Chapter 8

3 0 0
                                    

8. Indirect

'Paano ko kaya matatapos yung wallet?'
Sabay buntong hininga.

"You we're thinking out loud baby."
Sinamaan ko siya ng tingin sabay roll eyes.

"Baby your ass."

"Ano nga ulit tanong mo?"
Mukha naman siyang seryoso kaya sinagot ko narin. Kahit na nadidistract na ako sa katangusan ng ilong nya na mistulang kumakaway sakin. Mwehehe.

May hinila kasi siyang bangko kaya nasa gilid ng table ko siya nakaupo. Ang lapit niya. Sana lang hindi niya nakikinig kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko! Dahil sakanya!

"I was just asking kung paano ko matatapos itong eco friendly wallet e hindi ko alam kung paano iassemble. Diba itatahi?"

"Aaa. Yun lang pala. Too bad bawal sabihin sa maganda. Hahaha."
Sabi niya sabay kindat sakin.

Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa pisngi ko. Cursed him for doing shts to me!

"You're so fast-blushing."
Sabi niya na para bang yun yung pinaka obvious na bagay sa mundo. For pete's sake. Maputi ako kaya halata pag nag blush. Kakahiya at ano daw?
Sinamaan ko sya ng tingin.

He raised his two hands as if he's surrendering.

"Fast-blushing girl. You know? Nakakatuwa ka. Ambilis mo magblush. Kaya nakakatuwa kang asarin or pasayahin e."

"Cursed you!"
Sabi ko nalang at pinagpatuloy yung pagtatahi sa wallet. There's no rule in it. Bahala ka kung anong pagtatahi ang gawin mo.

Mabilis namang lumipas ang oras. Actually nung hapon na. Nakaupo lang siya ulit sa gilid ko at tinititigan ako, na para bang ako ang pinaka interesting na bagay sa mundo. Hoho. Wag namang ganun. Kinikilig ako.

Sana lang talaga! Hindi niya makinig yung mabilis na mabilis na mabilis na mabilis na tibok ng puso ko.

Hapon na nun. Pero tumambay parin ako sa room at nagi sketch ng kung ano sa sketch pad. Nandun lang naman siya sa tabi ko.

Ow. May naalala ako. May kailangan nga pala kaming basahin sa history. Kaso diko alam kung anong page. I better ask him para mapag aralan ko mamayang gabi.
Pero may sense pa ba kung babasahin ko yun? Hindi narin naman magkaklase.
Itatanong ko narin pala para makausap ko siya. Mwehehehe.

"Page ano nga yung sa history?"

"Sorry ha. Bawal kasi talaga sabihin sa maganda. E maganda ka, kaya bawal mong malaman."
Seryoso niya sabi. Pero ilang sandali pa nagmake face siya, nagtingin sa ibang direction at bumulong. "Sht sht! Bat ko sinabing maganda siya. Urgh!"

Ginulo gulo pa nya ang buhok niya kaya magkasalubong ang kilay kong nakatingin sa kanya.

"A. He. He. He. Wa. Wala. Sge ano una na pala ako?"
Sabi niya tapos nagmamadaling umuwi.

Ano na namang problema ng isang yun? He's acting weird lately.
Ya. E yung page nung sa history!

-----
Hindi pa dapat ako uuwi. Pero tumawag si Ate sakin. Umuwi na daw ako kasi may importante daw na paguusapan.

Kinakabahan ako i don't know why.
Nagmadali akong maglakad pauwi.
Medyo dumidilim narin at napatingin ako sa sunset. Napangiti ako at pinicturan ang sunset. Inipost ko sa instagram at inishare ko sa facebook. Caption: Sunsets are proof that endings can be beautiful too.

Kaya naniniwala akong may happy ending. Kung hindi pa happy, hindi pa yun ending.

Nagdiretso ako sa kwarto ko, nag internet muna ako. Nakita ko pa namay comment yung isang practice teacher sa post ko. "May pinanghuhugutan itong batang ito."
Nag comment back ako. Sabi ko. "Haha. Sir wala po.". Dahil mukha namang wala pang tao, lalabas muna ako. Nagmadali pa naman ako pag uwi.

Version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon