"Detective Yanna!"
Napahinto sa paglalakad si Yanna at napalingon sa tumawag sa kanya.
Baguhan lang siya bilang detective at nakikita na niya kaagad na busy ang lahat sa kanya-kanyang kaso na hawak.
Mabilis siyang nakatanggap ng trabaho sa isang kilalang kumpanya na magagaling ang bawat detectives dahil na rin sa mga ipinakita niyang husay.
Mabilis siyang yumuko sa tumawag sa kanya nang makalapit ito.
"Good afternoon po" bati niya rito.
Aaminin niya na kinakabahan siya pero handa niyang patunayan kung ano ang kaya niyang gawin.
Nuon pa man ay ang tingin sa kanya ng lahat ng nakakasalamuha niya ay isa siyang seryoso at mataray na babae dahil na rin sa ekspresyon ng mukha niya.
"I'm Detective Von. They told me na sa akin ka ma-a-assign" ani Von na siyang tumawag sa kanya.
"Pleasure to meet you po, Detective Von" turan niya rito at yumuko muli bilang paggalang.
Narinig niya ang pagtawa nito kaya napatingin siya rito.
"Pleasure to meet you too, Detective Yanna. Come on, ipapakilala kita sa mga makakatrabaho mo" ani nito na tinanguhan niya.
Tulad ng sinabi nito ay pinakilala siya nito sa mga katrabaho niya.
"This is Carl, Gencie, Benz and Nick. Ang mga makakatrabaho mo" pakilala nito sa mga kasama nito.
"Hi! My name is Yanna Fernandez, and I recently graduated from the main campus of Garalao" pakilala niya.
Ngumiti ang mga ito sa kanya kaya ramdam niya na welcome siya.
"Kung napapansin mo ay napakagulo ng opisina. Normal ang bagay na 'to lalo na at malaking kaso ang hawak natin" ani nito.
Malaking kaso? Anang isang bahagi ng isip niya.
"Okay, guys! Let's go to meeting room. Ididiscuss ko sa inyo ang kaso na hawak natin" ani muli nito.
Sabay-sabay na sumagot ang mga makakasama niya sa trabaho na may ngiti sa labi.
"Since sa akin ka in-assigned, hindi mo pa kailangan na maging totally detective. Bukod sa mga pulis ay may paraan din tayo para magsagawa ng research sa kasong hahawakan natin. You can be my assistant for a while so you can learn the basics" ani Von.
"Sige po" magalang na sagot niya rito.
"Okay" ani nito at may kinuhang folder sa lamesa nito. "Let's go."
BINABASA MO ANG
Monstrous Killer (COMPLETED)
RomanceI'm inlove with a criminal. This type of love isn't rational. [ Story of Claiden and Yanna ] All Rights Reserved ©2024 ***** Cover made by @Animoons DATE STARTED: February 24, 2024 DATE ENDED: March 2, 2024