21

24 3 0
                                    

~~~~

Lunes ngayon kaya maaga akong nagising at first day rin pala ni ethan ngayon sa school kaya naman ay mag sasabay nalang din siguro kami pumasok dahil tutal first day naman niya sa school. "Ethan?" Tawag ko sakanya nang makababa ako dahil naabutan ko siya na nasa sala namin.

"H-hi sabrina good morning!" bati niya sa akin, mukhang ready na siya naka full uniform na agad.

"Good morning rin."

"Kumain kana rin muna sabrina bago kayo umalis ni ethan, hindi kaba susunduin ni mateo? Kung susunduin ka naman niya ayos na rin para sabay sabay na kayong tatlong pumasok." sabi ni tita pero hindi ako masusundo ni mateo ngayon. Kaya mag sasabay kami ni ethan pumasok tutal hindi pa naman niya kabisado yung daan papuntang school.

"H-hindi po ako masusundo ni mateo tita pero mag sasabay nalang po kami ni ethan pumasok sa school" nakangiti kong sabi at nag sandok na ako nang pagkain ko dahil nagugutom na ako.

Ganon parin maagang umaalis sina mama at papa kaya hindi kona sila naabutan kapag nagigising ako.

Nang matapos kaming kumain ay nagpa alam na rin kami kay tita grace na papasok na kami. "Uy daanan muna natin si tita ara para alam niya na papasok kana." sabi kopa sakanya, pero umiling lang siya sa'kin.

"Wag na sabrina umalis sila ni tita cora ime message kona lang si mama pag nasa school na tayo."

"Ah ganon ba sige" nag hanap na kami nang tricycle na sasakyan namin. Mag iisang sakay nalang kami hanggang school para tuloy tuloy.

Habang nasa byahe kami ay biglang tumunog yung cellphone ko mula sa bag ko at mukhang may tumatawag ata sa'kin. "May tumatawag ata sa'yo sabrina sagutin mo muna, baka importante." Sabi naman ni ethan kaya pinaharap ko yung bag ko at kinuha ang cellphone ko.

Si bianca lang pala ang tumatawag. "Hello? Bianca bakit?" Bakit kaya siya napatawag.

"8 am start nang class na saan kana? 7:30 na uy!" Sabi niya sa kabilang linya.

"Ah nasa tricycle na kami papunta na nang school!" Pa sigaw kong sabi dahil baka hindi niya narinig mabilis ang takbo nang tricycle.

"Ah sige ingat antayin kana lang namin, basta bilisan mo lang baka ma late ka" ibinaba na ni bianca yung tawag at nilagay kona lang yung cellphone ko sa bulsa.

"Late naba tayo? First day kopa lang pero late na aka agad.." natatawang sabi ni ethan. Hindi naman siguro kami ma late at malapit na rin naman na kami sa school.

Nasa school na kami kaya nag mamadali na kami papasok dahil hindi naman kami mag kaklase ni ethan 4thd year na ako tapos siya 2nd year pa lang dahil natapos niya yung 1st year niya sa japan. Tapos magka iba pa kami nang course. "Uy una na ako sabrina ah, message nalang kita kapag tapos na yung class ko!" Nag hiwalay na kaming dalawa at dumaretso na agad ako sa classroom baka nag start na sila.

Pagka rating ko ay wala pa pala si prof. "Si sabrina oh nandiyan na!" Turo pa sa akin ni bianca at pumasok na rin ako classroom.

"Kala ko nandito na si prof wala pa pala nag mamadali pa ako" sabi kopa at umupo sa mag tabi ni arielle na nagdra drawing.

"Kala ko rin tignan mo oh tapos kona tong dino-drawing ko pero wala pa rin si prof" kamot ulong sabi ni arielle at pinakita pa sa amin yung gawa niya na gown.

Series #1 Poisoned Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon