CHAPTER 6

63 4 0
                                    

Abala si Yanna sa mga trabahong kailangan niyang tapusin.


Sa mga nakalipas na pagtatrabaho niya ay duon niya nakita ang tunay na pinasok niya.


Hindi lang sila basta-basta humahawak ng case dahil may mga oras na kinakailangan nilang magreport lalo na at baguhan palang siya bilang detective.


Kadalasan ay pinapasama rin siya sa ibang detective upang mag-obserba sa ginagawa ng mga ito.


"Detective Yanna..."


Napatigil siya sa pagtatype at napalingon kay Nick.


"Yes?" nagtatakang tanong niya rito.


"We have already spoken with the police and the person doing the autopsy regarding sa chip na nakasuksok sa daliri ng huling biktima" litanya nito.


Agad siyang naging interesado sa sasabihin nito kaya napatayo siya at humarap rito.


"Anong sabi nila?" kabadong tanong niya ngunit hindi niya pinahalata.


"Detective Von had already gone their to get the chip" ani nito.


"Hopefully makatulong sa atin ang chip na 'yon" ani niya.


Napatingin siya rito nang marinig niya na bahagya itong tumawa.


"Bakit?" nagtatakang tanong niya rito.


Ngumiti ito sa kanya. "We won't find anything like that without your talent, so don't worry. You've exceeded the directors' expectations of you."


Bigla siyang nailang dahil sa sinabi nito.


"It's nothing" ani niya sa mahinang boses.


"Saan mo natutunan ang bagay na 'yon? Nagulat talaga kami at may access ka sa mga bagay na gano'n. Although, may access din ang company natin sa ganoong bagay" nagtatakang turan nito.


"Ah! Well, my brother was also a detective like me" ani niya habang nakangiti ngunit may bahid ng lungkot.


"Really? Nasa dugo niyo na pala ang pagiging detective" ani nito. "Saang agency siya nag-apply? Knowing how you can access something like that, he might be from a great agency."


Hindi siya kaagad nakakibo at kitang-kita sa ngiti niya ang lungkot na alam niyang napansin nito.


"He belonged to the prestigious Lux Detective Agency as one of its detectives" sagot niya.


Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata nito. "Wow! Ang agency na 'yan ang kilala sa lahat ng detectives agency. No wonder. But you said it in a past tense."


Nakakunot ang noo nito at tila naghihintay ng isasagot niya.


Monstrous Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon