KABANATA 37

60.1K 1.4K 256
                                    

KABANATA 37:

Ysabel Martinez

          HINDI ko magawang makapagsalita agad dahil pilit ko pang sini-sink in sa utak ko yung mga sinabi ng Mommy ni Palermo sa akin. Hindi muna ako umimik at hinintay ko pa muna na tumawa si Mrs. Maribel dahil baka jino-joke time lang niya ako pero hindi.

Ang seryoso talaga ng mukha niya at hindi man lang siya tumawa kahit na naghihintay ako na sabihin niya na binibiro lang niya ako. Kahit si Mr. Avenido ay ang seryoso lang rin ng pagmumukha niya.

Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Palermo kaya nabasag ang katahimikan sa kwartong ito. Lahat kami ay napatingin din sa gawi niya. Tumawa siya na hindi makapaniwala at tila parang may narinig siyang nakakatawa at mabentang joke galing sa ina niya.

"Unbelievable!" natatawa niyang bulalas. Nagulat naman ako nang hagisan siya bigla ni Mrs. Maribel ng unan at diretso iyon na tumama sa kanyang mukha.

"Bakit ka ba tumatawa diyan?! Seryoso ako, Palermo! Noon palang ay gusto na naming magka-apo ng Daddy mo kaya pagbigyan mo na kami!" nakabusangot na pagmamaktol ni Mrs. Maribel sa anak niya. Parang bata namang tumango-tango si Mr. Avenido na sumang-ayon pa sa sinabi ng asawa niya.

"You don't have to give two million to my wife to ask for a condition from her to give you a grandchild. Darating din tayo diyan, Mom." ani Palermo na tumigil na rin sa pagtawa. Napalunok naman ako nang may kakaiba akong napansin sa mga mata ni Palermo nang tignan niya ako. Ang init at lagkit niya kung tumingin, parang isa akong masarap na pagkain na gusto niyang lantakan na kainin.

"Ysabel, iha." tawag sa akin ni Mrs. Maribel kaya napatingin ako agad sa kanya.

Hinawakan niya ang isa kong kamay ko at matamis pa niya akong nginitian. Napakurap-kurap pa ako ng mata dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi. Nakangiti talaga sa akin ang Mommy ni Palermo.

     Matamis na nakangiti sa akin!

"Kung gusto mo na matanggap ka namin para sa anak namin, pwes huwag na huwag mong iiwanan si Palermo. Huwag mo siyang ipagpapalit at lolokohin. Bigyan mo rin kami ng apo as soon as possible, okay? Don't worry, tanggap kita para sa anak namin. Masaya ako na ikaw ang napangasawa niya. Wala akong pakialam kung mahirap ka man. Mas gusto ko nga ang kagaya mo na simple pero matalino at palaban," aniya.

"Pero paano kung ako ho ang ipagpalit ni Palermo at lokohin ako?" out of the blue kong katanungan.

"No, no. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi kita ipagpapalit at lolokohin," biglang sabat ni Palermo at umayos pa siya ng pagkakaupo.

"Manahimik ka nga muna, nakikita mong nag-uusap kami dito ng mother in-law ko eh. At saka paano naman ako makakasiguro na hindi mo nga ako ipagpapalit sa ibang babae? Sabihin mo nga, paano ako maniniwala na hindi mo ako lolokohin?" matapang at dire-diretso kong sabi.

"Then I will let you kill me, il mio amore. Kapag pinagpalit kita at niloko, handa ako na patayin mo ako."

"Pero paano kung hindi kita kayang patayin?" nakataas-kilay kong tanong.

Syempre hindi ko naman kaya na patayin siya. Hindi ako killer para gawin yun kahit pa na kung sakali man na lokohin o ipagpalit niya ako. Mas pipiliin ko na lang na lumayo at hindi siya patawarin kaysa patayin siya.

He just smiled, "Then I will kill myself. But no, hindi ko magagawang ipagpalit ka sa iba at lokohin. Hindi ako tanga para saktan ka," sinsero niyang saad na nagpatahimik sa akin ng ilang minuto.

"Kaya dapat para maging masaya tayong lahat, bigyan niyo na kami ng apo agad." nakangiti namang sabi ni Mrs. Maribel kaya sabay kaming bumalanghit ng tawa ni Palermo. Oh ghad, bakit ang sarap at ang gaan ng pakiramdam ko ngayon?

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon