Chapter 51 : Forgiveness

76 4 5
                                    

- I won't Leave You Maberry, Hypx
now playing...

─────
Tyco's POV
─────

"Alam ko na kung saan pumunta si Elixir" sabi ni Stacy after niya kami maconvince na ipagpatuloy ang pagiimbestiga tungkol sa nangyari kay Gwen


At ngayon andito kami sa doorstep ng apartment ni Elixir. Kanina pa kami kumakatok at nagriring ng doorbell ngunut wala kaming narinig na kahit anong tunog na pagbukas ng pinto o kaya ang boses ni Elixir.

"Stacy baka naman wala dito si Elixir maghanap pa tayo sa ibang lugar" sabi ko. Napabuntong hininga nalang siya

"Let's try one last time" ani ni Stacy at pinatunog ang doorbell muli. Bigla akong nagulat ng tumunog ang pintuan at bungad sa amin ang Elixir na pugto ang mata.

"Oh.. why are you-" naputol ang sinasabi niya dahil niyakap ko siyang bigla. Hindi ko natiis. I feel guilty. Si Elixir yung matagal na naghirap dahil alam niyang mabigat ang sekretong tinago niya at sa tagal niyang tinago ito pero ako pa yung may ganang magalit.

Ang gusto ko lang naman ay dapat sinabi niya sakin para hindi siya nag iisang naghihirap.

Tumahimik ang paligid. Nakayakap lang ako kay Elixir habang nakatayo lang siya at hindi ako yinakap pabalik.

"I'm... sorry. Sorry for being an asshole" sabi ko at narinig kong tumawa siya ng mahina

"So you finally admitted na ikaw yung asshole at hindi ako?" may gana pa magloko

"Pero seriously, sorry talaga I got mad at you when you we're the one who's suffering dahil sa sekretong tinatago mo" sabi ko at narinig siya sumisinghot nanaman at ramdam kong niyakap ako pabalik

"You made a promise to Gwen as her lover now please promise me as my best friend na pag nahihirapan ka na magsabi kalang sakin hindi yung tinatago mo lang yang sakit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng pang aasar at pagtawa" sabi ko sakanya and he broke the hug while wiping his tears away and smiling

"I promise as your best friend" ani ni Elixir while Stacy tapped my shoulder to bid goodbye

"Weh? baka naman kay Gwen lang ang sinusunod mong promise hindi yung sakin porket di moko naging jowa" sabi ko tapos ngumisi si Elixir. Mas okay na yung gantong Elixir. Masakit makita tong boang na ito na naiyak.

"Bakit? Gusto mo ba ako maging jowa?" tanong niya. Pwede rin naman charot ayoko agawan si Stacy isa pa yun. Kala mo naman hindi halata mga galawan nila sa isa't isa eh halos lahat ata kami nakakahalata sakanila

"Kadiri gago ka atsaka taken ka na" sabi ko kaya ikinagulat niya

"ANO?!" pasigaw niyang tanong kaya tinakpan ko tenga ko at nagsignal na huwag maingay dahil maraming tulog na. Kaawa ata kapit bahay ni Elixir sa lakas ng boses neto na kala mo nakalumod ng speaker

"Wala" simpleng sabi ko at sumimangot lang ito

"Arte mo. Umuwi ka na nga sainyo" pinapauwi niya na ako agad

"Hindi hanggat di ka sasama pag uwi sa amin" sabi ko dahil yes I still feel guilty for what I did. Ang sakit lang na lumayas na pala siya ng bahay ng hindi namin namamalayan. Pero I'm sure ate Aerilyn saw it pero hindi nalang siya nagsalita.

Paano magsasalita eh tulog na, hindi manlang ako informed kung sang lugar ba napadpad tong lalaking ito.

"Inaampon mo na ba ako? Joke dito muna ako bukas nalang ako babalik sa bahay niyo. I think I feel safe narin ulit. Also, galit ba sila sakin?" pagtatanong niya pero umiling lang ako kasi di naman talaga kami galit. Nabigla and some are disappointed about Gwen's actions

"Hindi, they understand. Ayaw nga rin sana nila ituloy pag i-imbistiga tungkol kay Gwen kasi she cheated on you" sabi ko at tumango siya habang nakasimangot parin. I'm trying to joke around para mabawasan naman kahit papaano ang awkwardness at tension namin. Gusto ko lang bumalik lahat sa dati

"That reminded me of the dream I had and I forgive her... kahit masakit, I know she has her reasons" Paliwanag ni Elixir at tumingin sakin

"What dream?" tanong ko habang tinaas ang isang kilay pero umiling siya

"Sasabihin ko nalang sainyo tomorrow. I feel tired" sabi niya at kinuskos yung mata

"Sige go to sleep. Aalis na muna ako" sabi ko as I bid goodbye. I think Elixir needs rest and I feel relaxed na alam na namin kung asan si Elixir at wala namang ginawang kalokohan sa sarili niya. I waved at him.

"Bye thank you for finding me" ani ni Elixir at sinara ang pintuan niya paunti-unti habang kanina pa kami rito nagkakawayan. Hanggang sa sarado na ang pinto niya and I'm still left here standing at his doorstep as I feel myself smiling

"Have a great night, Elixir.." ang huling nasabi ko before going home

─𔘓⁩────

Something feels off. Umagang umaga iba talaga pakiramdam ko.

"Tyco?"

"Ha?"

"I feel like we should recheck the CCTV footages. I think something's off here. Sabi lang nila nagblack out daw yung sa CCTV maybe may bumara lang like the killer must have blocked the footage" sabi ni Orio sakin kaya tumango naman ako. Isa pa yun.

"Yeah we should, I'll ask Void about it" sabi ko kaya tumango naman si Orio. Andito ako sa cafe nila ngayon. Dito ako nag almusal ewan ko rin kailangan ko ng kausap kasi maraming gumugulo sa isip ko. Si ate Aerilyn nga gusto pa ng pasalubong. Mukha ba akong may pera ng lagay na ito eh nilibre nga ako ni Orio kasi nalimutan ko wallet ko.

Sinadya ko iwanan wallet ko. Masarap ang pagkain pag libre hehe

Sunday ngayon kaya pahinga sana. Napagusapan namin na akitin si Elixir mag gala para matanggal naman ang bad vibes pero may gumugulo parin sa isip ko. Kaya ng andito ako sa cafe

"Pero nagpromise ako na relax nalang muna tayo ngayon" sabi ko kaya napatingin sakin si Orio

"Tyco pwede naman natin sabihin kay Void na tingnan ngayong araw na ito. Sasamahan ko nalang siya. Whats the worst that can happen?" sabi ni Orio kaya nag agree nalang ako

"Fine" simpleng sabi kaya kinontact ko na si Void

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : Again wala na akong sasabihin kundi sorry ulit. Mabilis na nilang pinatawad ang isa't isa dahil kailangan na nilang tapusin at malaman ang killer. I'm just writing what ever comes to my mind so don't judge me please ://

🖋 : [02. 10. 23]

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon