KABANATA 22

81.1K 2.1K 856
                                    

KABANATA 22:

Ysabel Martinez

      ✎ PAGSAPIT pa lang ng ala sais ng umaga ay gising na ako agad. Inagahan ko talagang gumising ngayong araw dahil ipagluluto ko pa si Palermo ng kanyang almusal. Hindi ko kasi siya napagluto kagabi ng dinner dahil nga sa naisipan na lang niya na mag-dinner date na lang kami sa beach.

Sa totoo lang, hindi ko makakalimutan 'yun. Napaka-romantiko kasing tignan 'yung kauna-unahan kong dinner date kay Palermo. Kitang-kita ko ang effort na ginawang paghahanda sa date na 'yon. Tapos sobrang sarap pa ng mga kinain namin kagabi kaya sulit at busog na busog ako.

This time ay ipagluluto ko si Palermo ng isa sa pinaka-specialty kong putahe. Maipapakita ko na rin sa kanya ang galing ko sa pagluluto. At dahil umaga pa lang naman at breakfast ang kakainin namin ngayon, siguro ay chicken soup na lang muna ang lulutuin ko.

Mamayang tanghali ko na lang siguro lulutuin 'yung chicken curry na isa sa pinaka-paborito ko at isa sa mga specialty kong nilulutong ulam. Sana nga lang ay meron lahat sa kusina ng mga rekado na kakailanganin ko.

Pagkatapos kong maligo, magbihis ng simpleng damit at mag-ayos ng sarili ay agad na akong lumabas ng kwarto. Tahimik ang mahabang hallway nang makalabas ako. Oo nga pala, katapat lang ng kwarto ko ang kwarto ni Palermo.

Sinabi niya sa 'kin iyon kagabi matapos naming makapag-dinner date. Mukhang tulog pa si Palermo kaya dumiretso na ako sa baba para masimulan ko na ang pagluluto.

As usual, tahimik sa buong kabahayan.

Pagdating ko sa sala ay wala man lang akong naabutan. 'Yung mga mala-men in black naman na bodyguards ni Palermo ay matiyaga pa rin na nasa labas para magbantay.

Pero nagpapalitan naman sila kung sino ang nagbabantay dahil ibang mukha na 'yung nakita ko ngayon sa labas. Mga humihigop pa sila ng mainit-init na kape.

Nasaan kaya si Butler Giovanni? Sa pagkakaalam ko ay natutulog lang din siya rito pero hindi ko naman alam kung saan siya naka-room.

Ang boring. Wala man lang ka-thrill thrill dito sa villa resort ni Palermo. Nasanay kasi ako sa Batangas na kapag gigising ako ay nakaka-bwisit na reklamo at putak agad ang aking almusal galing sa magaling at evil kong stepmother. Kapag lalabas naman ako ng bahay, bubungad agad sa akin yung mga batang maiingay na naglalaro at mala-marites naming kapitbahay. Kay aga-aga ay tsismisan agad ang inaatupag.

Sighed. Ang ginawa ko na lang ay nilapitan yung DVD player na meron dito sa sala. May mga speakers at CD na rin doon na puro mga music. Nang makapili ako ng CD na patutugtugin ko ay sinalang ko lang yun para naman mawala ang nakakabagot at malungkot na awra sa buong kabahayan. Feeling ko kasi ay mas nauna yata kaming mag-biyernes santo nito dahil sa katahimikan ng buong villa resort na ito.

Parang baliw naman akong napangiti nang marinig ko na ang tugtog sa dalawang speakers na hindi naman kaliitan at hindi rin kalakihan.

Sakto lang ang size nito at malakas-lakas na rin ang binibigay nitong tugtog, for sure ay aabot ito sa loob ng kusina kaya medyo nilakasan ko pa 'yung music.

Love On Top ang music kaya mas nagkakaroon ako ng energy ngayon. Hindi katulad kanina na sobrang boring at parang may namatayan dito sa bahay.

Dumiretso na rin ako sa kusina para makapagsimula na akong magluto. Una kong nilapitan ang malaking refrigerator na may dalawang bukasan. Hinanda ko lang agad sa lamesa ang mga kakailanganin kong lutuin.

Mabuti na lang ay halos lahat ng mga kailangan kong rekado ay nandito na. Mukhang kakapamili lang nila sa palengke dahil punong-puno ng laman 'yung refrigerator pati na rin 'yung loob ng mga cabinet. Meron pa nga silang malaking chest freezer na tanging naglalaman lang ay mga karne na nakabalot pa sa mga plastic.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon