Mabilis na narating ni Yanna ang San Veda at napakatahimik roon dahil sira na ang mga gusali roon at dulo pa iyon ng Garalao.
Saan ko naman kaya siya makikita? Anang isang bahagi ng isip niya.
Maingat ang bawat paglakad niya dahil mahirap nang makagawa siya ng ingay.
Sa kalagitnaan ng paglakad ay napahinto siya ng makarinig siya ng kalabog.
Unti-unti siyang sumilip sa lugar kung saan niya narinig ang ingay at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
"Garry..."
Puno ng sugat at duguan ang kaibigan niyang si Garry habang nakasandal sa siranv kotse.
"S-stop this..." pagmamakaawa ni Garry rito.
Napatingin siya sa gumawa nito sa kaibigan niya at lalo siyang nagulat nang makita ang girlfriend nitong si Fairen.
Mas nawindang siya nang pamilyar ang ayos nito. Kaparehas iyon ng pumatay sa kapatid niya.
Pero imposibleng mangyari 'yon dahil si Claiden ang killer.
"'Wag kang magpatawa, Garry. Hindi ka sana aabot sa ganito kung hindi mo pinairal ang pagiging pakielamero mo" ani Fairen.
"K-kahit malaman ko pa... ito sa susunod... m-m-makikialam pa r-rin ako..." nahihirapang sagot ni Garry.
Tumawa si Fairen. "Really? Then I will have kill you then."
Bago pa man may mangyari sa kaibigan niya ay lumabas na siya sa tinataguan niya.
"Stop!" sigaw niya dahilan para mapatingin ang dalawa sa kanya.
Isang ngisi ang lumitaw sa labi ni Fairen at tumingin sa kanya.
"Ow! Your savior is here, Garry" ani nito.
"Bakit mo sinasaktan si Garry? Hindi ba at magkasintahan kayo?" naguguluhang tanong niya.
"Magkasintahan?" Ani Fairen at tumawa. "Ni hindi ko nga type 'yang kaibigan mo eh. I just take advantages since she's your friend."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'm just making him as a bait, eh kaso bigla niyang nalaman ang sikreto ko at sakto ring pagsulpot mo" ani nito.
"You what?"
"Atleast makukumpleto ko na ang ext sa word na next. You, your friend Garry and of course that detective" turan nito.
"I won't let you do that."
Napatingin silang lahat sa bagong dating at kilalang-kilala niya iyon.
BINABASA MO ANG
Monstrous Killer (COMPLETED)
Roman d'amourI'm inlove with a criminal. This type of love isn't rational. [ Story of Claiden and Yanna ] All Rights Reserved ©2024 ***** Cover made by @Animoons DATE STARTED: February 24, 2024 DATE ENDED: March 2, 2024