Unti-unting nagmulat ang mga mata ko at kahit na ramdam parin ang antok ay kusang sumilay ang ngiti sa aking labi nang mabungaran ko ang mukha ni Duke. Ito ang gusto kong simula lagi ng araw ko.
Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko nang maalala ang mainit na kaganapan na nangyari sa aming dalawa ni Duke kagabi.
Hindi nga natuloy ang sinasabi niyang paglilinis ko sa banyo, tila sabik na sabik siya sa akin dahil nang bumalik pa kami sa kama ko ay muli nanaman niya akong inangkin.
Gusto ko sanang ipaalala sa kaniya na birhen ako nang nakuha niya at baka gusto niyang pagpahingain ang kipay ko pero hindi ko nalang sinabi, mukhang tuwang-tuwa ako sa kaalamang sabik na sabik siya sa akin.
Umangat ang aking kamay upang marahang hagurin ng aking mga daliri ang mga hibla ng buhok ni Duke sa kaniyang noo. Ang gwapo gwapo niya talaga.
Bababa sana ang aking mga daliri upang pisngi naman sana niya ang haplusin ngunit natigil yun sa biglaan niyang paghawak sa aking kamay. Napatingin ako doon kaya naman nang ibalik ko ang mga mata ko sa kaniya ay nakita ko ng bukas ang kaniyang mga mata, gising na siya.
Ngumiti siya sa akin at humaplos yun sa aking dibdib, ang saya. Mukhang kahit na mag-aral kami ng mathematics ni Lovi ay ngingiti parin ako.
Itinapat niya sa kaniyang labi ang likuran ng palad ko at humalik siya doon. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko dahil ang romantiko niyang tingnan nang mga sandaling yun.
"Goodmorning" medyo may paos pa ang kaniyang tinig pero maskulado parin pakinggan. Kahit na hindi ako mag-almusal ay busog ako hanggang mamayang gabi sa boses palang niya.
"Goodmorning" bati ko pabalik, hindi napigilan ang mapangiti nang ngumiti din siya sa akin.
Sumiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg pagkatapos nun. Ang kaniyang kamay ay pumulupot sa aking tiyan at mas hinila niya ako sa kaniya. Ang bango ng buhok niya na dumit sa aking ilong nang tangkain ko siyang tingnan.
"Let's stay like this for a while"
"Wala kang trabaho?"
Mahina siyang umiling bilang sagot niya.
Tumango nalang ako at hinayaan siyang magsumiksik pa sa aking leeg. Tatlong beses pa siyang humalik doon.
"Paano si Lovi? Baka nasa labas na yun. Ang sabi niya sa akin ay ngayon niya ako tuturuan. Para handa raw ako sa pagpasok ko"
"Let Lovi. She can wait"
Napanguso ako dahil sa naging sagot niya.
"Sigurado ka bang wala kang trabaho ngayon?" Gusto ko rin sanang idagdag na magtanong kung uuwi ba siya sa asawa niya. Pinigilan ko lang ang aking sarili dahil ayokong banggitin ang bagay na yun. Ipinaalala ko na sa aking sarili na huwag yun ipaalala sa tuwing magkasama kami.
"I'm the boss. I have my own time"
"Ang yabang, ha. Paano kung araw araw kitang gustong makasama? Hindi ka parin papasok?"
"That depends" mahina siyang tumawa kaya naman halos makiliti ako nang tumama ang hininga niya sa aking leeg.
Humagod ang mga daliri ko sa malambot niyang buhok.
"Depende kung magsesex tayo?"
Umungol siya, parang hindi nagustuhan ang sinabi ko pero wala din naman siyang sinabi.
Ilang segundo ko siyang hinayaan at pumikit pero napamulat din naman ako nang maramdaman ko ang magagaan niyang mga halik sa aking leeg.
Gagawin ba namin ulit yun? Pero parang ang sakit parin ng ibaba ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESS
RomanceMaurice has been dreaming a luxurious life since she was eleven. She's ambitious and selfish. She's obnoxious and greedy sometimes. She's competitive, the only good personality she has. She will do anything just to get her status up. The first time...