O19 : Continue The Task

119 14 4
                                    

- Crazy ● April now playing...

tw// mention of rape

─────
Neon's POV
─────

Its already 5:30am. Hindi ako makatulog ng maayos.

Chineck ako agad ng doktor kung anong kalagayan ko at sabi naman daw madali naman akong makakarecover kung magpapahinga muna ako dito.

"Pre cr lang ako ha? Sandale lang babalik ako" Sabi ni Elixir na nagmamadali lumabas ng room pero may hinahanap pa sa bag niya na nakalagay sa sofa.

"No beh. Don't say that. You're more than just a cr, beh. You are loved. You are valuable You matter. Everytime na maiisip mo na-" pangaasar ko pero natigilan dahil nagsalita muli ito habang masama ang tingin sakin.

"Tantanan moko Neon. Nagmamadali na nga yung tao eh" ani nito at tinuloy ang paghahanap ng gamit sa loob ng bag niya

"Eh bakit kasi kailangan pa magpaalam, hawak ko ba yung kubeta?" pangbabara ko kaya tiningnan niya ako ng masama

"tsk" sabi nito at nagmadaling umalis. Nice naman, panalo ako ngayon ah.

May narinig akong nag uusap sa labas ng hospital room ko. Rinig ko si Elixir na may kausap pero tumahimik bigla at pumasok ang isang dalagang pamilyar sakin.

"Gising ka na pala?" tanong ni Kisha na gulat pero halatang galit ito dahil sa malamig na tono ng boses neto.

"Hindi. Tulog pa. Nanaginip ka lang. Kulang ka lang sa tulog. Matulog ka na ulet" pilosopo kong sabi kaya sumimangot ito at naglakad papunta sa sofa at umupo habang nagdadabog na binaba ang paper bag na dinala niya.

"Aga aga. Pasalamat ka babantayan kitang tanginaka. Nagaalala kaming lahat sakanya tas siya ganyan lang HAHA gago" padabog rin na nilabas ang mga tupperware, damit at iba pang gamit. So siya pala kasunod na magbabantay sakin? asahan niyong may bardagulang magaganap. Its showtime beybeh, joke.

"Ako ba yung minumura mo dyan?" seryoso kong tanong at tumingin ito sakin ng malamig.

"Malamang. Sino pa ba? May nakikita ka pa bang tao dito? Diba wala? Ayan" sabi nito at nilapag ang ibang gamit.

"Bat ba galit na galit ka sakin?" tanong ko kaya tumingin ito sakin ng malamig

"Tanungin mo sarili mo. Bakit ka nga ba na-aksidente? Oh right, oo nga pala. Kasi tatanga-tanga hindi ka manlang nakinig samin" sermon ni Kisha medyo nakulo dugo ko dahil nasabihan pang tanga.

"Kasalanan ko na. Oo na sige na. Dati mo pa naman sinasabi na kasalanan ko lahat. Tulad ng mga sinasabi mo na ako una nakipag break" sabi ko na may halong asar sa tono ng boses at tiningnan niya ako ng masama

"Ikaw naman talaga ah"

"Ikaw kaya"

"Ikaw nga kasi"

"You know what lets stop this" sabi ko kaya napailing nalang ako. We often bicker like this before HAHA

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon