~~~~
Nagising na lang ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mata ko kaya napa dilat ako bigla, tatayo na sana ako pero naramdaman ko ang malambot na kamay sa bewang ko.
Dahan dahan akong tumingin sa likod ko pero nagulat ako nang si mateo 'yon at wala siyang damit, halos hindi ako makagalaw sa pagkakahiga ko dahil yung kamay niya nasa bewang ko nga.
Shit. May nangyari ba samin?? Pero tinignan ko ang pang ibaba ko eto parin naman ang suot kong damit simula kagabi. Baka may nangyari samin tapos sinuotan niya lang ulit ako nang damit??
Yari na! Paano na? Hays pano ba 'to, napa palo nalang ako sa noo ko dahil sa kagagahan kong nagawa ang bata pa namin para sa ganto. Ano nalang sasabihan ni mama ni papa saka ni tita??
Nang gumalaw si mateo tumalikod siya nang higa kaya mabilis akong umupo sa kama at don na nagsimulang umiyak nang umiyak. "P-pano na 'to.." sabi ko sa sarili ko habang nag pupunas nang sarili kong luha.
Anong mukha ang ihaharap ko sa bahay pagka uwi ko? Wala na wala na.
Iyak lang ako nang iyak wala na akong pake kung magising man si mateo dahil sa iyak ko.
"Shit. Sabrina? Why are you crying?? May nangyari ba? Are you okay??" sunod sunod niyang tanong sa'kin saka Umupo siya sa kama at sinuot ang damit niyang nasa lapag.
"M-may nangyari ba satin kagabi? I saw you wala kang suot na damit..." Naiiyak kong sabi sakanya.
"What? You mean?"
"Nag sex ba tayo?" Deretso kong tanong sakanya.
"Fuck, no. Hindi tayo nag sex kagabi hindi kita ginalaw sabrina."
Hala? Walang nangyari samin ang tanga ko talaga nakakahiya na talaga mga pinag gagawa ko.
"S-sorry akala ko may nangyari satin eh kasi pag gising ko nakita kita wala kang damit." Sabi ko sakanya, bat kasi naka hubad siya kainis.
"Sorry, sanay kasi akong naka hubad habang natutulog." Sabi niya Kaya medyo gumaan na ang loob ko kala ko talaga may nangyari samin.
Pero bakit pala kami magkatabi sa kwarto? Bakit nasa tabi ko nga rin pala siya? Atsaka wala na akong maalala simula kagabi ang naalala kolang ay nag inom kami.
"T-teka bakit magkatabi nga pala tayo matulog?" Tanong ko ulit sakanya. "Sumuka ba ako? Nasukahan koba yung banyo??" Sunod sunod kong tanong sakanya, Hindi kasi ako sanay uminom nang marami.
"Hindi ka sumuka kagabi ang kulit mo nga eh ang dami mong sinasabi" OMG! baka kung anong words ang nasabi ko sakanya kagabi.
"Weh? Sige nga anong mga sinabi ko kagabi?" Wala talaga akong maalala sa nangyari kagabi dahil sobrang lasing ako.
"Akala koba kahit lasing ka alam mo sinasabi mo?"
"Eh? Eh" nag tataka ko naman siyang tinignan anong ibig sabihin niya?
"You told me na ako pala yung crush na sinasabi mo." nakangisi niyang sabi sa'kin. Sinabi ko pala 'yon? Hala ang tanga ko talaga!
"S-sinabi ko talaga? Ano pang sinabi ko?" Tanong kopa ulit sakanya.
"Syempre lasing lang naman ako non kaya nasabi ko yung mga ganong words." Ayoko na nakakahiya talaga, baka ano pang nga sinabi ko kay mateo.
"Dimo maalala? Nag kiss tayo kagabi diba?"
"H-huhh!!?? Nag kiss tayo???"
"Yes, Sabi mopa nga ang sarap sarap nang labi ko." 'Yon lang ang sinabi niya at umalis na siya nang kama.
BINABASA MO ANG
Series #1 Poisoned Love (COMPLETE)
RomanceWala nang hihilingin pa ang 24 years old na si sabrina dahil masaya siya kung nasan siya ngayon kung ano ang kalagayan niya kasama ang kumpletong pamilya na nina nais niya. Pero hindi siya nagkaroon nang boyfriend o manliligaw sa 24 years niyang nab...