OO6 : 1st Missing Puzzle

131 15 19
                                    

- Wind Flower ● Mamamoo
now playing...

「🧩 MISSING PUZZLE NO.1」
found - open flashback one

─────
Scarlet's POV
─────

Hays.. tapos narin mag linis ng bahay.
I streched my arms sabay binagsak sa sahig ang mop at walis tsaka umupo sa sofa. Yung messy bun ko nagulo na.
Kanina pa ako naglilinis ng bahay. Ako kasi inutusan kaya syempre susundin ko. Baka ako'y masermonan nanaman pag hindi ko sinunod.

Biglang lumabas si kuya Neon ng kwarto niya. Nakasuot ng parang pang rider na damit. White t-shirt at short black jacket, jeans and brown colored shoes. Awit may date ata sila ni ate Kisha.

Sabay may dala siyang note book este sketchbook niya. Maya-maya ay habang naglalakad siya pinupunit niya yung mga papel ng sketch book sabay nilalaglag sa sahig. Aba, kakalinis ko lang ng bahay tapos-
Pag binato ko toh si kuya ng walis, wag nyoko pigilan.

"Hindi ito. Mas lalong hindi ito. Ang pangit nitong isa wag na toh. Dapat maganda eh. Ano ba yan hindi rin ito ang pangit nito. Wag din ito" aniya sabay punit sa mga pages na drawing. perfectionist? I told you to smile why aren't you smiling? joke iba na pala yun.

"KUYA PULITIN MO NAMAN KALAT MO NAKAKAASAR NA OH. KAKALINIS KO LANG NG BAHAY" Sigaw ko, kaya bigla siyang nagulat.

"Kingina Scarlet. Di kita napansin dyan ah. Bakit ba sulpot ka nalang ng sulpot bigla ha? takte" sabi nito at napapikit ng madiin tsaka hinawakan yung dibdib. So... who's gonna tell him na kanina pa ako na katayo dito sa pwesto ko at pinanunuod siyang magpunit ng papel?

"Pakilinis nalang may pupuntuhan ako. Sorry nagmamadali ako eh" sabi nito

"Gusto mo isumbong talaga kita kay mudra? Ang kalat mo nanaman" pagbabanta ko

"Kung masusumbong mo. Bye HAHAH" aniya sabay takbo sa labas kaya dinala ko yung walis namin sabay hinabol siya

"HOY BUMALIK KA DITO!! KUYA NEON HINAYUPAK KA!" pagsigaw ko pero di ko na siya naabutan. Leche talaga. Maglilinis nanaman ako. One on one suntukan kami nito pag bumalik toh. Wag ka magpapakita sakin Kuya Neon magkakablack eye ka talaga sakin.

Napansin kong kanina ko pa tinataas yung walis na hawak ko habang nasigaw na bumalik siya dito at linisin yung kalat niya... ayan nagmukha pa akong manang dito. Bwisit

Inihipan ko yung buhok na nakabara sa mukha ko at padabog na pumasok sa loob ng bahay

─────
Neon's POV
────

Naabutan ko si Kisha na nakaupo sa isang bench. As expected nakain ng pastillas. Mukha talaga tong pastillas kahit kailan HAHA jok. She felt a presence, my presence kaya bigla siyang napatingin sakin and she waved so I waved back and ran to her.

"Anyway anyare? mukhang pagod ka ah" Sabi nito sakin. Di ko namalayan na pawis na pala ako

"Hahabulin sana ako ni Scarlet para maglinis ng bahay- hays.. basta" Sabi ko at napakamot sa ulo ko habang natawa lang siya

"Kaya pala HAHA.. eh ano naman yan?" tanong ni Kisha habang tinuro ang notebook na dala ko

"ito?" tanong ko pabalik kaya umupo ako sa tabi niya habang binuksan ang notebook at pinakita sakanya ang laman

"WOAH ANG CUTE" aniya tsaka tiningnan ng maayos yung mga drawing

"Ha? cute? balak ko na nga itapon" well balak ko na talaga itapon at tumigil sa lang sa pagdradrawing pero nalaman kong mahilig pala tong babaeng toh sa mga arts and painting pero hindi siya maalam magdrawing HAHA kaya I decided to keep it and give her my notebook

"UY GAGO WAG, ANG CUTE KAYA" sigaw nito. Sabi na eh, pipigilan ako nito na itapon toh kaya natawa ako.

"Anong cute dyan papel lang yan na may sketch?" sabi ko habang tinitingnan siya na biglang sumimangot

"Ayaw mo sige akin nalang joke" sabi niya tsaka tumawa.

"Sige iyo nalang HAHA" sabi ko kaya binigay ko sakanya yung notebook

"Seryoso ka akin nalang?" Gulat na tumingin sakin at tumingin ulet sa notebook na nilagay ko sa kamay niya, na hawak niya na ngayon

"Oo naman" sabi ko at nginitian siya na isa-isang tiningnan ang mga pages at biglang tumingin ito sakin at ngumiti

"Sige sabi mo yan HAHA WALA NG BAWIAN, BAKA BUKAS HABULIN MO NALANG AKO SABAY SABIHIN MO 'KISHA TAKAHASHI HOY BALIK MO NA PALA SAKIN NOTEBOOK KO' HAHA" pang-aasar nito kaya natawa nalang ako

"Wow, pede rin naman gusto mo talagang bawiin ko yan?" pang-aasar ko pabalik at mukhang natigilan ito at tumingin ulet sa notebook

"Joke lang eto naman. Sabi ko nga tatahimik na nga eh" she smiled sheepishly.

"Good HAHA. Anyway meron nga palang ibang pages diyan na pede mo pang sulatan at gamitin" sabi ko. Tumango lang ito at patuloy na tiningnan yung mga drawing

"Thank youuuu" tumingin ito sakin at ngumiti kaya ngumiti ako pabalik. Sana hanggang dulo tayo parin.

done - close flashback

"Sana hanggang dulo. Natupad ang aking hiling... ang hiling na hanggang dulo ay kasama parin kita... pero wala nang tayo"

 pero wala nang tayo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: the puzzle border or emoji that was seen in the previous chapter where flashbacks of the past we're added means, a puzzle will be found. The missing pieces of the past will be found.

🖋: [08. 21. 21]

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon