati na rin ang malalim niyang pagbuntong-hininga.

Paulit-ulit din niya akong kinukulit kanina. Nagtatanong kung ano ang problema ko at kung bakit hindi ko siya kinakausap o pinapansin.

Syempre sinagot ko naman siya na itanong niya sa babaeng flight attendant kanina. Pero mukhang gumawa lang ng kwento 'yung hayop na babaeng iyon pero who cares?

Bahala si Palermo na alamin kung ano ang problema ko. Basta naiinis ako sa kaniya! Hindi rin ako dapat magpadala sa kabaitan niya at sa mga matatamis niyang salita. Baka nga mamaya, 'yun na pala 'yung daan niya para siguro makuha niya kung ano ang gusto niya sa akin.

Ang aking pinakamamahal na perlas ng silangan. Of course, hindi ako papayag na maging katulad ng mga babae niya na parang pagkain na inihahain ang kanilang sarili sa harapan ni Palermo.

I'm not a slut, I'm not a gold digger.

Natutukso man ako, pero hindi pa sira ang tuktok ng ulo ko para ibigay at isuko ang sarili ko sa isang tulad ni Palermo na isang Mafia at hindi ko pa lubos na kilala.

Hindi ako papayag! Dapat hindi ako magpadala sa tukso kahit pa na mabilis akong matukso sa kaniya. Kung maaari ay iiwasan ko na lang siya kung sakali man na maging mala-ahas na namang pupulupot ang braso niya sa beywang ko at magmala-bampira na naman niyang kakagatin at sisipsipin ang aking leeg. Mas mabuti na rin 'yung makasiguro ako.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon