KABANATA 19

76.4K 1.8K 329
                                    

KABANATA 19:

Ysabel Martinez

      ✎ HALOS sabay pa kaming napalunok ng laway ni Butler Giovanni nang pareho naming makita ang tila nandidilim na anyo ni Don Palermo.

Nakakunot ang kaniyang noo at halos magdikit na rin ang makapal at perpektong kilay niya habang mariin siyang nakatingin sa amin.

Jusko po! Anong iniisip niya? Na nagtapat ng pagtingin itong Butler niya sa akin at narinig niya ang sinabi ni Butler Giovanni sa akin na I like you na talaga kahit ang totoo ay wala namang ibig sabihin 'yon?

"Can you explain to me what's going on? Anong sinasabi mo kay Ysabel na I like you na talaga? Butler Giovanni, I thought you were gay?" sunod-sunod na katanungan ni Palermo rito sa Butler niya.

"A-ano, ahm Palermo--"

"You're not the one I'm talking to, il mio amore." putol ni Palermo sa sasabihin ko. Tinikom ko naman ang aking bibig dahil seryoso ang mukha niya at dumidilim ang pagkakatingin niya sa amin.

Ano 'to? Inaakusahan ba niya si Butler Giovanni na may pagtingin sa akin? What the heck? Hindi kaya ako pumapatol sa kapwa ko pusong babae! Aba, hindi naman kami talo ni Butler Giovanni kasi parehas kami na lalaki ang aming hanap. Parehas kami na talong ang gusto at hindi tahong.

Mabibigat na hakbang naman ang ginawa ni Palermo palapit sa amin hanggang sa huminto siya sa tapat naming dalawa ni Butler Giovanni.

Heto na naman, nagsisimula na naman akong manliit dahil ang tangkad talaga niya. Palagi na lang akong nakatingala sa lalaking 'to. Baka ma-stiff neck pa ako nito araw-araw.

"I need an explanation," may diing turan ni Palermo dito sa Butler niya.

Muli akong napalunok dahil nakakatakot siya. Kulang na lang ay may lumabas na usok sa likod niya habang diretso siyang nakatingin kay Butler Giovanni na ngayon ay hindi alam ang gagawin.

Sabagay, kahit na malambot gumalaw itong Butler niya ay may hitsura naman! Gwapo si Butler Giovanni sa totoo lang. Kung bakit ba kasi halos sa mga gwapo ay nagiging beki na. Nauubos na ang mga gwapo rito sa Earth! At ilan na lang ang mga gwapong lalaking-lalaki at hindi rin lalaki ang hanap!

Pero syempre, mas gwapo pa rin naman 'yung lalaking gentleman, may respeto sa kapwa, madiskarte sa buhay at alam ang salitang loyal. Hindi 'yung gwapo nga, cheater at batugan naman.

"A-Ahm, Don ang ibig ko pong s-sabihin ay I like her as a friend. And yes po, bakla po ako Don Palermo at hindi po ako papatol sa kapwa ko babae 'no! Kaloka ka naman!" mahabang paliwanag ni Butler Giovanni sa kaniya at ang bakla naman na ito ay talagang umirap pa sa 'kin.

"At saka mapapangasawa niyo po si Miss Ysabel at magaan ang loob ko sa kanya. I want her to be my friend kaya!" dagdag niyang sabi.

"Bakit? Anong akala mo? Nagtapat ng feelings itong Butler mo sa akin?" tanong ko kay Palermo sabay taas ng isa kong kilay.

Tumikhim naman si Palermo at pasimple pa niyang inayos 'yung necktie niyang medyo nagulo.

"No. I just want to make sure na walang ahas dito sa pamamahay ko. And besides, what is mine is just mine. Ayokong maagawan dahil pagmamay-ari na kita, Ysabel." may diin niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.

Ano raw? Tama ba 'yung narinig ko galing mismo sa bibig niya? Pagmamay-ari niya ako? Kailan pa niya ako naging pagmamay-ari? Aba, ang lakas naman ng loob niya na angkinin ako! Ano ako, gamit na basta-basta na lang inaangkin?

"Wait, for your information lang ah? First of all, hindi ako gamit na basta-basta mo na lang aangkinin at pangalawa hindi mo ako pagmamay-ari." pagko-correct ko sa kanita.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon