Abala si Yanna sa mga gawain niya at maging ang mga katrabaho niya ay abala sa kanya-kanyang ginagawa.
Wala pa ring nakakaalam sa kinaroroonan ni Claiden. Kumalat din sa buong Garalao ang pagtakas nito kaya doble ang takot ng amga nasasakupan ng Garalao.
Hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan ito maliban sa kanya.
"Detective Yanna..."
Napalingon siya kay Nick nang tawagin siya nito.
"Bakit?" tanong niya rito.
"Dinouble check namin ang katawan ng mga biktima pero walang nakitang chip ang mga pulis katulad ng sa huling biktima" paliwanag nito.
"Then pinapatunayan lang na intesyon na nilagay ang chip na 'yon sa huling biktima" seryosong turan niya.
"Yeah. And there's more..."
"What is it?"
"May nakitang kakaiba ang mga pulis sa bawat biktima."
Agad na nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
"Ano ang nakita nila?" puno ng kuryosidad na tanong niya rito.
May inabot itong punpon ng papel at may mga litrato doon ng bawat biktima.
Unti-unting nangunot ang noo niya sa mga close-up picture na nakalagay sa bawat papel.
"Mga bakat ito ng kuko" mahinang usal niya na narinig naman nito dahil sumang-ayon ito.
"That's correct. And those traces are like the nail of a woman" ani nito.
Hindi siya kumibo at tinignan ng husto ang mga bakat ng kuko na nakabaon sa balat ng mga biktima.
"Guys!"
Napa-angat sila ng tingin nang marinig ang boses ni Von na tila nagmamadali.
Agad silang na-alertong lima dahil tila nagmamadali ito.
"We have to move. Now" ani nito at may kinuha sa opisina nito. "Let's go."
Kahit puno ng pagtataka ay dali-dali nilang kinuha ang kanya-kanya nilang mga gamit.
Tanging ang coat niyang itim ang tanging hinugot niya at saka sinuot. Nandoon na kasi ang cellphone at notebook niya.
Sumakay sila sa may kalakihang van na nakalaan sa team nila at si Gencie ang magmamaneho.
"Sa Buen Valley tayo, Gencie" ani Von nang makasakay ito sa tabi ng driver seat.
Mabilis na pinausad ni Gencie ang sasakyan habang naghihintay sila sa paliwanag ni Von.
BINABASA MO ANG
Monstrous Killer (COMPLETED)
RomansaI'm inlove with a criminal. This type of love isn't rational. [ Story of Claiden and Yanna ] All Rights Reserved ©2024 ***** Cover made by @Animoons DATE STARTED: February 24, 2024 DATE ENDED: March 2, 2024