ELEVEN

2.7K 29 3
                                    

Masaya ang ngiti ko nang makapasok ako sa aking kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Masaya ang ngiti ko nang makapasok ako sa aking kwarto. Buti nalang at wala na doon si Loli dahil magagawa ko ang gustuhin ko. Patalon-talon pa ako habang naglalakad papunta sa harapan ng tukador ko. Inilagay ko sa dati kong taguan ang sukli sa isang libong pera na galing kay Duke.

Mamaya din naman ay bubuksan ko na ang usapan tungkol nga sa pagpunta ko sa Maynila. Binigyan naman kasi ako ng ilang araw ni Duke kaya alam kong may mahaba pa akong oras para unti-untiin ang pagpapaalam ko.

Huwag lang sanang buksan ni Papa ang usapin tungkol sa pagtatrabaho ko sa may bayan. Nasubukan ko na kasi doon sa may pamilihan at ayoko ng amoy ng malalansang isda, maging ang mainit na lugar na yun.

Nakapag-ayos na ako ng mga bagong labang damit ko nang katukin ako ni Loli upang ipaalam na kakain na ng hapunan.

"Ate, kain na"

Pagkalabas ko ng kwarto ay naroon na rin si tatay at mukhang natapos na niya ang pagkukumpuni ng kaniyang jeep. Mukhang sira nanaman kasi ang kaniyang sasakyan. Parang linggo-linggo nalang.

"Ma" tawag ko kay mama na abala sa paglalagay ng mga baso sa aming lamesa.

"Ano nanaman yun, Maurice?" bakas ang kasungitan sa kaniyang mukha nang magsalita siya, ni hind niya manlang ako nagawang sulyapan.

Bumuga muna ako ng hininga at diretso nang nagsalita. "Pupunta ako ng Maynila para mag-aral" nakalimutan kong may ilang araw pa pala ako para magpaalam sa kanila.

Pare-pareho silang tatlo na halata talagang nagulat. "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko mag-aaral ako sa Maynila. Nag-apply ako nang nakaraang buwan sa isang scholarship doon matapos kong mag-enrol online sa isang paaralan doon. Libre ang magiging tirahan ko at may allowance din para sa panggastos ko" bilib talaga ako sa sarili ko dahil ang husay ko sa pagsisinungaling. Nagawa ko pa talagang hindi mautal.

Marahas na bumuga ng hininga si Mama samantalang si Loli naman ay siya nang nagpatuloy sa ginagawa ni mama. "Nasisiraan ka naba? Ang akala mo ba ay ganoon kadali ang manirahan sa Maynila?"

"Taman ang mama mo, Maurice. Hindi ka handa sa buhay doon. Galing doon ang dalawa mong tiyo at alam mong nahirapan silang magtrabaho doon. Masyadong malaki ang syudad para sayo" sumali na ang si papa sa usapan namin, mukhang hindi rin ito payag sa pag-alis ko.

Ano ba yan, ang akala ko pa naman ay madali lang ang pagpapaalam ko sa kanila. Buti nalang at hindi mismong si Duke ang nagpaalam sa kanila kundi ay baka inilipad na ako ni mama papuntang Cebu.

"Sabi ko naman sa inyo, hindi ba. Gusto kong magtungo talaga sa Maynila" pagpupumilit ko pa. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi sila pumapayag.

"Ang akala mo ba ay ganoon kadali ang magtungo doon?" Seryoso na ang mga mata ni mamang nakapukol sa akin. Mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon