CHAPTER 9

56 3 0
                                    

Humugot ng isang malalim na hininga si Yanna bago lakas loob na pumasok sa isang gusali.


Kagagaling niya langa sa trabaho niya. Nakapasok na rin siya dahil natapos na ang isang linggong suspension niya.


Panay ang tingin niya sa itaas kung saan makikita kung nasaang floor na siya.


Huminga siya ng malalim nang tuluyan siyang makarating sa 44th floor.


Nang bumukas ang pinto ay lakas loob siyang lumabas ng elevator at nagtungo sa unit na nakalagay sa binigay na address ni Claiden.


Kaya ko ba 'to? Biglang tanong na nabuo sa isipan niya.


Napakuyom siya at napapikit ng mariin. Sa pagdilat niya ay iniangat niya ang kamay niya para pindutin ang doorbell nang matigilan siya.


"You finally came."


Tila nagtindigan ang balahibo niya sa batok nang marinig ang baritonong boses ni Claiden sa likuran niya.


Hindi siya nakakibo nang marinig ang pagclick senyales na binuksan nito ang pinto.


Nang bumukas ang pinto ay sumalubong sa kanya ang kakaibang awra na nakapalibot sa buong unit nito.


"Move your feet, Yanna" muling turan nito sa parehas na tono ng boses.


Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang inihakbang ang mga paa niya papasok.


Sa bawat paghakbang niya ay tila hinihigop ang paghinga niya.


Ang bigat ng pakiramdam niya at hindi niya malaman kung dahil ba sa presensya nito o sa nararamdaman niya.


Narinig niya ang pagsarado ng pinto at nang ipalibot niya ang tingin ay nakasarado ang lahat ng bintana.


Napapitlag siya nang maramdaman ang maiinit nitong palad na pumatong sa magkabilang balikat niya.


"Relax, Yanna. Take a deep breath" ani nito.


Pumikit siya at ilang beses na huminga ng malalim.


Kahit na isa siyang detective ay hindi maiiwasan na makaramdam siya ng takot lalo na kung isang kilalang serial killer ang kaharap niya.


"Good job" ani nito.


Dumilat siya nang mawala ang mga kamay nito sa balikat niya.


Binuksan nito ang ilaw at hindi iyon ganoon kalakas.


Muli niyang pinalibot ang tingin niya sa buong unit at walang masyadong gamit na makikita roon.


Napatingin siya rito na pabagsak na naupo sa nag-iisang sopa na kaharap ang maliit na TV habang tinatanggal nito ang suot na jacket na may hood.

Monstrous Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon