KABANATA 27

71.5K 1.8K 576
                                    

KABANATA 27:

Ysabel Martinez

      ✎ HINDI ko naman magawang makaimik dahil sa nandidilim na anyo ni Palermo. Malapit na nga rin magdikit ang dalawa niyang makapal na kilay at mariin din siyang nakatingin ng diretso kay Adam.

Parang gusto na nga niyang patayin itong si Adam dahil sa paraan ng tingin niya. Kinikilabutan ako at hindi ko rin maiwasang kabahan. Shit! Mafia pa naman siya at baka kung ano pa ang gawin niya kay Adam.

Naramdaman ko naman na mas lalo akong hinatak ni Palermo palapit sa kaniyang malaking katawan. Sobrang higpit din ng pagkakahawak niya sa aking beywang at dikit na dikit din ang katawan namin sa isa't-isa. Parang ayaw niya akong pakawalan at mas lalong parang ayaw niya na dumikit ako kay Adam.

"Ano ba'ng nangyayari rito? Bakit kayo nagkakagulo?" tanong ni Palermo sa 'min.

Mas nangunot ang kaniyang noo nang makita niya si Criselda na madramang nakasalampak sa sahig. Napataas-kilay pa ako nang magpaawa ang mukha niya kay Palermo at tila malapit na rin siyang maiyak.

Anong akala niya? Tutulungan siya ni Palermo na makatayo? Maaawa ba kami sa kadramahan niya? Tsk, ang arte!

"Si Ysabel ang nanguna, Palermo! Nagtatanong lang naman ako kung pwede ba kitang makausap, pero bigla na lang siyang nagalit at sinabunutan ako." pagsisinungaling niya kaya halos parehas kami ni Butler Giovanni ang nagulat at hindi makapaniwala sa kaniya.

Aba't! Bakit ba ang hihilig nilang gawan ako ng kwento? Bakit ako pa yata ang may kasalanan? Bakit pinagmumukha nila akong masama? Nakakaloka sila!

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? My wife is not a war freak like you," may diing turan ni Palermo kaya lihim tuloy akong napangiti.

Mabuti na lang talaga hindi siya naniwala sa babaeng ito. Dahil kung naniwala siya, pwes parehas ko silang sasakalin ng bonggang-bongga! Bwisit talagang Criselda na 'to, sinabunutan na nga ako tapos gagawan pa ako ng kwento para siya ang magmukhang kaawa-awa.

"Tama po kayo, Don Palermo. Siya nga ang nanguna eh! Bigla na lang siyang sumugod dito at nagsisigaw, hinahanap niya rin si Miss Ysabel. Nagulat na lang din kami na galit na galit niyang sinabunutan si Miss Ysabel." pagsusumbong ni Butler Giovanni at inirapan pa talaga niya si Criselda kaya napangiti ako.

I'm glad na nandito rin ang baklang 'to, at least may isa pa akong kakampi bukod kay Palermo. Kaya nga ang gaan-gaan ng loob ko rito kay Butler Giovanni at magkasundo pa kaming dalawa.

"Sinisisi rin niya na si Miss Ysabel daw ang nag-utos sa 'yo na putulin na ang pakikipag-transaction mo kay Mr. Hui," pagsabat naman ni Ocampo kaya lalong nangunot ang noo ni Palermo.

Iritado namang napatayo si Criselda bago niya pagpagan 'yung laylayan ng dress niyang narumihan. Hindi rin nakaligtas sa amin kung paano niya irapan si Butler Giovanni.

Malakas na nga ang loob niyang sumugod dito sa villa resort ni Palermo, ang kapal pa ng mukha niyang mang-irap at gumawa ng walang kwentang kwento.

Hindi man lang niya ginalingan sa paggawa ng kwento! Hindi tuloy siya pinaniwalaan ni Palermo. Ghad! Karma is a bitch and my favorite bitch. Napahiya tuloy siya. Pasalamat siya ay sabunot at sampal lang ang ginawa ko sa kaniya!

"Bakit mo naman pinutol ang pakikipag-transaction mo sa Daddy ko, Palermo? Paano na 'yung mga napag-usapan niyong mga negosyo na kayong dalawa ang magka-sosyo?" ani Criselda.

Napataas pa ang kilay ko nang palungkutin pa nitong babaeng 'to ang boses niya. Marahil ay para siguro kaawaan siya ni Palermo kapag pinalungkot niya ang kaniyang boses? Marahas namang bumuntong-hininga si Palermo.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon