~~~~
Mabilis akong tumatakbo pabalik nang classroom at buti nalang ay wala pa si prof nung pag balik ko. Sobrang hingal na hingal ako at parang kakapusin ako nang hininga sobrang nakakahiya nang ginawa ko. Hindi ko naman kasi alam na may parang plastik na naka lobo don tapos naapakan kopa.
"M-may t-tubig kayo??" Hinihingal kong tanong sakanila nang makapasok ako sa loob nang classroom namin.
"Anong nangyayari sa'yo?? Ayos kalang sabrina saan ka pumunta??" Tanong sa'kin ni Katherine at inabutan ako nang tubig.
Ininom ko agad 'yon dahil sa labis nang hingal at pawis na pawis rin ako. "Ah wala wala." Sabi kopa. Alanganamang sabihin ko na pinuntahan ko si mateo sa parking lot tapos nahuli niya akong nakita ko sila ni Elaine.
"Are you sure? Parang kakapusin ka nang hininga mo ah clinic kaya tayo?" Pag aalalang sabi ni Bianca sa'kin at lumapit pa siya para tignan kung mainit ba ako.
"Uy ayos lang ako atsaka bat tayo magpapa clinic? Ayos lang talaga ako promise tumakbo kasi ako papunta dito" sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.
"San kaba kasi galing sabrina??" Nagtatakang tanong sa'kin ni luis.
"Uhm dyan lang"
"W-wait haha? Don't tell me-" hindi na natuloy ang sasabihin ni luis nang biglang pumasok si mateo sa loob nang classroom namin kaya napalunok ako.
Ang seryoso parin nang mukha niya. "Tol san kaba galing? Tagal mong bumalik kala koba saglit kalang sa parking lot??" Tanong ni harris kay mateo.
"Sorry. May kinausap lang ako kaya natagalan ako" sabi niya at madiin na tumingin sakin pero mabilis akong umiwas.
"Wala padin ba si prof??"
"Wala pa mateo baka hindi na siguro papasok 'yon si prof." Sabi ni harris.
"Okay ka lang ba talaga sabrina?" Sabi pa ni stella pero tumango ako.
"Ayos na ako hindi na ako hinihingal salamat sa tubig." Umayos na ako nang upo parang nanginginig ang tuhod ko pakiramdam ko masama parin ang tingin sa'kin ni mateo.
"Ayos kalang sabrina??" Pa lihim niyang tanong sa'kin, kaya parang babagsak nalang ako bigla sa sahig dahil sa tanong niya.
"U-uhmm..."
"Bakit parang kinakabahan ka?" Bulong niya kaya parang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Parang gusto kong umiiyak na ewan dahil sa inaasta niya.
Hindi naman ako natatakot pero parang gusto ko umiiyak dahil sa ginawa ko kanina. "H-hindi ah."
Pero bigla nalang pumasok yung prof namin. "Okay class sorry if I'm late but mag kakaroon kayo nang project pero by partner." Sabi ni prof samin at may kinuha siyang papel sa bag niya.
"Sinulat kona dito ang magkaka partner but this time lalaki at babae ang by partner."
"Valencia And Martinez" sabay kaming napatingin kay prof nang kami ang mag partner. Partner ko si mateo?? Shokssss ayoko na!
"Kayo ang magiging mag partner for this project." Kami pa talaga ang unang tinawag?? Prof pwede bang mag change nang partner?
Sinabi na ni prof ang mga magpa partner at sinabi niya narin ang gagawin naming project. "Sasabihin ko sainyo mamaya yung kanya kanya niyong project kapag tapos kong sabihin kung sino sino ang magkaka partner." Pinaliwanag ni prof ang gagawin namin sa magiging project namin.
Sinabi na saamin ni prof yung project na gagawin namin ni mateo at mukhang hindi naman mahirap 'yon kung mag tutulungan kaming dalawa.
"Ipapasa niyo 'to monday next week at ipapasa sa'kin so class thankyou and dismiss." Lumabas na nang classroom si prof at ang mga classmates ko ay nagsi puntahan na sa mga kani kanilang mga partners.
BINABASA MO ANG
Series #1 Poisoned Love (COMPLETE)
RomanceWala nang hihilingin pa ang 24 years old na si sabrina dahil masaya siya kung nasan siya ngayon kung ano ang kalagayan niya kasama ang kumpletong pamilya na nina nais niya. Pero hindi siya nagkaroon nang boyfriend o manliligaw sa 24 years niyang nab...