"Bakit mo ito nagawa, Karenina?"
Hindi kumikibo si Yanna maging ang mga kasama niya habang pinoposasan ng mga pulis ang anak ng asawa ng biktima.
"I'm sorry, ma. I'm sorry" iyon ang paulit-ulit na binibigkas ni Karenina sa ina nito na walang tigil sa paghagulgol.
Nagulat nalang sila na isang araw ay tumawag ito para makausap silang dalawa.
Nang sandaling makita nito silang dalawa ni Von ay bigla nalang itong umiyak at lumuhod sa kanilang harapan.
Inamin nito ang kasalanang nagawa nito. Hindi na kasi nito makayanan na itago pa ang krimen na nagawa.
Nang usisain nila ito matapos nitong maging kalmado ay nagawa nito ang krimen dahil balak siyang itakwil nito.
Sa sandaling iyon ay dumating ang ina nito at ito na ang naging tagpo nilang dalawa.
Napabuntong hininga nalang siya dahil sa sitwasyon ng mag-ina, pero kailangan nitong harapin ang kasalanang nagawa nito.
Kasalukuyang naroon ang boyfriend nito na pinoposasan rin. Tumulong rin kasi ito sa krimen na ginawa ni Karenina.
"Talagang iba nagagawa ng pag-ibig, 'no?" biglang turan ni Von na nakatingin sa mag-ina.
Napatango nalang siya dahil ganoon anv ginawa ni Karenina. Pagdating sa pag-ibig kayang gawin ang lahat kahit na malaki ang kapalit.
Nagsimula na silang maglakad ni Von patungo sa sasakyan nito. Ang mga police na rin kasi ang bahala sa kaso nito.
"Magkita nalang tayo sa trabaho bukas. Paniguradong mapupuno nanaman tayo ng trabaho nito lalo na at hindi pa tapos ang case natin kay Claiden" ani Von.
Bahagya siyang napalunok nang marinig ang pangalan ni Claiden at bahagyang ngumiti.
"Malulutas rin natin 'yon katulad ng kay Warren. Marami na rin naman tayong ebidensya na hawak para madiin siya. Kailangan nalang natin humanap ng tyempo para mahuli siya" turan niya.
"Tama ka d'yan. Oh siya, mauuna na 'ko sa 'yo" pagpapaalam nito sa kanya.
Tumango lang siya hanggang sa makaalis ang sasakyan nito.
Pasensya ka na Detective Von kung malaki ang lihim na tinatago ko sa inyo. Anang isang bahagi ng isip niya habang nakatingin sa papalayo nitong sasakyan.
Nagsimula na rin siyang tunguhin ang kotse na inilaan ng kumpanya para sa kanya. Bawat detective ay may kanya-kanyang sasakyan na ibinibigay para sa kanilang trabaho.
Nang makapasok sa sasakyan ay binuksan niya na kaagad ang makina para makaalis pero agad siyang napahinto nang may mapansin siya.
BINABASA MO ANG
Monstrous Killer (COMPLETED)
RomanceI'm inlove with a criminal. This type of love isn't rational. [ Story of Claiden and Yanna ] All Rights Reserved ©2024 ***** Cover made by @Animoons DATE STARTED: February 24, 2024 DATE ENDED: March 2, 2024