~~~~
Nasa hospital na kami kung saan ako sasamahan nila mama magpa check up. "Let's go inside ms. Valencia pwede rin po kayong pumasok kung gusto niyo po siyang samahan." sabi nang doctor na babae. Kaya pati sina papa ay pumasok sa may loob.
Inalalayan ako nang doctor na humiga sa may kama at may tv doon siguro doon ipapa kita sa'kin si baby.
Bakit na excite ako? Pina taas nang doctor yung suot kong dress at buti nalang ay naka short ako, may parang nilagay yung doctor sa may tyan ko at doon niya na pina silip sa amin si baby.
"Congrats ms. Valencia your 1 week pregnant" nakangiting sabi nang doctor sa'kin.
"Doc? Ano poba yung mga dapat kainin nang anak ko at yung mga hindi dapat niyang kainin, kasi po first time mom po siya." Nakangiting tanong ni mama sa doctor.
"Irereseta kona lang po sainyo yung mga dapat niyang kainin pero yung hindi niya dapat kainin yung katulad nang mga hindi masusuntansiyang pagkain. At yung pag inom po nang alak ay bawal na bawal po iyon, at kung pwede po ay masusuntansiyang pagkain lang po ang pwedeng kainin nang anak niyo katulad nang gulay at mga prutas.." paliwanag ni doktora samin habang nakangiti, bawal na pala ako kumain nang kung ano ano dapat healthy foods lang pala ako.
"Eh ano naman yung hindi niya dapat gawin doc?" Tanong pa ni tita.
"Bawal pong ma stress at bawal mag buhat nang mabibigat. Kung maari po ay iwasan po ang stress dahil nakaka apekto po ito sa baby, at baka may posibilidad na malaglag yung baby niya sa tyan sa sobrang stress..." Paliwanag pa nang doctor. Bawal na bawal pala talaga akong ma stress dahil makakasama sa baby ko 'yon.
Pero para baby ko ay iiwasan kong ma stress. "Twice a month ang check up schedule mo tutal ako naman po yung kinuhang obgyne. Hihingin kona lang po mamaya yung contact number niyo kasabay ibibigay kopo yung reseta." Inalalayan na ako nang doctor maka tayo, at binaba kona rin yung suot kong dress.
"Thankyou so much, Ms. Ramos!" Nakangiting sabi ni papa sa doctor.
Lumabas na kami pagka tapos ibigay samin yung reseta na nakasulat doon yung mga dapat kong kainin. Sinabi rin naman kanina yung mga hindi ko dapat kainin tapos at mga hindi ko dapat lalong gawin. Dapat ay todo ingat ako sa mga kilos at galaw ko.
Nasa loob na kami nang kotse si mama at tita grace ang katabi ko sa may back seat, at si papa naman yung magda drive. "Ako na lang ang bibili nang mga dapat bilhin. Diyan na lang kayong tatlo." Sabi ni papa at inabot ni mama yung reseta nang doctor kanina sa akin.
"Nako excited na tuloy ako para sa'yo sabrina!" Nakangiti pa ring sabi ni tita grace.
"Gusto kona rin malaman kung babae ba or lalaki ang magiging anak mo.." dagdag pa ni mama, kaya nginitian kona lang silang dalawa.
Ako rin excited na pero may halo pa ring lungkot 'yon, hindi ko maiwasang malungkot dahil lalaki yung anak namin ni mateo na wala siya. "A-ako rin excited na para sa baby namin ni mateo.." malungkot na sabi ko.
"Sigurado kabang itatago mo kay mateo yang anak niyo?" Tanong pa ni mama. Ayaw nga ni mama at tita grace na itago ko yung magiging anak namin ni mateo.
Pero pinaliwanag ko naman kung bakit ko gagawin 'yon. "O-opo, baka nga magkaka pamilya na rin siya doon sa babae.." kasi may nangyari sakanilang dalawa ni nadine. Kesa masaktan kami parehas nang anak ko ay ilalayo kona lang siguro siya kay mateo.
"Hindi ka na namin pipilitin desisyon mo naman 'yan at hindi na dapat kami makelam sa'yo.." sabi pa ni tita.
"Tama ang tita mo, kaya pasensyahan mona ang papa mo kung ganon yung mga sinasabi niya kay mateo dahil galit lang din ang papa mo kaya ganon yung mga na sasabi niya." Dagdag pa ni mama. Kung ano naman yung kina mahinahon ni mama at tita ay kabaliktaran naman 'yon kay papa.
BINABASA MO ANG
Series #1 Poisoned Love (COMPLETE)
RomanceWala nang hihilingin pa ang 24 years old na si sabrina dahil masaya siya kung nasan siya ngayon kung ano ang kalagayan niya kasama ang kumpletong pamilya na nina nais niya. Pero hindi siya nagkaroon nang boyfriend o manliligaw sa 24 years niyang nab...