"Hmmm..."
Unti-unting iminulat ni Yanna ang mga mata niya.
Napahawak siya sa ulo niya nang makaramdam ng kirot.
"Ano bang nangyari?" Naiusal niya nalang habang bumabangon.
Nang maging malinaw ang paningin niya ay agad siyang napatingin sa sarili niya.
Nanlali ang mga mata niya at napatakip ng kumot sa walang saplit niyang dibdib.
"Anong nangyari? Bakit ako nakahubad?" Pagtatanong niya.
Pilit niyang inalala ang nangyari at habang patagal ng patagal ay naging malinaw sa kanya ang lahat.
"Shit! May nangyari sa 'min" ani niya.
Agad siyang napasabunot sa buhok niya dahil sa nangyari. Hindi niya akalain na magagawa niya iyon.
That's why I hate alcohol. Anang isang bahagi ng isip niya.
Mas nakumpirma ang naalala niya nang paggalaw niya ay sumakit ang mga hita niya na parang nangalay lalo na ang pagitan ng hita niya.
"Ang tanga mo, Yanna. Ang tanga-tanga mo" paninisi niya sa sarili.
Nagtaka siya nang wala man lang luha ang tumutulo sa mata niya matapos ng nangyari. Para bang alam ng sarili niyang katawan na wala siyang pagsisisihan.
Kahit masakit ang katawan niya ay bumangon pa rin siya. Nakatiklop naman ng maayos ang damit niya at tila bago ang mga undergarments niya.
Nang matapos ay aalis na sana siya nang may mapansin sa lamesa.
I'm sorry for taking advantage, Yanna. But atleast I show you what I really felt. Kahit dala ng alak ang nangyari, wala akong pinagsisihan. I want to protect you until the end. I want to show you how much I love you, but I can't, and maybe hindi ko na magagawa sa susunod. Yeah, you're right. I love you but we can't. Salamat at kahit sa huling pagkakataon ay napagbigyan ko ang sarili kong mahalin ka kahit sa isang gabi lang.
Hindi niya alam pero kinabahan siya sa sulat na iniwan nito. Para bang may gusto itong ipahiwatig sa kanya.
Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.
Bumungad sa kanya ang may-ari ng building na madalas niyang nakikita sa front desk.
"You're awake. May gusto ka bang kainin bago umalis?" tila wala lang na tanong nito sa kanya.
"Wala. Pero may gusto akong itanong sa 'yo" bagkus ay sagot niya.
Napatango-tango ito. "I see. What is it?"
"Ikaw ba ang kasabwat ni Claiden?" seryosong tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
Monstrous Killer (COMPLETED)
RomanceI'm inlove with a criminal. This type of love isn't rational. [ Story of Claiden and Yanna ] All Rights Reserved ©2024 ***** Cover made by @Animoons DATE STARTED: February 24, 2024 DATE ENDED: March 2, 2024