Chapter 31 : Hidden Tears

109 8 3
                                    

Film OutBTS
now playing...

─────
Elixir's POV
─────

"Saan ka punta? Di ka kakain?" tanong sakin ni Tyco kaya umiling nalang ako at nilagay ang mga kamay ko sa bulsa

"Sa rooftop may i-checheck lang ako" tumango nalang si Tyco at pumunta nalang sa cafeteria habang ako ay nagsimula na maglakad papunta sa rooftop

Pupunta sana ako sa rooftop para magpahangin. Atsaka baka narin makakita rin ako ng clues dun since dun naganap ang murder. Nakakita ako ng vending machine kaya bumili muna ako bago umakyat sa rooftop. I feel like someone is watching me kaya tumalikod ako pero wala naman akong nakita. Mga estudyante lang na naglalakad papunta sa cafeteria or kung saan. May bumati pa nga sakin na mga babae. Ang rami kong fans

Kinuha ko yung inumin na binili ko sa vending machine at nagsimula na humakbang sa hagdan.

Nakaabot ako sa rooftop ng school at ang bungad sakin ay hangin na medyo malakas. Tangina may nakita akong vending machine dito sa may pintuan ng rooftop. Edi dapat dito nalang ako bumili.

Naglakad lakad ako at may unting estudyanteng nakatambay dito. May nakita akong pamilyar na babae nakaupo sa bench. Pinuntahan ko ito at umupo sa tabi nito. Medyo tahimik. Hindi siya tumingin sakin pero alam kunh napansin niya ako

"Huy ano ginagawa mo dito?" tanong ko but she just shrugged

"Ahh just getting fresh air medyo namimiss ko lang si Gwen" ani ni Stacy at yumuko nalang. Napansin kong may dala siyang english notebook

"You're studying english dito?" tanong ko kaya umiling ito

"No no, hindi ito sakin. Kay Gwen rin toh HAHA" sabi nito at natawa nalang. Tumahimik muli, nakatingin lang kami sa scenery. Mga building, clear blue sky. Medyo mainit dito ah hindi ba toh naiinitan?

"Napapangiti ko kaya ang ibang tao katulad ng pagngiti sakin ni Gwen pag nagc-conyo ako?" biglang pagsasalita ni Stacy kaya nagtaka nalang ako. I can hear her voice, a bit shaking. Pinipigilan niya ba umiyak?

"Huh?"

─🧩────

"Yes. Kaso hindi parin ako ganon kagaling sa english"

"Eh? Try mo nga"

"The bird is lumilipad in the langit"

"Gaga.. niloloko mo nanaman ata ako nagcoconyo ka nanaman"

"Seryoso nga si me"

─🧩────

"Nagc-conyo lang ako kasi I wanted to keep making people smile.. Ayokong mangyari din sa iba kung anong nangyari kay Gwen" pagpatuloy nito tiningnan ko ito at patuloy na nakinig at nagtanong

"Nangyari?" sabi ko, hindi ito makatingin ng maayos sakin.

"Sinisisi ko sarili ko dahil wala akong nagawa nung namatay siya. Nagkaproblema siya pero instead na patuloy ko siyang pasayahin I think I made things worse" I was shocked nung tumulo na yung luha na pinipigilan niya pero hindi pinunasan niya agad ng kamay niya

"No don't blame yourself" sabi ko kaya tumango nalang ito

"Gwen was my only friend and the fact na siya nalang meron ako nung mga oras na yun. I get bullied most of the tine back then and she's the only one who kepts helping me get up and fight back"

"Lagi ko rin dala yung english notebook niya. Kasi siya mismo nagturo sakin ng english nung elementary at dun rin nagsimula yung conyo ko" sabi nito at tumawa ng mahina kahit kanina pa natulo ang luha niya. This is actually the first time na makita kong umiyak si Stacy.

Hindi pala first time. Last time na nag iyak siya ay nung pagkamatay ni Gwen. Tapos simula nun hindi ko na ulet siya nakitang umiyak. Instead she just make people laugh.

"I think marami ka namang napapasaya na tao. Atsaka you have friends! Nadadagdagan pa nga dahil marami kang pinasasayang mga tao and you have us! Andito kami. Don't blame yourself, hindi ikaw yung may kasalanan ng pagkamatay ni Gwen hm?" I comforted her and she just nodded at pinunasan ulet yung luha niya ng kamay. Pinahiram ko muna yung panyo ko sakanys at binigay narin yung inumin na binili ko. Di ko pa naman nabuksan yung inumin. Nakalimutan ko na nga na dala ko yun.

Tinanggap ni Stacy yung inumin pero hindi yung panyo pero pinilit ko parin siya. Tinanggap na nito at pinunasa ang luha niya.

"You're being nice to me. Back then you ignored me after kong magconfess. Why?" sabi ni Stacy kaya napakamot nalang ako sa ulo at tumingin sa ibang direksyon

"Ahhh about that-" mage-explain palang ako ng may makita akong lalaki na nakahood at pinapanuod kami. Tangina kaya pala kanina pa ako kinikilabutan.

Tumayo ako at nagsimulang habulin yung lalaki. Hindi ko nakita ng maayos ang mukha nito dahil nakamask ito ng white.

"ELIXIR SAAN KA PUPUNTA HOY!" sigaw ni Stacy na nagulat dahil sa biglang pagtakbo ko. Hinabol ko ang lalaki pero sa bilis nitong tumakbo hindi ko maabutan.

Humanda ka saking hayop na stalker ka.

Nagulat ang mga estudyante sa hallway at tumabi ang lahat. Nasakit na ang paa ko. Patuloy siyang tumakbo at palabas na kami pareho ng school. Nakita kami ni Orio at sinubukan rin habulin. Pero nakatakbo na ito at umakyat sa gate ng school para makalabas. Aakyat palang ako pero sinipulan ako ng guard na nanunuod sa malayo. Dahil sa galit kinalog ko ang gate. Rinig ang malakas na pagtunog ng kando.

"Tangina" Napahawak nalang ako sa buhok dahil sa irita. Pinakalma ako ni Orio kaya kumalma ako at nag isip ng maaring paraan para makaabot sa lalaking yun

"Sino yun?" tanong sakin ni Orio kasi napansin niyang galit ako dahil hindi ko naabutan yung lintik na yun. Our only chance to fin a clue just slipped away. After hearing Stacy's story I think I'm determined to find that piece of shit who killed Gwen. I don't want her to blame herself anymore, ewan ko basta nasasaktan rin ako.

"Kanina pa yun nagmamasid sa amin. Pinapanuod niya ako simula ng nabili ako sa vending machine. Pota mukha ba akong T.V sakanya. Kung naabutan ko edi may clue na ulet tayo" paliwanag ko kaya nag isip si Orio ng paraan para maabutan namin ang stalker na yun

"Try kaya natin sa likod ng school dumaan baka sakaling maabutan pa natin" sabi nito kaya tumango ako. Tama si Orio pwede nga dumaan sa likod ng school atsaka sa tulong ni Neon pwede na kami makadaan dun

"Sige" simpleng sabi ko at nagsimula na kaming tumakbo papunta sa likod.

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
 / ˶.  . ˶
/ づ💌 : UPDATE ULIT! Sorry for the grammatical errors and wrong spellings. Cheer up Stacy hehe<3

🖋 : [03. 13. 20]

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon