Chapter 23 - Kara

103 6 0
                                    

***

Hindi siya naka attend ng first class dahil kay Ragen, dinala sila nito sa Music room kasunod sina Yohann at Covil maging si Hashim.

"P-prinsipe Ragen mali ho, ang---"

"At ano ang gusto mong isipin ko huh? You---"

"Rad, clam down. Tinulungan lang naman ako ni Lion walang masama roon. "

"Wala? pero hinawakan ka niya? "

"Tch. OA, mo bro kaysa naman pabayaan niya si Kara na umakyat mag-isa habang may injure siya. " Sabi ni Yohann bago na upo isa sa mga silyang naroon.

Dumako ang tingin niya sa katabi ni Covil, ng lumingon ito mabilis siyang nag iwas ng tingin at tinuon ang tingin kay Ragen.

"Wag kanang magalit okay, "

"Tch. Mas mabuti pa siguro ako na lang ang mag hahatid sayo sa Silid aralan mo kaysa ipag katiwala kita sa mga ito. " Sabay lingon nito kina Lion at Hashim.

"Ako na lang. " Yohann said. But Ragen glare Yohann saka ito lumapit sa kanya.

"Ako na, kausapin mo na lang si Mr. Liaxon. " Malamig na sabi nito sa pinsan tumango naman si Yohann iniiwasan niyang hindi mag tagpo ang mga mata nila ng binata.

Lalunat kabilin bilinan sa kanya ng kanyang Ama, na iwasan na ito mag mula ngayon' Mahirap man pero kailangan niyang gawin.

Ramdam niya ang tinging ipinupukol ng binata sa kanya, nang pangkuin siya ni Ragen hindi sinasadyang nakita niya ang pag kuyom ng mga kamao nito pero hindi na niya iyon inintindi pa  lumabas sila ni Ragen kasunod sina Covil at Lion, habang na iwan naman ang dalawa sa loob ng Music Room hindi niya alam kung bakit kailangan kausapin ni Yohann si Hashim ng sila lamang dalawa.

Bakit kaya?

_________________________________________________

"Ahh!!! She pay for this i swear! "

"Will you please shut up Mae? Na kakarindi yang sigaw mo. Alam mo bayon? "

Marahas na pumaling si Mae sa pinsang nitong si Queenie galit ang mga mata nitong marahas nitong kinuwelyuhan ang pinsan, nag tatagis ang mga baggang.

"Don't you ever talk to me like that! Kung ayaw mong mawalan ng dila! Bakit ang akala ba ng Kara na yan tapos na ako sa kanya? Puwes nag kakamali siya, I don't care kung isa man siyang anak ng Demonic. "

Umirap si Queenie tila hindi nagustuhan ang sinabi ng pinsan.

"At tingin mo, makakaganti ka ng ganon ganon lang? You're wrong dear. Baka na kakalimutan mo binuhay ka pa ng ama niya ma suwerte ka, hindi katulad ng mga kaibigan mong pinatay niya. "

"Gaganti ako! "

"At paano mo naman gagawin yon? Mahirap kalaban ang mga Demonic, Mae kaya itigil mo na ang kalokohan na nasa isip mo. "

"Hindi. Hanggat hindi ako na kakaganti kay Kara. Hihingi ako ng tulong kay Ama. "  Umiling na lamang ang pinsan nitong si Queenie hindi sang ayon sa nais ng pinsan.

"Binalaan na kita. "

Sabi nito subalit hindi iyon pinansin ni Mae, bagkos mas pina-iral nito ang galit para kay Kara, at kung papaano ito makakaganti.

©Rayven_26

ALPHA MATE : 𝐇𝐀𝐒𝐇𝐈𝐌  ( Demonic Series 11 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon