- Vision ● Dreamcatcher
now playing...─────
Void's POV
─────"Hm.." tiningnan ko ng maayos ang papel. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ito magiging clue o anong ibigsabihin nitong papel na ito.
Tinawagan ako ni Tyco earlier na nakalimutan daw nilang pumunta sa hospital para tingnan ang nurse na nagmamasid kay Neon with bloodshot eyes. What a bunch of creeps..
Ano bang kasalanan namin at bakit kami nakaabot sa gantong sitwasyon..
"Bwisit" napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis. Ang rami ko pang gagawin. Nagpatulong na nga ako kay Kisha eh. Wala akong magawa ngayon at dahil nabored ako kumuha lang ako ng ballpen na hindi na nagana pero may UV light. Ginagawa kong laser yung UV light.
Nabitawan ako ang ballpen at nalaglag sa blankong papel na nasa table ko. Nagpakita ito ng dots at hypen.
"Wait what?!" bulong ko sa sarili ko dahil sa gulat. Tinutok ko ang ilaw sa paper na blank at nagreveal ito ng morse code...
"Anak ng tokwa" sabi ko, rinig ang frustration sa boses ko. Bakit ang hirap naman ng mga clues na ito?!
First of all wala akong kaalam-alam sa morse code... unless..
─────
Kisha's POV
─────"Aalis na kami nagchat na sakin si Eli na nasa may gate na daw siya ng park" ani ni Stacy na tumingin one last time sa salamin at lumabas na kaming lahat ng room ko
Inihatid ko sila sa pintuan. Nakita kong andito parin si tita este ate nanunuod sa may living room. Buti talaga siya kasama ko dito. If it was my dad, he would be judging how wealthy my friends are based on appearance. Pathetic. He really looks like money. Thats what he did to Neon and Zayn when he knew I was friends with the two back then. Ganon rin kay Void at Scarlet pero he only judged Neon. Balewala sakanya si Scarlet at Void kasi bihira niya makita.
"Are you sure ayaw mong sumama sa amin?" tanong sakin ni Cassidy. Nasa likod ko ang tatlo kasi ipagbubukas ko sila ng pintuan
"No I'll stay here– oh.." kaso I wasn't expecting more visitors
"Bukas gate niyo hehe. Pwede naman siguro kami pumasok diba?" tanong ni Scarlet na nasa doorstep na nasa likod naman niya ay si Void na nakangiti at si Neon na blanko lang. I see.
"Looks like may visitors ka pala?" sabi ni Cassidy na sumilip pa at nakita ang tatlong ito na nasa doorstep ngayon. Lumabas na si Cassidy, Stacy at Orio para makipagkwentuhan muna kena Cal, Void at Neon bago umalis.
"Oh Cassidy!" pagbati ni Scarlet
"Hi Cal!" pagbati naman pabalik ni Cass sakanya
Napatingin ako kay Neon who glanced at me sabay tiningnan ko naman si Orio
"Don't look at me. Hindi ko sila tinext lalong-lalo na siya" sabi ni Orio na tinuro si Neon kaya nagtatakang tiningnan siya ni Neon.
"Why don't you join us?" tanong ni Void pero umiling lang sila
"Bye alis na rin kami actually! Nakitamabay lang us dito for an hour. Late na me sa date ko I mean friendly date" paliwanag ni Stacy at naunang lumabas ng gate namin. Sumunod naman sila Cassidy at Orio who bid farewell.

BINABASA MO ANG
LULLABY
Mystery / Thriller"Naririnig niyo yun?" "Ang alin?" "The killer's creepy lullaby" In a world full of mysteries. Individual people hides different secrets. Pano kung isa mga taong yun ay isang kaibigang pinagkakatiwalaan mo pero paano kung napagbintangan lang? START:...