Chapter 10.

3 0 0
                                    

10. Just the beginning.

Ang weird ko ba?
Kasi hanggang ngayon hindi ko parin lubusang maisip king bakit ako naging paasa. It's been two weeks since that day pero so far ayos naman. Actually. Today is recognition day! Hahahaha.

Si mommy yung aakyat sa stage.
Katabi ko si Jett buong program. Napatawa pa nga ako kasi may tatay sa unahan namin na kalbo. Tapos bigla niya akong kinausap.

"Maiden. Huhulaan kita."

"Ha?"

Napatingin ako sakanya habang nagtataka. Kelan pa siya naging manghuhula?

"Eto o. Bolang crystal."
Sabay turo sa nasa unahan niya.
Pfffftt. Hahahahaha. Ambad niya pero nakakatawa. Swear!
Pinalo ko nalang siya nun.
Natapos naman yung program.

Nung pauwi na siya. Inisip ko na baka yun na yung last naming pagkikita. Bakasyon na e! Huhuhuhu.

Lumabas muna ako nun kasama si twin bro para bumili ng pagkain. Nung nagkasalubong kami ni Jett, umuna na si Rian. Nakahalata yata.

Hinawakan ni Jett yung balikat ko kaya napaharap na ako sakanya.

"Maiden! Una na ako ha? Si mama kasi. Ingat!"
Sht. ang bilis bilis ng tibok ng puso ko!
First time in recorded history na nagpaalam siya sakin na pauwi na siya. Sht! Tumango lang ako at sabi koy mag ingat rin sila. Kasama pa nga nila yung Kapatid niyang babae na mas bata sa kanya. Si Dansel! Ang cute. Hahaha.

Anyway. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko.
-----
April na at hindi ko parin makalimutan yung huli naming pagkikita! Kinikilig parin ako! Nung kuhaan ng card akala ko makikita ko siya. Kaso si Joana lang yung nandun tas sabi niya wala daw si Jett. Urgh! Expectation hurts.

------

"Joanna? Hi! Bakit?--kelan kelan? Sgesge. Pupunta kami. Aha! Magsasama ako. Si Jane tapos baka si Jessi. Hm. Sgesge. Seeya!"

Yes! Makikita ko na si Jett! I immediately call Jane and Jessica. Okay naman daw. so bukas pupunta kami kina Joana kasi may kainan, birthday daw nung pamangkin niya na si Sydney, tapos fiesta yata dun.
----
Mga 10:30 na kami nakarating sakanila. Nandun si Jett. Sht! Nakita ko na naman siya! Mas pogi siya ngayon! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Omhy! Tapos kung makatingin siya sakin! Ano ba! Tama na nga! I'm overthinking again!

Nagkainan, namasyal, nagkwentuhan at nagpicturan kami.

Nung pauwi na kami. Hinatid kami ni Jett sa sakayan tapos umuwi narin siya. Waaa. Kinikilig ako! Naalala ko yung cake ayaw niya pa kasing ubusin. So ang ginawa ko ako yung nagsubo sakanya. E pinipigilan ako. Hinawakan niya yung kamay ko na nasa tinidor. Pero sinubo niya rin! Tyansing. Kakilig!

Mga 5 na ako nakauwi sa bahay.
Umakyat muna ako sa kwaryo para mag shorts at mag tank top. Naka 3/4 at pants kasi ako kanina. E ang init!

Nakatulog ako tapos naalimpungatan ko yung ingay sa baba kaya naman bumaba na ako. Kakain akong konti. Busog pa naman ako dahil sa kainan kami galing.

Nagulat nalang ako dahil nung pagbaba ko. May isang babae at lalaki sa baba. Medyo pamilyar sila. Aha! Si Renz at si Clarisse. Ngayon ko lang naalala. Hindi na nga ako nakapagtanong kay mommy kung ano ba yung tinutukoy niya dati. Oo nga pala kailangan kong malaman yun!

"Siya na ba yun?"
Taning ni Clarisse kay Tita. Hindi ko feel silang tawaging tito at titta. Ewan ko. Gusto ko Clarisse at Renz lang.

Umoo naman si Tita. Nag excuse muna ako at pumunta sa kusina kung saan nakain si Ate Ofel at si Kate. Yung kapatid niya na sumigaw dati ng adventure time.

Version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon