TWENTY ONE

2.1K 18 0
                                    

Isang lingo na din ang nakalipas simula nang magsimula kaming mag-aral ni Lovy. Matapos din ang pag-aaway namin ni Duke nang nakaraan ay nagsimula na din siyang bumawi sa akin. Sa tuwing umuuwi siya ay may dala siyang regalo sa akin. Aalis siya sa condo ng may halik sa akin at uuwi siya bago ako makapagdinner.

He sleeps in my room everynight and I was always anticipating for the sex but we never did it again after our first. Tanging halik lang at yakapan ang ginagawa namin sa tuwing hihiga kami sa gabi.

Napapanguso nalang tuloy ako at lihim na umiirap sa hangin sa tuwing makikita ko siyang tulog na samantalang ako ay naghihintay pa at umaasa sa mainit na sandali.

Mukhang pagod siya sa trabaho. Nabanggit niya rin naman sa akin na may ginagawa silang bagong gusali para sa extension ng mall nila sa Cavite.

Alas tres ng sabado nang matapos kami ni Lovy para sa linggong yun. Linggo kasi bukas at hinahayaan ako ni Lovy na magkaroon ng break sa pag-aaral. Tinatanong niya naman ako kung may gusto ba akong puntahan. Laging wala ang nagiging sagot ko dahil kahit na maraming lugar sa Manila ang gusto kong puntahan, gusto kong kasama si Duke na magtungo sa mga yun.

"You're done for today?"

Umangat ang tingin ko mula sa juice na iniinom ko sa lalaking nagsalita. Duke was removing his necktie while walking towards me.

Napangiti ako at lumundag na sinalubong siya. Pumulupot ang aking mga binti sa kaniyang beywang at ang otomatiko naman ang pagsapo niya sa aking likuran at puwetan. I gave him a peck on his lips.

Nakalimutan kong naroon si Lovy at kahit na nagulat sa paglundag ko kay Duke, pinilit niyang maging pormal at nagpaalam sa amin.

"Tapos na kami. Perfect ako sa binigay niyang tatlong quizzes sa akin"

Tumango ito. Halatang proud siya sa balita ko. "That's good. You're not that hard to teach, Mau. You're a fast learner"

Umupo siya sa may couch doon habang karga-karga parin ako. "So what is my reward now?" Tumaas baba pa ang mga kilay ko.

Duke chuckled. Sininop niya ang ilang hibla ng buhok sa aking noo at inilagay niya ang mga yun sa likuran ng aking tainga. He was just looking at me as if he was studying my face, or memorizing it. Lumamlam ang kaniyang mga mata.

"Do you want to come with me in Batangas?"

Nabigla ako sa tanong niya. Of course! I want to go there with him. Kahit saan pa, basta kasama siya. I looked at him, asking if he really meant that. Seryoso ang ekspresyon ni Duke.

Tumango ako. "Sasama ako kahit saan, basta kasama ka"

May kung anong pag-aalala ang dumaan sa mga mata niya pero sumeryoso din yun. Umiwas siya ng tingin, tila nag-iisip. Baka iniisip niya kung tama ba ang naging desisyon niya na isama ako.

Bumalik si Lovy sa living room kaya naman hindi nagsalita si Duke. Inilagay niya ang dalawang baso ng fresh juice doon at isang plato ng mga hiniwang prutas.

"Thank you, Lovy"

Bahagya lamang siyang tumango sa akin. Nagmamadali siyang umalis doon pero alam kong kahit papaano ay nasasanay na siya sa mga kilos naming dalawa ni Duke.

"I'll prepare my rest house there. I can also ask Lovy for your clothes. It is front of the beach so you can swim there"

"Talaga?" Alam kong halata ang pagbaha ng excitement sa mga mata ko. Mukhang mas ikinatuwa yun ni Duke.

Tumango siya. "We'll stay there for three days. May aasikasuhin lang akong lupa"

Tumango din ako. "Gusto ko, Duke. Gustong-gusto ko! Gusto kong magbeach! Namiss ko ang lumangoy sa dagat at gusto ko kasama kang lumangoy. Hindi ba't may mga beach resorts doon na katulad ng Boracay?"

"Yes. But Boracay is still different. We can go there if you want. I'll bring you there"

Parang gusto kong sumayaw sa sobrang saya. Tumango ako. Parang batang pinabigyan sa pangarap na birthday party. "Talaga?" Hinalikan ko siya sa kaniyang labi na ikinangiti niya. "You're the best, Duke! Promise 'yan, ha?"

I put my pinky finger in front of him. Tumatawa naman niyang tinanggap yun. Hinaplos pa ng kaniyang isang kamay ang aking likuran. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin na tuwang-tuwa.

"Lovy! Makakapunta na ako ng Boracay!" Ani ko sa bumalik na si Lovy. Nakahanda na ang mga gamit niya sa kaniyang bag at mukhang uuwi na yata.

Ngumiti siya sa akin ng bahagya. "That's good to know, Mau. You deserve it" halata ang sincerity sa kaniyang tono.

Kahit na tahimik lang naman si Lovy ay alam kong malapit na din ako sa kaniya. Ramdam ko yun sa bawat pag-aasikaso niya sa akin. Wala siyang sinasabi sa relasyon namin ngayon ni Duke at mukhang wala talaga siyang balak na sabihin sa bagay na yun.

"Nagpromise ka na, Duke, ha?" Muling baling ko sa lalaki.

He smiled at me but shook his head for yes. "You can bring anyone you like when we go to Boracay, except boys"

Nagpaalam na nga si Lovy sa amin. Naiwan naman kami ni Duke. Natapos na din akong kumain at nagligpit na nga ng mga gamit ko doon. Inayos ko lang naman ang mga yun dahil iniiwan ko lang naman talaga ang mga yun sa living room.

Niyaya na ako ni Duke na pumasok sa kwarto niya. Ang sabi niya sa akin ay doon nalang kami tumambay at manonood raw kami ng Stranger Things.

Ikinukumpas ko ang kamay naming magkahugpong habang patungo na nga kami doon. Nagbihis lamang siya ng pang-araw-araw habang ako naman ay sinet-up na ang TV niya doon.

Nang makapagpalit siya ay tinulungan niya ako sa pagseset-up ng kaniyang TV. Pagkatapos ay ang kaniyang sofa naman ang inayos niya. Pwede pala yung iadjust para gawing kama. It's a sofabed. Nagdagdag din siya ng mga unan doon kahit pa nga siya lang din naman ang gagawin kong unan.

"Duke"

Tumingala ako sa kaniya. Nakasandal na ako sa kaniya habang siya naman ay marahang isinusuklay ang mga daliri sa aking buhok.

Bumaba ang tingin niya sa akin. Nagsimula na kasi ang palabas at kahit ilang beses niya na ngang napanood yun ay sinasamahan niya parin ako. "Hmm?"

"You'll sleep here again later,right? Kahit na maaga kang umuwi ngayon?"

Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Ibinalik na niya ang kaniyang mga mata sa screen ng TV kaya ganoon na din ang ginawa ko. Ang akala ko ay hindi na siya magsasalita.

"I have to go to my house, Mau. It's better that way. It's Saturday so she expects me to come there"

Hindi sana ako magsasalita pero hindi ko napigilan ang sarili ko. "Then, can we do it again?"

Naramdaman ko ang pagbaba ng tingin niya sa akin pero nanatili lang ang tingin ko sa screen ng TV. Takot sa pwede niyang maging reaksiyon.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon