KABANATA 33

71.2K 1.6K 335
                                    

KABANATA 33:

Ysabel Martinez

          HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin namin nalalaman kung sino nga ba talaga ang nagpa-deliver ng box sa akin kahapon pero nananatili pa rin namang umuusad ang imbestigasyon nila Palermo kung sino ang salarin. Iniimbistigahan pa rin nila si Criselda dahil siya lang talaga ang naisip namin na pu-pwedeng gumawa nun sa akin.

Pero wala pa rin kaming balita kung may resulta na ba sa pag-iimbestiga nila Ocampo sa kanya. Kahit papaano ay nawala na rin ang takot ko dahil mula kahapon ay hindi na umalis si Palermo sa villa resort at nanatili lang siya sa tabi ko.

Natakot rin kasi si Palermo na baka may mangyari sa akin na masama kaya kahit na pupunta lang ako sa banyo para umihi ay kailangan nakasunod pa siya sa akin para masiguro niyang safe ako.

"Okay ka lang ba, Miss Ysabel?" rinig kong tanong ni Butler Giovanni sa akin.

Tumingin ako sa kanya at doon ko naman napagtantong nandito pala kami sa loob ng kusina para ipaghanda ng almusal si Palermo kasama ang pinsan niyang si Samael at yung kaibigan niyang biglang dumating dito sa villa resort kaninang madaling araw.

Maaga rin kaming nagising dahil sa bisita ni Palermo. Hindi ko kilala yung isang kaibigan niya pero parang nakita ko siya nung araw na na-hospital si Palermo at kasama siya nila Thorn na nagpunta nun sa hospital. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan niya.

"Pasensya na, hindi ko lang talaga makalimutan yung nangyari kahapon." hingi kong pasensya dito kay Butler na siyang kasa-kasama kong maghanda ng almusal.

"Kalimutan mo na yung nangyari kahapon, Miss Ysabel. Naniniwala naman ako na mahuhuli nila Don Palermo kung sino ang may gawa nun. Kilala namin si Don, gagawin niya ang lahat para magbayad ang taong nag-deliver sayo nung box." ani Butler kaya tipid ko lang siyang nginitian.

Malaki rin naman ang tiwala ko kila Palermo. Siya na mismo ang nagsabi sa akin na gagawin niya ang lahat para mahuli ang taong yun. Ginamit na nga rin niya ang koneksyon niya at saka isa siyang Mafia.

Halata ko naman kay Palermo na sobrang yaman niya at marami rin siyang koneksyon. Mas humigpit rin ang seguridad dahil dinagdagan niya ang mga tauhan niya na magbabantay dito sa villa resort para walang ibang makakapasok. Inutusan rin niya ang mga mala-men in black niyang mga bodyguards na bente kwatrong magbantay habang tulog kami sa gabi.

"Tara na, baka hinihintay na nila Palermo itong breakfast nila." tangi kong nasabi kaya tumango lang sa akin si Butler Giovanni.

Tinulungan niya akong ilagay ang mga niluto kong almusal sa mga tray para hindi kami mahirapan na buhatin ang lahat ng mga ito. Nagtimpla na rin ako ng kape bago namin ito dinala sa pool gazebo kung saan naroon sila Palermo. Papalapit palang kaming dalawa ni Butler ay kapansin-pansin na seryoso ang pinag-uusapan nilang tatlo.

"Ang gwapo talaga ni Mr. Malkiel 'no?" mahinang sambit ni Butler Giovanni sa akin.

"Mr. Malkiel?" kunot-noo kong tanong.

"Iyon, yung kaibigan nila Don Palermo at Don Samael. Siya si Arawn Malkiel, isa sa mga malalapit na kaibigan nung mag-pinsan na Lazarus. I heard na sa kanya humingi ng tulong si Don Samael para hanapin si Miss Ilaria dahil hindi nila siya mahanap-hanap," pagkukuwento niya kaya mas lalong nagpakunot sa noo ko.

"Eh sino naman si Ilaria?" curious kong tanong sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko, si Ilaria Lazarus ay bunsong kapatid na babae ni Don Samael na pinsan naman ni Don Palermo." sagot niya.

"Pero bakit naman hinahanap si Ilaria? Nawawala ba siya?" tanong ko pa.

"Well, actually nabalitaan na lang namin lahat na tumakas daw si Miss Ilaria sa Sicily at sumama daw sa boyfriend niya na magpunta dito sa Pilipinas para makipagtanan which is ikinagalit nama ni Don Samael." aniya kaya napa-ahh ako.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon