Duke stayed in our house and I let him. I'm still afraid of what will the world will say. But I just couldn't let this man be hurt again without giving him a chance.
We stayed in our house and he showed Lili the toys he brought. Mayroon ding mamahaling gatas at diaper doon para sa 2 years old. Napanganga pa nga ako kanina nang makita yon. Nasermunan ko pa siya pero wala na din akong nagawa nang sabihin niyang nasa sa akin kung itatapon ko ang mga yon. Talagang kinonsensya pako! Ang mahal kaya ng gatas para itapon lang!
"She likes banana. Malapit lang sa amin 'yong palengke kaya nasanay siya sa tinunaw na prutas o gulay gaya ng kalabasa" I was telling him stories about Lili. Pati yong unang pagsasalita niya at paglakad. "Ayaw niya lang ng masyadong matamis, niluluwa niya. She likes fruits more than sweets"
"That's why she looks healthy" hinawakan niya ang kamay ni Lili na agad namang kinuha ng bata. She wrapped her little fingers to his index finger.
Natahimik ako. Lili has a heart problem. She still needs her check ups every month. Kaunting lagnat lang ay dinadala ko na siya sa hospital dahil takot akong magkakomplikasyon sa kaniyang puso.
"Is she?" Mukhang nabasa ni Duke ang pagkatahimik ko.
"She has a heart problem. Pero may regular check ups naman para sa kaniya, hindi ako nakakalimot doon"
"I know someone who's—"
"May assigned doctor siya, Duke. Kaya ko"
Bumuntong hininga siya. "Don't hesitate to call me when you need help with Lili"
I was the one who sighed now. Pareho naming nilaro ang mga daliri ni Lili na tila nag-enjoy naman. Tumango nalang ako. Alam kong gusto niya pang pag-usapan ang tungkol doon pero mukhang nabasa niya na ayaw kong pag-usapan yon. When it comes to Lili, I can do anything for her. Bumibigat lang talaga ang dibdib ko sa tuwing naaalala siya sa ganoong sitwasyon.
"I have to go back later at the office. I just need to attend a meeting but I can come back later. You have classes later at evening, right? Ihahatid na kita sa school mo"
Hinayaan ko nalang siya. Wala din naman akong magagawa sa kakulitan niya. Kapag sinabi ko namang hindi ay pupunta parin siya o kaya naman ay sa eskwelahan ko siya tutungo kung takasan ko man siya.
"Ikaw ang bahala"
Pagkatapos namin sa playpen ay nagluto ako ng breakfast para sa amin. He stayed there with Lili. Abala siya sa pakikipag-usap sa makulit kong anak na panay naman ang tawa at pakikipagdaldalan. She seems to love it when Duke talks.
My parents got home when we were eating breakfast. Nakaupo si Duke sa aking tabi at nasa kandungan ko naman si Lili.
Nadatnan pa ng mga magulang ko ang mismong pagsandok ni Duke ng sinangag na kanin para sa akin. Abala kasi ang mga kamay ko sa pag-aayos kay Lili sa kandungan ko. Gustuhin ko man siyang pakainin mag-isa ngayon ay paniguradong magkakalat lang siya.
Ngumiti pa sa akin si mama ng nakakaloko dahil sa nadatnan. Duke offered them food but they told us that they already eat breakfast before they went to buy groceries.
My parents already know about the thing between me and Duke. I also explained to them what really happened to me when I decided to go to Manila. Totoo ang pag-aaral ko at lahat maliban doon ay kasinungalingan na.
Si mama, botong-boto kay Duke. Si tatay naman ay wala yatang balak magsalita ukol doon. Hindi siya nagbibigay ng kahit anong komento. Nang matapos lang kami ni mama na mag-usap ay nilapitan niya ako. Doon niya sinabing nagtitiwala siya sa akin at gusto niya lang ang kasiyahan ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESS
RomanceMaurice has been dreaming a luxurious life since she was eleven. She's ambitious and selfish. She's obnoxious and greedy sometimes. She's competitive, the only good personality she has. She will do anything just to get her status up. The first time...