CHAPTER 11

70 4 0
                                    

Agad na napahinto si Yanna at napatingin sa isang maliit na eskinita nang marinig ang baritonong boses ni Claiden.


"Finally, nakita rin kita" may paghingal na turan niya.


"Bakit? Hihilahin mo na ba 'ko para isuko sa kanila?" ani nito sa malamig na boses.


Agad na nangunot ang noo niya at naglakad palapit rito.


"No. Of course n—"


Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang pagak nitong pagtawa at sa tingin nitong nakakapanindig ng balahibo.


"Pare-parehas lang naman kayo" ani nito.


Napakuyom siya dahil sa paraan ng tingin at pananalita nito.


Buong tapang na tinungo niya ang kinaroroonan nito at sinalubong ang tingin nito.


"Kung katulad nila ako edi sana hindi ka nakalaya ngayon at bumalik ka nanaman sa kulungan" buong tapang na turan niya.


Hindi ito nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya kaya muli siyang nagpatuloy.


"Alam kong hindi ikaw ang may gawa n'yon" ani niya.


Panandalian niyang nakita ang pagdaan ng isang emosyon sa mga mata nito ngunit mabilis lang iyon.


"And how will you prove it?" tila panghahamon nito sa kanya.


Sumilay ang ngisi sa labi niya. "Don't underestimate me, Claiden. Hindi ko kinuha ang kursong 'to para lang sa wala."


Hindi ito kumibo kaya napabuntong hininga siya at sinalubong ang tingin nito.


"Mas makakabuti kung aalis ka na sa lugar na 'to at baka may makakita pa sa 'yo" utos niya rito.


Nag-umpisa na siyang umalis habang pasimple siya nitong sinilip mula sa maliit na eskinitang iyon.


Walang naroon bukod sa kanilang dalawa kaya huminto siya at nilingon ito na nakatingin din sa kanya habang nakasandal sa pader at nakakrus ang mga braso.


"'Wag kang mag-alala..." panimula niya bago ngumiti rito, "patutunayan ko sa kanilang hindi ikaw ang may gawa n'yon."


Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito dahil agad na siyang nagpatuloy ulit sa paglalakad.


Hindi naman iyon kalayuan sa krimen at nang makarating siya roon ay kinukuha na ang katawan ng biktima.


"Sa'n ka nanggaling, Detective Yanna?" bungad sa kanya ni Carl.


"May kinausap lang ako" tanging paliwanag niya. "Ano ang info ng babaeng sinabi ko?" dagdag niya pa.


Monstrous Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon