5. Adventure
Hays. Nasa kwarto ko lang ako. Hindi na ako umiiyak ngayon. Pero yung sakit. Alam kong nandito pa yun.
"Adventure time!"
Nakinig kong sigaw nung bata kong pinsan at tumakbo papuntang sala para ata manuod.Adventure.
Sht. May naalala ako.
------
"Waaaaa. Amboring. Huhuhuhu."
Narinig kong sigaw nung isa kong kaklase.Baliw. Kailangan isigaw? Pero srsly. Boring nga. Wala narin namang klase e.
"Waaahahaha. May naisip ako. Who wants to come? Let's have fun!"
Naku. Jessica! Pag ikaw nakaisip alam kong iba ang meaning ng 'fun' mo."Tara tara!"
In the end. Ako. Si Jessica. Si Joana. Si Anne. Si Ana epal. -_- Si Lovely. Si Jr. Ay magkakasama.
Pupunta kami sa forest park with a twist. Kasi may hagdan naman paakyat dun e. Dun ka dadaan sa malapit sa open field. E kaso siraulo si Jessica. Dun kami dadaan sa likod ng sophomore building.
Hindi kaya kami mapagalitan nito?
Umakyat na kami. Mahirap syempre. Kasi paakyat. Tsaka kailangan kumapit ka sa mga puno para hindi ka malaglag.
To think na naka black shoes kami ngayon. Disaster! -_-
Nung nakarating kami sa taas. Medyo nagpahinga lang. Ang ganda kasi dun. As in. Mahangin pa.
Bumaba narin kami. Pinauna ko na sila. Im still daydreaming. Tsaka for sure. Madali lang bumaba kesa umakyat. Kasi mas madaling mafall kesa mag move on.
"Huy. Tara na." Sabi nung epal na Ana. Sabay baba at umimik pa na "ey Jr. Pakialalayan naman ako."
Srsly? Alalay ba si Jr tumingin lang ako sa kanila ng masama. Dahil natural yata talagang gentleman yung Jr na yun. Inalalayan nga si Ana pag baba. Annoying view!
"Selos?" Sabi ni Joana. She's my long lost friend lol. Magkaklase kami nung kinder tas nagtransfer ako sa ibang school kaya ngayong high school nalang kami ulit nagkita. Haha. Close sila ni Jr kasi magka subdivision sila.
"Asa." Sabi ko sabay pout tas nauna na siyang bumaba.
Sht. Nasan na sila? Srsly?!
Medyo mahirap pala bumaba. Haha. Kasi pag hindi ka nakakapit malalaglag ka ng dirediretso. Masakit yun for sure.
"Bat nandyan kapa?"
Tanong ko kay Jr. Akala ko nauna na siya, sila?"Baka kasi kailangan mo ng tulong. Baka malaglag ka. Halika sasaluhin kita."
Sht. Double meaning!Tiningnan ko siya na para siyang alien na bumagsak sa lupa at kinausap ako.
"Diba may fear of heights ka. Bat sumama ka pa?"
Sabi niya. Habang medyo umaakyat. Para maabot niya yung isa kong kamay. Yung isa kong kamay kasi nakahawak pa rin sa puno.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang sinasabi ko sakanyang "Sure ka? Sasaluhin mo ko ha?"
"Oo naman. Tara."
Sabi niya sabay ngiti at inalalayan akong bumaba.
-----
Sht. Bat ko pa yan naalala? Urgh! Kaasar! Sht. sht. Sht.Sabi niya sasaluhin niya ako? Mukha namang hindi e. Kasi nasasaktan ako ngayon. Paksyet! Bat kasi masyado kong pinanghawakan yung mga salitang sasaluhin nya nga ako? Kahit alam ko namang Hindi.
BINABASA MO ANG
Version 2.0
AcakA story about confusion, heartaches, frienemies, thoughts, dreams, questions, weirdness, a story of love and hate, tears and happiness. A story about the second times and first times, a story that no one will going to read.