Chapter 12

4 0 0
                                        

"Waaa. Sorry na kasi!"
Kanina pa ako nagsosorry sakanya pero hindi niya ako pinapansin! Hindi pa naman ako uuwi agad kaya may time pa kami besides ni hindi pa nga nagsa sunset e. Summer ngayon so obviously baka mga past  6 pa lulubog yung araw.

Alam nyo bang kaya siya nagalit kasi tinulugan ko lang daw siya. Nakakainis daw ako! Bwisit na lalaki to! Gustong gusto na sinusuyo. Tsaka parang siyang bata na nagtatantrums nung ginigising niya ako, kung bat ko daw siya tinulugan.

"Alam ko na! I'll cook! Ipagluluto kita ng dinner! I mean. I'll cook for our dinner."
Dahil sa sinabi ko napatingin siya sakin. Uh-oh. Hindi ako maalam magluto! This will be the death of me!

"Talaga?" Masayang masayang tanong niya.

"Oo! Kahit di ako maalam magluto!"
Binulong ko yung dulong sentence. Mahirap na baka marinig pa, lalong magtampo.

Buti naman kumpleto yung gamit at ingredients nila. Kaso anong lulutuin ko for dinner? Aha! Chapseuy nalang. Alam nyo yun? Yung mga gulay. Basta yun na yun. Alam ko kasi lutuin yun dahil tinuruan ako dati ni Ate Ofel. Sana maalala ko kung paano!

Nagsimula na akong mag prepare nang mga gulay, nagsimula narin akong maghiwa hiwa nung mga lahok.
Nagsalang na naman ako ng kanin sa rice cooker. Titingnan ko nalang siguro maya maya.

Pinapanuod nya lang ako habang nagluluto. Nagpatugtog siya kaya yun lang yung nakikinig namin kasi hindi naman kami umiimik.

Habang naghihiwa ako nang maliliit na Mais yung ipanlalahok, tinitingnan ko yung rice cooker. Kaso dahil sa katangahan ko, nahiwa ako. Sht! Ang sakit!

Hindi ko yun pinahalata kay Jett. Tumayo ako kaya napatingin siya sakin. Tinatago ko yung kamay ko kasi baka makita niyang may dugo. Medyo malalim at mahaba rin yung hiwa kasi pa slant yung gawa ko.

Hinugot ko yung rice cooker kasi luto na yung kanin tas dumeretso ako sa lababo. Habang nasa lalabo ko. Ramdam kong tumayo siya at naglakad palapit sakin.

Naka kunot noo siyang lumapit sakin. Nginitian ko nalang siya at kinagat ang dila ko. Habang hinuhugasan yung kamay ko. Fcksht! Ang sakit.

This time napatingin na siya sa kamay ko na kasalukuyang dumudugo parin na nakatapat sa gripo. Uh-oh! Dead-end.

Biglang naging soft yung expression niya at kinuha yung kamay ko. Hinipan niya yun.

"Fck. Bat dimo sinabi?! Teka kukuning ko lang yung Medicine Kit."
Tumakbo siya tas ilang saglit pa nakabalik narin siya. Waaa. Alcohol? Srsly?

"Minsan kailangan tiisin yung sakit. It'll be okay. Don't worry."
Humugot na naman!
Nilagyan niya na nang band-aid yung sugat.

Yey! Okay na ulit. Worth it yung sakit. Mwehehe.

Uuupo na ulit sana ako at magsisimula na sana ulit nung pagaayos nung ingredients para maluto ko na sana kaso tiningnan ako ng masama ni Jett. Ehem! Nararamdaman ko nang nababaliktad ang sitwasyon.

"Tingin mo hahayaan pa kitang magluto pagkatapos mong magkasugat? Kasalanan nung kutsilyo, tanga!"
Kawawang kutsilyo. Kahit natatawa na ako pinigilan ko sarili ko. Pffft. Kailangan ko pang umarte ng konti. Mwehehe.

"Ano. Ipagluluto nga kasi kita diba? So ako na dyan kaya ko. Malayo sa bituka. Tsaka erm. Ano. Galit kapa kasi. Hmm. Ata?"
Sabi ko tsaka tumingin sa paa ko. Gumana ka please!

"Hays. Hindi na ako galit! Umupo kana lang dyan ako na magtatapos nito. Badtrip yung kutsilyo!"

Napangiti ako dun tsaka umupo nalang. Pinapanuod siya sa mga ginagawa niya. I'm always imagining my future with him. E siya kaya? Well. First love is the deepest nga daw, haha. Wala lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon